Umiyak ka lang
Hayaan mong tumulo ang iyong luha
Ibulalas mo ang iyong kinikimkim na mga kataga at salita
Upang tuluyan ka nang lumaya
Mula sa pagkakabilanggo sa kalungkutan
Kailangan mo na ngayong magpalaya
Sa iyong pinakamamahal sa buhay
Upang ganap na pumayapa na rin sila
Sa lugar na kanilang kinalalagyan
Ang kamatayan nila ay hindi hangganan ng iyong buhay
Sapagkat ang kamatayan nila ay ang simula ng iyong bagong buhay
Kung kaya mabuhay ka para sa kanila na sa iyo ay nagmahal
At tumayo kang muli at manindigan para sa kanilang mga minamahal
Tandaan mo sana... na hindi lang ikaw ang nasaktan
Marami rin kami na namatayan at parang namatay na rin ng paulit-ulit
Subalit... sinikap naming magbago
Sinimulan namin ito sa pagpapalaya ng aming sarili
Oo, mahirap at masakit
Pero ito ang aming pinili.
den mar

No comments:
Post a Comment