Monday, August 31, 2015

60 thousand view ng aking blog

March 14 · Edited · 
Sa ika-60,000 view ng aking blog na Engkwentro.
Nagsimula ang aking simpleng blog sa simpleng ala-ala na ito. Sa isang simpleng 'engkwentro' ng mga naging kaibigan ko sa Scouting ... ang mga ka-Patrol ko na naging kapatid ko na rin. Ang Scouting ang aming naging tahanan. Ang Scouting ang aming inuuwian at binabalik-balikan. Iba-iba man kami ng relihiyon, edad at pinaniniwalaan sa buhay....sa Scouting, pinag-isa kami ng damdaming magmahal at maglingkod sa aming kapwa.
'Engkwentro, 'ito ang naging kaluluwa ng aking mga pananaw... ang pinanghahawakan ko sa aking paglalakbay na ispiritwal.
Sa buhay na ito, saan man marahil tayo abutin sa ating personal na paglalakbay sa buhay, alam ko lagi nyo ring nagugunita ang mga simple at masasayang ala-ala ng ating kabataan.
Maraming salamat sa mga matatamis na ala-ala. Den Mar

No comments: