Friday, November 4, 2022

Scout Investiture: Pagtatalaga ng mga Batang Scouts (Script)

Inihanda ni Scouter Dennis DC. Marquez, BSP Antipolo City Council 

(maaaring baguhin ng ayon sa inyong pangangailangan)

Reference: Dennis DC. Marquez, Scout Investiture: Pagtatalaga ng mga Batang Lalaking Scouts, https://web.facebook.com/notes/684995449108668/.

====== 

[Maaaring magpatugtog ng mga Scout songs na may kumpas na pang-martsa bago magsimula ang palatuntunan upang magkaroon ng 'atmosphere' na pang-Scouting]

Introduction:

Maraming paraan upang maisagawa ang investiture ceremony. Kahit pa gaano ito kasimple, ang mahalaga ay ang maging meaningful ito sa mga batang Scouts dahil ito ang kanilang milestone na magiging hudyat na sila ay pormal na tinatanggap bilang mga members sa samahang Scouting at itinatalaga bilang mga kabataang Scout. 


Una, ang Scouting ay limang Sections na naka-base sa edad ng Scouts: KID Scouting, KAB Scouting, Boy Scouting (Young Scouting), Senior Scouting, and Rover Scouting.

Ito ang mga equivalent ng mga terms na pwedeng i-adopt sa pag-modify ng script na ito:

Materials:
Maaaring may entablado or wala. Ang mahalaga ay nakikita ng lahat ang mga simbolo na gagamitin sa occasion na ito:


1. BSP Logo- Ito ay sumisimbolo sa Boy Scouts of the Philippines kung saan member ang bawat Scout.
2.Tatlong malalaking kandila na isa-isang sisindihan na sumisimbolo sa Duty to God, Duty to Others, and Duty to Self.

3.Labindalawang mga kandila na isa-isang sisindihan na sumisimbolo sa labindalawang batas ng Scout: Thrustworthy, Loyal, Helpful, Friendly, Courteous, Cheerful, Thrifty, Brave, Clean, Reverent. 

Ang BSP-logo ay kumakatawan sa Scouting at ang mga kandila naman ay sumisimbolo sa “Duty to God, Self, and Others; at sa Scout Oath and Law.”

Upang masaksihan ng lahat ang mga simbolong ito, siguraduhin na hindi ito matatakpan dahil sa mga simbolong ito iikot ang buong seremonya.

Kalimitang nakapwesto ang mga panauhing pandangal sa unahan. Walang general rule kung saan sila naka-pwesto. Ang mahalaga ay nakikita ng mga panauhing pandangal ang mga bata at nasasaksihan nila ang activity na isinasagawa nila.

Magtalaga rin kung saan ipu-pwesto ang mga magulang/guardians. Kung may ninong or ninang (as sponsors), i-orient sila bago magsimula ang palatuntunan kung paano ang tamang pagtutupi at paglalagay ng neckerchief na may carabao slide sa leeg ng isang Scout. Gayundin, bigyan ng cue ang mga gaganap na ninong o ninang (sponsors) kung saang part ng palatuntunan sila tatawagin upang magampanan ang kanilang part. Mas magiging makahulugan ang investiture ceremony kung kasama ng mga ninong or ninang (sponsors) sa doning of neckerchief (pagsusukbit ng neckerchief) ang mga magulang.

Ang mga batang Scouts na itatalaga ang pinaka-sentro ng investiture ceremony. Mainam kung maipu-pwesto sila ayon sa kani-kanilang Patrol na kinabibilangan. Ang occasion ay nararapat na maging solemn kung kaya i-advise sila na maging tahimik sa kanilang pagpasok.
 

Ang okasyon ay maaaring may upuan o wala. Kung walang upuan, maaaring mag-indian seat ang mga bata sa part kung saan makikinig sila mensahe ng Panauhing Pandangal.Ang mga mensahe ay nararapat lamang na maikli subalit malaman. Ang mga mensahe ay hindi lamang sa mga bata naka-sentro kundi maging sa mga magulang, guardians, at mga sponsors na naroroon din.

Samantala, may mga batang Scout na naka-assign as Color Guards. Sila ang naka-assign sa entrance of colors. Kinabibilangan sila ng mga sumusunod:

Entrance of Color Guards:
1.Prayer Leader

2.Maaaring may kumumpas sa pag-awit ng Lupang Hinirang/Pambansang Awit ng Pilipinas; maaari din naming wala.
3.Leader ng Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas
4.Flag Bearers: National Flag Institutional/School Flag; Troop Flag. Sa mga flags na ito, ang pinaka-sentro ay ang Philippine National Flag.
 

Sa pagpasok (entrance of colors) at pagtatanghal (while singing the Lupang Hinirang) tanging ang  Philippine Flag lamang ang nakatuwid habang ang Institutional Flag at ang iba pang flag/s ay naka-45 degree angle ang position symbolizing ng pag-galang sa Pambansang Watawat ng Pilipinas.


5.Senior Patrol Leader/Commander- Siya ang magbibigay ng command.
 

Upang makapasok ang Color Guards sa entrance of colors, kinakailangang maglaan ng espasyo na kanilang daraanan. Maaari ding magkaroon ng Exit of Colors sa pagwawakas ng palatuntunan upang isara, formally, ang okasyon.

Panghuli, dahil sa may mga babaeng Scout na voluntary na sumali sa Boy Scout Organization sa bisa ng ipinatupad na batas na may kinalaman sa Gender and Development (GAD) and Equality, pinapayuhan ang Guro ng Palatuntunan (Emcee) na maging gender sensitive. Mainam na marecognize ang presence ng mga babaeng Scouts nais sumapi at makibahagi sa programa ng Boy Scouting.

 

-o – O – o – 


Sa panimula ng palatuntunan ang mga bata ay aanyayahang tumayo ng tuwid.

*Troop Leader / Outfit Advisor: Sabayang tayo, na!

 *GP (Guro ng Palatuntunan): Isang magandang umaga sa inyong lahat mga minamahal na panauhing pandangal, mga kapwa ko Scouters at guro, mga minamahal naming mga magulang at kaibigan ng mga itatalagang batang Scout, at sa lahat ng mga batang Scouts ng itatalaga sa araw na ito. Ngayon ay ating masasaksihan ang pagtatalaga ng mga batang lalaking (at batang babaeng) Scouts.


*Troop Leader / Outfit Advisor: Maghanda sa pagtatalaga (or Prepare for service).

*Scouts: (Sila ay nasa di-kalayuang lugar, nakatikas pahinga or nakatayo) Laging Handa!

A.Maaaring magkaroon ng pangkalahatang pagpasok. 

Ang mga magulang, guardians, at sponsors ay nakaupo na designated nila.

Ito ang pagkakasunod-sunod ng pagpasok:


-Adult Leaders
-Panauhing Pandangal

-Mga Scouts mula sa iba’t-ibang section (KID, KAB, Boy, at Senior Scouts; Hndi kasama ang mga Rovers sapagkat ang Investiture nila ay nagaganap sa kanilang ROVIC)


B.Maaring ang mga Scouts lamang ang pumasok.
 

[Kung nais na ang mga Scouts ay magkaroon ng maringal ng pagpasok (Grand Entrance), ang “Laging Handa!” ang cue upang bigyang hudyat ang Senior Patrol Leader na gabayang pumasok ang Troop. Maaaring ring humudyat ang Troop Leader / Outfit Advisor ng pito (whistle) upang bigyan ng signal ang mga Senior Patrol Leader at Patrol Leader na nasa unahan ng kanilang patrol na pumasok ng tahimik in single file. Mas mainam na wala muna silang Patrol Flag na hawak, sa halip ang mga Patrol Flag nila ay maaaring ilagay sa entablado at pagsama-samahin (naka-moratorium) upang makita ng lahat.  Kung ang watawat ng Pilipinas at iba pang kasamang watawat ay itatayo sa kaliwang bahagi ng entablado, ang mga patrol flag ay maaaring nasa kanan o sa lugar na hindi makakahadlang subalit makikita ng lahat.]

[Mayroong mga kandila na sisindindihan-- tatlong malalaki at labindalawang kandila na katamtaman ang laki-- ang sisindihan para ipaliwanag ang pangako at batas ng Scout. Naka-depende na lang sa magdi-disenyo ng entablado or tanghalan kung paano ito aayusin. Sapat sana ang laki ng mga kandila upang manatiling nakasindi sa buong duration ng palatuntunan at hindi magiging sanhi ng pagkasunog.]


C.Maaaring ang mga Adult Leaders, Panauhing Pandangal, Magulang/Guardians, at mga Scouts ay naka-pwesto na sa lugar kung saan gaganapin ang Investiture Ceremony.

 

=====START OF PROGRAM======

1>Pagpasok ng Kulay (Entrance of Colors) at mga may gampanin sa panimulang programa.

Maaaring ang may mga gampanin: Panalangin, Pag-awit ng Lupang Hinirang, Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas, etc. ay nasa lugar na malapit sa entablado.

*GP: Magsitayo po ang lahat para sa pagpasok ng Kulay sa pamumuno ng ating Color Guards… na susundan ng  pananalangin sa pamumuno ni…. ng maringal na pag-awit ng pambansang awit ng Pilipinas sa pagkumpas ni… panunumpa ng katapatan sa watawat ng Pilipinas… ng panatang makabayan sa pamumuno ng ating mga piling Scouts.

 (Maaaring magbigay ng hudyat, command, or magpatugtog ng drum roll sa 2/4 beat  marching beat; order ng pagma-martsa: mga may gampanin, Pilipinas, watawat ng: Paaralan, Troop Flag—maaring ilagay  na sa flag hoist sa simula pa lamang pero karaniwang isinasama sa pagpasok ng kulay).

[Kung may flag pole, tatlo ang karaniwang nag-assist para dito: ang isa ay gaganap na flag bearer, at ang dalawa naman ang mag-assist mag-assist sa kulay (flag) kung ito ay itataas gamit ang flag pole. Ito ang gagawin ng dalawang assistants: ang isa ay magtatali ng flag at ang isa naman ang maghahatak ng lubid. Pareho silang magkatuwang na magtatali ng flag sa flag hoist.]

 [Sa pag-command, nakagawian na ang magkaroon ng Silent Drill commands subalit mas nagiging aware ang lahat sa kagananap kapag naririnig nila ang commands ng Commander sa Color Guard. Ang mga commands na ginagamit: Patakda kad; Pasulong kad; Sumalunan na/kad; Pulutong to; Tanghal (Sagisag) na; Suksok Sagisag Na]


2>Panalangin  (Gumamit ng universal prayer na aangkop sa pananampalataya ng mga naroong Scout. Kung ang mga bata ay nasa-open space at naka-sombrero, maaaring hindi na ipatanggal at yumuko na lamang sila dahil maaaring ibilang ang sombrero sa kanilang uniporme.

*Prayer Leader: Iyuko po natin ang ulo at damahin natin ang presensya ng Diyos:

 Ama naming Lumikha,

Muli na namang naririto Inyong harapan:
magkakasamang nagpupuri sa Iyong kadakilaan
na nasasalamin namin sa lahat ng Iyong mga nillikha

Itinataas namin ang aming mga sarili
bilang iyong mga mapagkumbabang tigapaglingkod

Isinasamo namin sa Iyo
na linisin mo ang aming mga puso
upang maging bukas kami sa pagtawag Mo
at upang maihatid ka namin ang Iyong dakilang pagmamahalsa pamamagitan ng aming paglilingkod sa aming kapwa 
Nagpapasalamat po kami sa lahat ng Iyong mga biyaya
ngayon pa lamang ay nag-uumapaw na po ang aming kaligayahan
dahil sa ibinigay mo sa aming pagkakataon upang kami'y magkasama-sama
sa iisang bubong ng Scouting bilang magkakapatid sa Iyong harapan

Itinataas namin ang lahat ng aming mga alalahanin:
Ang aming mga mahal sa buhay na pansamantalang iiwan namin
Inihahahabilin namin sila sa iyong mga mapagpalang mga kamay 
lakip ang buo naming pagtitiwala na kaming lahat ay iyong papatnubayan

Pagpalain Mo po nawa kami aming Panginoon
na sa bawat araw, manatili ka nawa sa aming piling
turuan mo kaming makita Ka namin sa bawat isa
Dahil sa pag-ibig Mo lamang makakamtan namin ang tunay na kaligayahan.

Nawa'y mangyari po sa amin
ang kalooban Mo. Amen.

Source:
https://denmar1978.blogspot.com/2012/12/panalangin-ng-mga-Scout.html


3>Pag-awit ng Lupang Hinirang

 *Leader: Sabay-sabay nating awitin ang Pamsang Awit ng Pilipinas, Pugay kamay na!

Bayang magiliw…

 [Mabilis na itataas ang watawat ng Pilipinas sa unang linya pa lamang ng pag-awit ng Lupang Hinirang sa hudyat ng tagakumpas,. Pagkatapos pa lamang ng pag-awit ay tsaka pa lamang itatali ng maayos sa hoist ang lubid ng flag; Kung indoor ang palatuntunan, ang watawat ng Pilipinas ay itatanghal ng 90 degrees samantalang ang ibang flags naman ay naka 45 degree angle]

 Bayang magiliw

Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso,
Sa dibdib mo'y buhay. 

Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y di magdidilim.

Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo.
Aming ligaya, na pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa iyo.

  [Pagkatapos ng pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas, magko-command ang Leader ng “Handa rap upang ibaba ang kamay mula sa pagpupugay sa watawat.]

  *Leader: Handa, harap!/Handa rap!/ or  Attention!

 Source: Lupang Hinirang (The Philippine National Anthem)

from: http://www.philippinecentral.com/anthem.html

 

4>Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas

 *Leader: Scout Sign... Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas...

 Ako ay Pilipino

Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na ipinakikilos ng sambayanang Maka-Diyos, makatao,Makakalikasan at Makabansa

or 

Pledge of Allegiance to the Philippine Flag(English Translation)

I am a Filipino
I pledge my allegiance
To the flag of the Philippines
And to the country it represents
With honor, justice and freedom
Put in motion by one nation
For God, humanity, Nature and Country.

*Leader: Handa, harap!/Hand rap!/or Attention!

Source: Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas(Official Version, Filipino)
from: http://philippineconstitution.blogspot.com/2008/12/pledge-of-allegiance-to-philippine-flag.html


[Note: Hindi muna babanggitin ang Panunumpa ng Scout at Batas ng Scout dahil dito iikot ang buong programa; upang maipadama ang pagiging makabayan, maari ring ipaawit ang himno ng probinsiya, bayan at ng paaralan;
pagkatapos seremonya, sa command na Service Patrol Leader ay maayos na lalabas ang Service Patrol.]



5>PANIMULANG PAGBATI (Institutional Head/Principal)

*GP: Maaari na pong magsi-upo na ang lahat. Sa sandali pong ito, ay pakinggan po natin ang panimulang pagbati mula sa ating ina/ama ng ating paaralan na matiyagang gumagabay sa ating mga Scouts at Scouter ng paaaralang ito… pasalubungan po natin ng masigabong palakpakan ang ating pinakamamahal na punong-guro na si…

 *GP: Maaari na pong magsi-upo na ang lahat. Sa sandali pong ito, ay pakinggan po natin ang panimulang pagbati mula sa ating ina/ama ng ating paaralan na matiyagang gumagabay sa ating mga Scouts at Scouter ng paaaralang ito… pasalubungan po natin ng masigabong palakpakan ang ating pinakamamahal na punong-guro na si…



6>PAGTATALAGA NG MGA BATANG LALAKING SCOUT

*GP: Ito na po ang ating pinakahihintay na sandali, ang pagtatalaga ng ating mga batang lalaki (at batang babae) na mga Scouts. Tinatawagan po natin ang Troop Leader / Outfit Advisor ng ating paaralan na si… upang pangunahan ang pagtatalaga sa mga batang lalaki (at batang babaeng) Scouts.

*Senior Patrol Leader: Sabayang tayo na!
Scouts: (Pwedeng gumawa ng sagot na maikling yell) 

*Troop Leader / Outfit Advisor: Mga mahal na magulang at guardians, nais po ba nating isali ang ating mga anak sa pandaigdigang samahan ng mga Scout? Kung nais po nating isali, sumagot po tayo ng  “Opo, nais po naming isali ang aming mga anak sa __________ [KID Scouting , KAB Scouting, BOY Scouting, Senior Scouting].”

*Mga Magulang : Opo, Nais po naming isali ang aming anak 
sa______ [KID Scouting , KAB Scouting, BOY Scouting, Senior Scouting].

*Troop Leader / Outfit Advisor:(Sabihin sa mga Scouts) Mga Scouts, nais ng inyong mga magulang at guardians na kayo ay maisali sa pandaigdigang samahan ng mga Scout. Kayo na mga kabataang Scouts, gusto rin ba ninyong sumali sa pandaigdigang samahan ng mga Scout? Kung nais ninyo, sumagot kayo ng “Opo, nais po naming sumali.”

*Scouts: Opo, nais po naming sumali.”

 * Troop Leader / Outfit Advisor: Handa ba ang inyong katawan at isipan?

*Scouts: Opo
(kung kaunti lang ang mga bata, maaaring lumapit sa unahan at magpakilala) 
  
* Troop Leader / Outfit Advisor: (Maaaring tumulong ang Councl chairman, Muscom officers, co-teachers etc.) Bilang mga Scout dapat ninyong malaman na tayo ay may tatlong pangunahing obligasyon bilang mga Scout. (ituturo ang tatlong kandilang nakasindi/ o sisindihan isa-isa kung hindi pa nakasindi) ang mga nakasinding kandilang ito ay sumisimbolo sa ating mga obligasyon. Ang kandilang nasa gitna ay ang kandilang kumakatawan sa pagpapahalaga natin sa Dyos. Kayo ba ay maka-Diyos?

*Scouts: OPO

* Troop Leader / Outfit Advisor: Ang kandilang nasa kanan ay ang kandilang sumisimbolo sa ating obligasyon sa ating bayan. Kayo ba ay nakahandang maglingkod sa ating bayan kahit sa maliit na paraan na kaya ninyo?

*Scouts: OPO

* Troop Leader / Outfit Advisor: Ang pinakahuling kandila ay kumakatawan sa inyong obligasyon sa inyong sarili. Kaya nyo bang pangalagaan ang inyong sarili?


*Scouts: OPO

* Troop Leader / Outfit Advisor: Ako’y natutuwa dahil kinikilala ninyo ang Diyos, dahil lagi kayong nakahandang maglingkod sa ating bayan at higit sa lahat dahil alam ninyong pangalagaan ang inyong sarili. Nais ko ring ipabatid sa inyo na bilang mga Scout, mayroon din kayong tutuparing batas. Ito ay ang labindalawang batas ng Scout. Hindi lamang ito basta-basta tutuparin lang kundi isasabuhay din ninyo ang mga ito araw-araw.  


[Maaaring pumili ng mga Scouts na magbibibigay ng maikling kahulugan sa Duty to God, Duty to Others, at Duty to Self at sa bawat puntos na isinasaad ng Batas ng Scout. Sisindihan muna nila ang kandila na naka-assign sa kanila bago nila ipaliwanag ang kahulugan nito-- duty to God, Duty to country, duty to Self; then ang bawat point ng batas ng Scout. Ang bawat isa ay mag-Scout Sign habang ipinapaliwanag nila ang puntos ng Scout Oath or Scout Law na naka-assign sa kanila.

*Merong English at Filipino na version ng paliwanag ng Scout Law sa ibaba na maaaring pagpilian. Tandaan: Meron lamang tayong nag-i-isang Scout Law na binubuo ng ng 12 points!]

 

A.Ang Pagpapaliwanag ng Panunumpa ng Scout (Scout Oath)

 *Scout: Duty to God. “On my honor I will do my best to do my duty to God, our creator.” Ang bawat Scout ay maka-Diyos. Kinikilala natin siya bilang ating tigapaglikha. Ang ating Diyos ay isang Diyos na  mapagmahal. At dahil sa pagmamahal na nararamdaman natin mula sa ating Diyos, nagiging inspirasyon natin ito upang mahalin at paglingkuran natin ang ating kapwa.

 *Scout: Duty to Others. “On my honor I will do my best to do my duty to my country, the Republic of the Philippines, and to help other people at all times.” Ang bawat Scout ay naglilingkod sa kanyang kapwa. Masaya tayo na nakakapagbahagi ang ating skills sa ating kapwa. Bilang mga messengers of peace, tayong mga Scouts ay instrumento kapayapaan, pagtutulungan, at pagkakaibigan.

 *Scout: Duty to Self. “On my honor, I will keep myself physically strong, mentally awake and morally straight. Ang bawat Scout ay isang responsableng bata/mamamayan. Nakikinig tayo sa mga pangaral at pag-gabay ng ating mga mahal na magulang, Scouters, at mga nakatatanda. Bilang mga Scouts, tayo ay malakas, alerto, at may respeto sa ating kapwa.



B.1.Ang Pagpapaliwanag ng Batas ng Scout:
 

*Scout: Ang Scout ay….  Ang Scout ay… dahil… (maikling paliwananag ng isa sa 12 puntos ng Scouts, hanggang makatapos lahat ang labindalawang mga Scouts) 

Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN. Ang Scout ay nagsasabi ng katotohanan. Tinutupad niya ang kanyang mga pangako. 

Ang Scout ay MATAPAT. Ang Scout ay tapat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga Scout Lider, paaralan, bansa, at sa taong bayan.  

Ang Scout ay MATULUNGIN. Inaalala niya ang kanyang kapwa. Kusa siyang tumutulong at hindi naghihintay ng bayad o gantirnpala.  

Ang Scout ay MAPAGKAIBIGAN. Ang Scout ay kaibigan ng lahat. Kapatid siya ng lahat ng Scout. Inuunawa niya ang iba. Iginagalang niya ang mga kaisipan at mga kaugaliang naiiba sa kanya. 

Ang Scout ay MAGALANG. Ang Scout ay mapitagan sa lahat sino man siya. Alam niya na ang marunong makisama ay madaling pakibagayan.  

Ang Scout ay MABAIT. Alam ng Scout na mabisa ang pagkamahinahon. Ginagawa niya sa iba ang gusto niyang gawin nila sa kanya. Hindi siya nananakit o pumapatay ng walang dahilan.  

Ang Scout ay MASUNURIN. Sinusunod ng Scout ang mga tuntunin ng kanyangpamilya, paaralan, at pangkat. Tumatalima siya sa batas ng kanyang pamayanan at ng bansa. Kung taliwas ang tuntunin, sinisikap niya itong ayusin sa halip na labagin.  

Ang Scout ay MASAYA. Ang Scout ay nakatanaw sa masayang bahagi ng buhay. Malugod niyang ginagampanan ang mga gawain niya. Sinisikap niyang mapaligaya ang iba.  

Ang Scout ay MATIPID. Siya ay nabubuhay sa sariling sikap at marunong tumulong sa iba. Nag- iimpok siya para sa kinabukasan. Pinangangalagaan at pinoprotektahan niya ang mga likas na kayamanan. 

Ang Scout ay MATAPANG Ang panganib ay hinaharap niya kahit takot pa siya. Sa tama siya naninindigan kahit siya ay pagtawanan at pagbantaan. 

 Ang Scout ay MALINIS. Ang Scout ay malinis sa kanyang katawan at isipan. Nakikisama siya sa taong ganito rin angpaniniwala. Pinanatili niyang malinis ang kanyang tahanan at kapaligiran. 

 Ang Scout ay MAKA-DIYOS. Ang Scout ay Mapitagan sa Diyos. Matapat siya sa kanyang pananampalataya. Iginagalang niya angpananampalataya ng iba. 

 B2.The Scout Law Explained (English Version): 

A Scout is TRUSTWORTHY. A Scout tells the truth. He keeps his promises. Honesty is a part of his code of conduct. People can always depend on him. 

 A Scout is LOYAL. A Scout is true to his family, friends, Scout Leaders, school, nation, and the world community. 

 A Scout is HELPFUL. A Scout is concerned about other people. He willingly volunteers to help others without expecting payment or reward. 

 A Scout is FRIENDLY. A Scout is a friend to all. He is a brother to other Scouts. He seeks to understand others. He respects those with ideas and customs that are different from his own. 

 A Scout is COURTEOUS. A Scout is polite to everyone regardless of age or position. He knows that good manners make it easier for people to get along together. 

 A Scout is KIND. A Scout understands there is strength in being gentle. He treats others as he wants to be treated. He does not harm or kill anything without reason. 

 A Scout is OBEDIENT. A Scout follows the rules of his family, school and troop. He obeys the laws of his community and country. If he thinks these rules and laws are unfair, he tries to have them changed in an orderly manner rather than disobey them. 

 A Scout is CHEERFUL. A Scout looks for the bright side of life. He cheerfully does tasks that come his way. He tries to make others happy. 

 A Scout is THRIFTY. A Scout works to pay his way and to help others. He saves for the future. He protects and conserves natural resources. He carefully uses his time and property. 

 A Scout is BRAVE. A Scout can face danger even if he is afraid. He has the courage to stand for what he thinks is right even if others laugh at him or threaten him. 

 A Scout is CLEAN. A Scout keeps his body and mind fit and clean. He goes around with those who believe in living by these same ideals. He helps keep his home and community clean. 

 A Scout is REVERENT. A Scout is reverent toward God. He is faithful in his religious duties. He respects the beliefs of others. 

 *** 

7>PAGSASABIT NG ALAMPAY (Donning of Scout Neckerchief)

* Troop Leader / Outfit Advisor: Ngayon ay isasabit na sa inyo ang inyong alampay o ang tinatawag nating Scout neckerchief. Hinahangad ko na ang mga ninong o ninang na naririto ay magiging katuwang ng bawat batang Scout na itinatalaga natin ngayon sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanila at sa pagbibigay ng mabuting halimbawa. Sa yugtong ito, tinatawagan ko po ang mga ninong o ninang (kasama ng mga magulang) na isabit na po ang ang alampay ng mga batang ito.



8>PANGANGAKO NG MGA SCOUT

* Troop Leader / Outfit Advisor: Mga bata, narinig ninyo ang Batas ng Scout/Scout Law? Naunawaan ba ninyo ang kahulugan ng bawat isang puntos ng Batas ng Scout?

 *Scouts: OPO

 * Troop Leader / Outfit Advisor: Kung ganon nakahanda na ba kayong manumpa bilang mga Scout?

*Scouts: OPO

* Troop Leader / Outfit Advisor: Nakahanda na ba kayong maging tapat na sumunod sa Batas ng Scout/Scout Law?*Scouts: OPO

 * Troop Leader / Outfit Advisor: Kung ganon sabay–sabay ninyong bigkasin ang panunumpa at Batas ng Scout. Itaas ninyo ang ang inyong kanang kamay nang ayon sa panunumpa at batas ng Scout. Scout Sign...

 *Scouts: "Sa ngalan ng aking/On My Honor… Ang Scout ay/A Scout is…" (Pansinin na hindi na kailangang banggitin ang 'Batas ng Scout.' Ito ay nakagawian na ng mga Scouts and Scouters at naging tradisyon na sa ating samahan)

 

* Troop Leader / Outfit Advisor: Natutuwa ako sa aking narinig. Nawa'y ang mga sinumpaan ninyong mga tungkulin para sa ating Diyos, para sa ating bayan at para sa inyong sarili ay ang magiging gabay ninyo mula ngayon sa inyong pang-araw-araw na buhay. Sa bawat araw, huwag ninyong kalilimutang isabuhay ang labindalawang (12) puntos ng batas ng Scout. Lagi ninyong tandaan na tayo ay may isang Batas ng Scout na sinusunod at ito ay binubuo ng labindalawang puntos (points). Ibig sabihin, hindi tayo pwedeng pumili ng mga puntos na gusto lamang natin dahil ang lahat ng  labindalawang puntos ng Batas ng Scout ang bumubuo sa pangkalahatang katangian na dapat makita sa isang bawat isang Scout na katulad ninyo. Sumakatuwid, bilang isang Scout ikaw ay nararapat lamang na maging: Trustworthy, Loyal, Helpful, Friendly, Courteous, Kind, Obedient, Cheerful, Thrifty, Brave, Clean, Reverent-- Kaya ninyo ba ang mga iyon?


*Scouts: Opo/Kakayanin po.

* Troop Leader / Outfit Advisor: Magaling kung ganon. Lagi din nating tatandaan ang ating Scout motto na "Laging Handa." Ibig sabihin noon ay kinakailangang matuto tayo ng mga skills para makatulong sa ating kapwa. Gusto ninyo bang makatulong sa ating kapwa?


*Scouts:  Opo.

* Troop Leader / Outfit Advisor: Wow. Napakagandang marinig. Tatandaan din natin na huwag tayong matakot tumulong sa ating kapwa at maganda rin na matuto tayong humingi ng tulong sa iba. Sa lahat ng ating ginagawa, ang sabi nga ng ating founder na si Lord-Baden Powell ay "Do your best." Nakahanda ba kayong gawin ang inyong makakaya sa lahat ng pagkakataon?

*Scouts: Opo.
 
* Troop Leader / Outfit Advisor: Tandaan ninyo na ang pagiging Scout ay hindi lamang natatapos sa paaralan kundi ito ay nagpapatuloy din sa inyong mga tahanan at sa ating pamayanan. 


Ipinapaalala din po namin sa lahat ng mga magulang at nangangalaga sa mga batang ito na tulungan po natin sila upang maging mas mabuti at mas magaling silang mga batang Scout. Bilang mga nanay, tatay at guardians ng mga kabataang Scouts na naririto, kayo po ba ay nakahandang tumulong sa aming mga guro at mga Scouters upang matuto ang inyong mga anak?

 

*Magulang/Tagapangalaga: Opo.


* Troop Leader / Outfit Advisor: Maraming salamat po sa inyong pagsuporta. Naway maging magkakatuwang po tayong lahat sa pag-gabay sa inyong mga anak.


* Troop Leader / Outfit Advisor: Ngayong naisabit na ng inyong mga magulang, guardians, ninong at ninang ang inyong mga alampay, tinatawagan po natin ang ating mahal na BSP Official/Institutional Head... (sabihin ang pangalan at posisyon) upang pormal kayong tanggapin bilang mga kasapi ng Boy Scouts of the Philippines.

9>PAGDEDEKLARA NG OFFICIAL MEMBERSHIP NG MGA SCOUTS


*BSP Official/Institutional Head/Troop Leader / Outfit Advisor: (Patungkol sa mga batang Scout) Sa kapangyarihan (authority) na iginawad sa akin ng Boy Scouts of the Philippines sa pamamagitan ng ating local Council, Antipolo City Council, kayo ay aming tinatanggap at itinatalaga mula sa araw na ito bilang mga official members ng Boy Scouts of the Philippines. At bilang mga Scouts ng Boy Scouts of the Philippines,  nangangahulugan din na kayo, bilang mga kabataang Scouts, ay pormal nang kasapi ng pandaigdigang samahan ng Scouting sa buong mundo. Congratulations sa inyong lahat!

*Troop Leader / Outfit Advisor:  (Patungkol sa mga magulang/guardians, Scouters, at mga dumalo) Bigyang po natin sila ng masigabong palakpakan.

(Pagkatapos magsabit ay maaari ng bumalik ang mga ninong at ninang at mga magulang/guardians sa kanilang pinanggalingan/kinauupuan)


9>MENSAHE
(Maaaring mag-imbita ng isang panauhing pandangal mula sa BSP national/local Council, Municipal Scouting Committee, Parent Teacher Association o mga Scouts/Scouters na naging matagumpay sa kanilang larangan.)

*Guro ng Palatuntunan:Upang tayo ay bigyang inspirasyon, tinatawagan ko po si… para sa kanyang maikling mensahe.


(Maaring maggawad ng mga certificates sa mga panauhing pandangal)

10>SABAYANG PAG-AWIT
(Maaaring magpa-awit ng isang Scout song na alam ng mga bata)

11>PANG-WAKAS

*Guro ng Palatuntunan: Ang okasyong ito ay simula pa lamang ng isang masayang karanasan sa Scouting. Hinahangad namin na kayo ay maging masigasig sa bawat activities ng Scouting. Sa mga magulang, ninong at ninang na dumalo, hangad po namin ang inyong pagtulong upang ang bawat batang ito ay lumaki bilang mabuti at magaling na Scout. Sa inyong pong lahat maraming salamat sa inyong pagdalo!

(Maaaring magpatugtog ng mga masasayang awiting pang-Scouting kapag natapos ang palatuntunan. Gawing masaya ang okasyon at memorable sa mga bata dahil ito ang mga ala-ala nilang babaunin sa kanilang paglago sa Scouting.) 

 

=====END OF PROGRAM======

 

Other Suggestions:

A>Maaari ring magkaroon ng Photo Opportunity (Photo-Op):
1.Mga panauhing pandangal
2.Pangkalahatan kasama ang mga panauhing pandangal
3.By Patrol  kasama ang mga panauhing pandangal
4.By Patrol kasama ang kanilang mga ninong/ninang/magulang at mga panauhing pandangal.

B>Kung may sapat na budget, maaaring mag-serve ng merienda (snacks) sa mga dumalo.

C>Mainam na magpadala ng pormal na imbitasyon sa mga dadalo ng palatuntunan kung saan nakapaloob ang buong programa.

 

Inihanda ni:
Scouter Dennis DC. Marquez, MSDM., M.A. Theology-Pastoral Ministry, 2BH with CML
BSP Antipolo Council- Field Scout Executive 
#Scouting #Investisture #Scoutinvestiture #Pagtatalagangmgalalakingscout #Scout #Program #denmar1978 #antipolobspcouncil

 

 

No comments: