Showing posts with label Senior Scouts. Show all posts
Showing posts with label Senior Scouts. Show all posts

Monday, February 4, 2013

Kapatiran

picture courtesy of Scout  Perlidomae M. Echavez

Magkakapatid tayo
hindi man tayo nagmula
sa iisang sinapupunan
ang nanalaytay na dugo sa iyong buhay
ay ang dugo na dumadaloy din sa aking puso at hininga

Baunin mo ang aking kasaysayan
ang lahat ng aking dahilan
at pangarap sa buhay
hindi mo man ito maunawaan ngayon:
yayakapin ko ang iyong bakas katulad ng sariwang kahapon

Aalingawngaw lagi ang nakaraan
iguguhit ng kalangitan
sa mga ulap niya ang ating larawan
kapag sumapit ang dilim, ipipinta ng bawat tala
ang ating larawang nakangiti na niyayakap ng buwan.





Den Mar





Thursday, December 6, 2012

Panalangin ng mga Scouts (Scouts' Prayer)



Ama naming Lumikha,
Naririto na naman po kami sa Inyong harapan
Magkakasamang nagpupuri sa Inyong kadakilaan
Na nasasalamin namin sa lahat ng Iyong mga likha.

Itinataas namin ang aming mga sarili
Bilang iyong mga abang tigapaglingkod
Isinasamo naming linisin mo ang aming mga puso
Upang maging bukas kami sa tinig mo at makasunod.

Nagpapasalamat din po kami sa lahat ng Iyong mga biyaya
Ngayon pa lamang ay nag-uumapaw na po ang aming kaligayahan
Dahil sa ibinigay mo sa aming pagkakataon upang kami'y magkasama-sama
Sa iisang bubong ng Iskawting bilang magkakapatid sa Iyong kabanalan.

Itinataas namin ang lahat ng aming mga alalahanin:
Ang aming mga mahal sa buhay na pansamantalang iniwan namin
Sa iyong mga mahabaging kamay ay ipinagkakatiwala namin sila
Lakip ang lahat ng mga biyayang sa iyo nagmula at sa iyo rin ay aming inaalay.

Pagpalain Mo po nawa kami aming Panginoon
Sa bawat araw nawa'y manatili ang Iyong Ispiritu sa aming piling
Turuan mo kaming makita Ka namin sa bawat isa
Dahil sa pag-ibig Mo lamang makakapaglingkod kami sa aming kapwa.

Turuan mo kaming umibig at magpatawad ng wagas
Upang mapuno namin ng pag-ibig ang aming mundong ginagalawan
Nawa'y mangyari ang kalooban Mo, O Panginoon, sa amin
Upang ang kapayapaan Mo ay ganap na mapasaamin. Amen.


===

Scouter Dennis DC. Marquez, M.A. Theology / Special Education
Field Scout Executive, Antipolo City Council

===

Scouts' Prayer
(translated on January 12, 2015)

Our heavenly Father who created us all
Once again, we are gathered here in your Divine Presence
Together, we give You praise for all Your glory
That is reflected through all of Your creations which is the work of Your divine hands.

We lift to You, dear God, all of our self
Accept us as your children and bless us as Your servants
We ask You to teach our hearts to love and to purify our minds
So that we can hear Your voice clearly for us to obey Your words.

We are so thankful for all of the graces You have given us
There is no perfect word that can best express the deep joy we feel
Because of the countless chances You have given us
For us to be gathered together, here again
As brothers (and sisters) under the one banner of Scouting.

We lift to You, O God, all of our worries--
(Specially, our beloved ones who we left back in our homes
and who are waiting for our safe return)
We ask You to take care of them while we not yet with them
We lay them all in Your merciful and loving hands
Together will all the gifts You have given us that we are offering back to You.

May You always bless us, our dear God
May Your Holy Spirit be with us in every moment of our lives
Teach us to see and appreciate You in the presence of one another
For only through Your divine inspiration
We could truly love and serve wholeheartedly those who are in need.

Teach us, O Lord, to love and to forgive
So that we can start to change the world we are living
May Your will be done unto us, O God
Make us all your instrument of PEACE! Amen.


===
Scouter Dennis DC. Marquez, M.A. Theology / Special Education
Field Scout Executive, Antipolo City Council


To Scouter Evelyn Abines Lumor