Thursday, January 16, 2014

Manggagawa



Ka-busy-han...
at...
Pag-aaalala...

Hindi ko pwedeng paghiwalayin
Sapagkat hindi ko maaaring iwan ang aking kailangang gawin
Hindi ko hawak ang aking oras
Hindi ko hawak ang aking sarili

Lumuluha ang mata habang nakikinig sa kanilang utos
Umiiyak habang nagpapa-alipin
Walang puknat na pagdarasal
Ang sabay-sabay na ginagawa
Habang hinahati ang katawan at isipan
Sa gitna ng pagdurusa at pangungulila

Kinasasabikan ko ang 'day-off' ko
Para lamang maka-usap kayo
Sana huwag kayong magtago
Sana mapakinggan ninyo ako

Ang katahimikan na lamang ng bawat gabi
Ang tanging piping saksi sa aking bawat lunggati [agony]
Sana matapos na ang mahabang pagbibilang ng bawat araw
Sana dumating na ang panahon na muli ko kayong makayakap.
denmar



No comments: