Wednesday, June 18, 2014

Patriotism

"ang mamatay ng dahil sa iyo..."

kapag nagmahal ka... tatanggapin mo siya ng buong-buo... hindi mo lamang sasamahan siya sa kanyang kaligayahan... kundi sasamahan mo rin siya sa kanyang pagdadalamhati... sasamahan mo rin siya kahit pa sa makailang ulit niyang kamatayan...

higit pa dito, may pagkakataong kinakailangan mong ibigay sa minamahal mo ang iyong sariling buhay... dahil may pagkakataon na ang iyong masakit na kamatayan ang magdurugtong sa kanyang namimiligrong buhay.

hindi masakit magmahal... kundi, sobrang masaya... dahil malaya mong tinatanggap at ibinibahagi ang pagmamahal na ito mula sa iyong puso ng may ganap na kaligayahan.

maligayang araw ng kalayaan. den mar

No comments: