Showing posts with label independence day. Show all posts
Showing posts with label independence day. Show all posts

Wednesday, June 18, 2014

Patriotism

"ang mamatay ng dahil sa iyo..."

kapag nagmahal ka... tatanggapin mo siya ng buong-buo... hindi mo lamang sasamahan siya sa kanyang kaligayahan... kundi sasamahan mo rin siya sa kanyang pagdadalamhati... sasamahan mo rin siya kahit pa sa makailang ulit niyang kamatayan...

higit pa dito, may pagkakataong kinakailangan mong ibigay sa minamahal mo ang iyong sariling buhay... dahil may pagkakataon na ang iyong masakit na kamatayan ang magdurugtong sa kanyang namimiligrong buhay.

hindi masakit magmahal... kundi, sobrang masaya... dahil malaya mong tinatanggap at ibinibahagi ang pagmamahal na ito mula sa iyong puso ng may ganap na kaligayahan.

maligayang araw ng kalayaan. den mar

independence day

araw ng kalayaan...

sa isang sulok ng giray-giray na ospital, bago nalagutan ng hininga, nasabi ng isang bata na naghihingalo dahil hindi na nabigyan ng paunang lunas dahil sa kasalatan ng gamot at gamit sa ospital... "kayong mga nagnanakaw ng pondo ng bayan... isusumbong ko kayong lahat kay Jesus."

ganap nang malaya ang bata mula sa mga ganid na lider ng ating hindi patas na lipunan. den mar