Showing posts with label Poet. Show all posts
Showing posts with label Poet. Show all posts
Tuesday, February 12, 2013
Manunulat
isa sa magandang bagay
kapag ikaw ay nagsusulat...
kapag nandun ka na sa punto
na gusto mo nang sumuko
babasahin mo lang muli lahat ng isinulat mo
tapos babalik ka nang muli sa malay-tao (senses) mo
oo, hindi naman lahat ng naisulat ko ay tama
pero ito ang paraan upang kausapin ko ang sarili ko
habang binabasa ko ng paulit-ulit ang mga sinambit ko
doon sa papel na sumasalamin ng pagkatao ko...
Den Mar
Wednesday, January 30, 2013
Pagsulat
masarap sumulat ng buong laya
yung bang kahit duguin ka
sasabihin mo pa ring naarok mo
yung pinaka-rurok ng pagiging manunulat
walang linyang hangganan
walang tuldok sa bawat panulaan
walang ritmo... walang patutunguhan
kalayaan na may kabangagan
parang lumilipad sa kalawakan
habang nakikipaglaro sa hamog ng kaligayahan
nais mong yakapin pero hindi maaari
dahil maaari mo lamang itong palagpasin
at hayaan mong siya ay yakapin ka
upang managos sa iyong puso at kaluluwa
kaya nga masarap maging malaya
dalisay mong nahahayag ang iyong nararamdaman
sa taong iniibig mo na kapwa nagmamahal sa iyo
kahit sa panulat... kahit sa salita
laging naroon ang malalim na pagmamahal
sa panitikang inaari kong buhay na gumagalaw....
sa taong iniibig mo na kapwa nagmamahal sa iyo
kahit sa panulat... kahit sa salita
laging naroon ang malalim na pagmamahal
sa panitikang inaari kong buhay na gumagalaw....
Manunulat
isa kang makata
ng makabagong panahon
ang iyong tinig nawa
ang maging ningas ng ngayon.
ito ang tagubilin ko sa iyo...
maging malaya kang manunulat
ikampay mo ng buong igting ang iyong mga pakpak
patungo sa langit na tinatawag nating kalayaan
upang abutin mo ang bawat pusong uhaw sa pag-ibig mo
at kubkuban mo sila ng pag-asa sa bawat pagdarang mo.
Den Mar
Subscribe to:
Posts (Atom)


