Sunday, January 22, 2012

Blogging


Para sa akin...

sa paggawa ng BLOG,
ang pinakamadali ay ang sumulat...
at ang pinakamahirap para sa akin...
ay ang paghanap ng larawan
na magiging saksi sa bawat linya ng aking tula...

para palang buhay ito...
ang mga salita ay hindi lang sasapat na maianak mo lang sa daigdig...
kailangan din palang isabuhay ito...
upang pumintig ng hininga ng buhay
at tumimo sa kapwa pusong masasaling...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

No comments: