Showing posts with label Teacher. Show all posts
Showing posts with label Teacher. Show all posts

Thursday, August 22, 2013

Principal

my advise to my friend who is a school principal:
"to unite your teachers, be with them... sabayan mo sila sa kanilang bawat paghakbang-- pakinggan mo ang kanilang mga pangarap sa buhay; at tawanan mo at iyakan ang kanilang mga drama sa buhay-- touch them... start from their hearts." denmar.

Saturday, January 19, 2013

Kick out na Teacher



statement ng isang ordinaryong teacher-1 pitong taon na ang nakakalipas sa kanyang principal bago siya tuluyang kasuhan ng insubordination kasi hindi siya pumapayag sa katiwaliang nagaganap sa eskwelahang pinagtuturuan nya.



"ma'am (principal nya),

pasensya na po,
hindi po kayo ang boss ko,
yung mga estudyante po ang dahilan
kung kaya tayo ay nagtuturo.
kung wala po sila,
marahil,
wala po tayong trabaho ngayon.

kaya bago sa inyo
at kanino pa man,
tatanaw po muna ako ng utang na loob
sa mga musmos na estudyanteng ito
sila na inspirasyon
at tanging dahilan ng pagiging guro ko."

dahil sa patuloy nyang pagbatikos sa korupsyong nagaganap sa paaralan, sunud-sunod na kaso pa ang ikinaso sa kanya hanggang sa tuluyan na rin siyang natanggal sa pagtuturo niya. Ginawang moro-moro ang pagkakaso sa pobreng guro, hanggang sa siya na rin ang sumuko at hinayaan na lamang na mawala sa bulok na sistema ng paaralang iyon.




Den Mar

Tagubilin




"dalawang bagay lang
para pumasa sa klase ko,
una: katalinuhan,
pangalawa: kabutihang loob.

pero sa dalawang bagay na ito
mas pipiliin ko lagi
ay ang kabutihang ng loob."



====

kung hahangarin mo ang katalinuhan
sige, ibibigay ko sa iyo
at hindi kita bibiguin

pero isa lang ang masasabi ko sa iyo
ang binubuo mo lamang 
ay ang ngayon at hindi ang bukas

dahil ang mahahanap mo lamang ay ang kaligayahan mo
kung kaya maghahangad ka pa rin ng paulit-ulit
hindi mo makikita kaylan man ang ganap na kaligayahan
hanggat hindi mo ibinabahagi ang buhay mo sa iyong kapwa.





Den Mar








Guro




kahit siguro si satanas pa ang mag-enroll sa klase ko,
makikita at makikita ko pa rin
ang potensyal niya na gumawa ng kabutihan.

kung hindi siya nagbago,
hindi ako nabigo bilang teacher niya,
maaaring nabigo ako bilang isang mabuting halimbawa sa kanya.





Den Mar