Saturday, January 19, 2013

Kick out na Teacher



statement ng isang ordinaryong teacher-1 pitong taon na ang nakakalipas sa kanyang principal bago siya tuluyang kasuhan ng insubordination kasi hindi siya pumapayag sa katiwaliang nagaganap sa eskwelahang pinagtuturuan nya.



"ma'am (principal nya),

pasensya na po,
hindi po kayo ang boss ko,
yung mga estudyante po ang dahilan
kung kaya tayo ay nagtuturo.
kung wala po sila,
marahil,
wala po tayong trabaho ngayon.

kaya bago sa inyo
at kanino pa man,
tatanaw po muna ako ng utang na loob
sa mga musmos na estudyanteng ito
sila na inspirasyon
at tanging dahilan ng pagiging guro ko."

dahil sa patuloy nyang pagbatikos sa korupsyong nagaganap sa paaralan, sunud-sunod na kaso pa ang ikinaso sa kanya hanggang sa tuluyan na rin siyang natanggal sa pagtuturo niya. Ginawang moro-moro ang pagkakaso sa pobreng guro, hanggang sa siya na rin ang sumuko at hinayaan na lamang na mawala sa bulok na sistema ng paaralang iyon.




Den Mar

No comments: