Saturday, January 19, 2013

Tagubilin




"dalawang bagay lang
para pumasa sa klase ko,
una: katalinuhan,
pangalawa: kabutihang loob.

pero sa dalawang bagay na ito
mas pipiliin ko lagi
ay ang kabutihang ng loob."



====

kung hahangarin mo ang katalinuhan
sige, ibibigay ko sa iyo
at hindi kita bibiguin

pero isa lang ang masasabi ko sa iyo
ang binubuo mo lamang 
ay ang ngayon at hindi ang bukas

dahil ang mahahanap mo lamang ay ang kaligayahan mo
kung kaya maghahangad ka pa rin ng paulit-ulit
hindi mo makikita kaylan man ang ganap na kaligayahan
hanggat hindi mo ibinabahagi ang buhay mo sa iyong kapwa.





Den Mar








No comments: