Sunday, May 29, 2011

Pahimakas ni Elias

PAHIMAKAS NI ELIAS

Jose Rizal's: the national hero of the Philippines, execution.

Paalam lupang tinubuan
Bayang sinta at pinag-alayan ng aking buhay
Papanaw mang 'di-makita ang liwanag mo
Batiin s'ya at huwag limutin ako.

Paalam Inang bayang Pilipinas
Tigib ng ganda ngunit laya'y nilapastangan
Hanggang kay'lan tanikala sa Iyong kalayaan
Sa pagkaalipin mo sa lupang tinubuan.

Simbuyo ng damdami'y hindi matahimik
Umikilkil sa aking isip ang Iyong mga hibik
Ang aking ina'y luhaang nananabik
Ngunit sa Iyo, Inang bayan, pag-ibig ko'y higit.

Nais kong mamayapa sa Iyong mga bisig
Kanlungan ng pangarap ko't ala-ala
Nais kong marinig muli ang Iyong tinig
Na minsang nagpatahan sa aking hinagpis.

Paalam lupang tinubuan
Bayang sinta at pinag-alayan ng aking buhay
Papanaw mang 'di-makita ang liwanag mo
Batiin s'ya... at 'wag limutin ako.

PAHIMAKAS NI ELIAS
Dennis DC. Marquez.
MIST, 1999.

Malikhain Mong Kamay



Ihip ng hanging pumapagaspas
Daloy ng tubig sa batis na kristal
Oyayi ng ina sa sanggol na nakahimlay
Awit na likas na likha ng Iyong kamay.

Sa bawat paggising sa umaga
Malikhain Mong kamay ang nasisilayan
Humahaplos ng banayad bilang hamog ng umaga
Sa lahat ng Iyong mga likha.

Kampay ng mga ibon, sa hangin ay sumasayaw
Kaway ng mga dahon sa pagpatak ng ulan
Duyan na kanlungan sa bawat pagal
Inaawitan ng iyong mga likha.

Saturday, May 28, 2011

And Now I Will Take My Response



O God of silence, I heard your voice
Deep within my darkness you called my name
You touched my heart, as You blessed me with your light
You fill my longing spirit with Your love.

O God of silence, I heard your call
You gently whisper through my weary soul
You purify my intention with Your divine compassion
And now I will take my response.

Home



Looking at the same stars at night
Thinking of heaven...
   far beyond the moonlight...
   even farther than the stars...
I'm raising up my prayer for a friend
Who happened to be you by my side.

Let me dry your eyes when in tears
Let me hold your hands when in fear
In this journey where we look for our place
There's a space in my heart for your home...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Gaya ng Dati



Saan ka man napunta
Nanatili akong nakasunod
Dinig ko ang bawat pagtangis mo.

Hindi ka man lumingon
Sa lahat ng pagtawag ko
Nanatili akong tapat sa piling mo.

Maaari bang ngayon ay huwag ka nang
Sa piling ko ay lumisan pa
Ituon ang iyong puso sa katulad ko

Huwag mangamba
Hinding-hindi ako magbabago
Nananatili akong tapat sa piling mo.

Kay'lan man hindi nagbago
Ang pag-ibig kong laan sa iyo
Hinihintay pa rin pagbabalik mo.

Iniwan mo man ako
Nanatili akong nakasunod
Upang luha mo'y patahanin ko.

Maaari ba ng buksan ang iyong mata
Ituon ang iyong buhay
Patungo sa landas ng katotohanan

Yakapin ang pagbabago
Na iyong iniiwasan
Tanggapin ang bagong hamon sa buhay mo.

Maaari bang ngayon ay huwag ka nang
Sa piling ko ay lumisan pa
Ituon ang iyong puso sa katulad ko.

Huwag mangamba
Hinding-hindi ako nagbabago
Nananatili akong tapat sa piling mo...

Gaya ng dati....

I See You



I see You in every eye of a child
Looking so innocent so calm and gentle
I was moved by the voice of this orphan
Frightened and shivering begging for love.



From his eyes, his tears flows out
Hungry for days, abandoned and alone
Though he's weak, he reached for my hand
Burning in sickness, dying in my arms.



Who am I to forsake this child
So many a child I knew before who suffered and died alone
But from his eyes, I can see You in this child
A Christ beneath this dying soul
On Your purpose, I am moved.


From the moment I followed You, my Lord
I am blessed to see You through my heart
I can feel You in every stranger's heart
You made me worthy by serving You...






Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

On My Journey With God




On my journey with God
I am letting Him lead
I let things go
And let my God
To do His will in me
I trust Him with all my heart
On my journey
I know that He is near.

I lift to Him all my fears
I rest my struggling soul to Him
All my life's desires
And loneliness of my heart
Are lifted up to God
The source of joy of my heart.

On my journey with God
I am letting Him lead
I let things go 
And let my God
To do His will in me
I trust Him with all my heart
On my journey 
I know that He is near.

You Are There For Me



You are the one
Who's always been there
Sharing life with mine

A part of my joy
Filling my days
And guiding my way

You are there for me
For that I want to thank you
Sorry for the mess I did.

Still, you believe in me
And become my wings
My light from my darkness

You touched my soul
My life as whole
But You never said a thing.


You are there for me
For that I want to thank you
Sorry for the mess I did.

You teach me how
To stand and be strong
In times of the storm

You hold my hands
You never leave me alone
You're a part of me now.

You are there for me
For that I want to thank you
Sorry for the mess I did.

Thank you...

Mapagmahal


Ang tulad Mong mapagmahal
Ay bigay ng Dyos sa buhay ko
Na umiibig lamang sa Iyo
Bilang Ikaw sa buhay ko.

Sa bisig Mong mapagkalinga
Ihihimlay ang puso ko
Lahat ng takot at alinlangan
Napapanatag sa piling mo.

Katapatan ko sa Iyo, tanging pangako
Kagalakan ng puso ko ay tanging Ikaw
Tanging kayamanan Kang iingatan sa lahat
Dahilan ng ligaya ko, pag-ibig ng buhay ko.

Sa katulad Mong mapagmahal
Ihahandog ang buhay ko
Sa katulad Mong umiibig
Mananatili ang puso ko...

I Surrender


Make my heart desire Your heart
Make me humble as Your servant
Open my eyes to see Your light
Let Your calling be heard by my heart.

I surrender...
I surrender...
Purify my soul
Deep within, my Lord.

Teach me follow Your ways, my Lord
Show me the gladness in self-giving
Let Your will inspire my heart
Let Your sacrifice aflame my desire.

I surrender...
I surrender...
Purify my soul
Deep within...
...my Lord



===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html


Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

Nang Ikaw ay Aking Ibigin



Hindi man sadyang mapasaakin
Ang tulad mong mapagmahal sa akin
Hindi man handa ng ibigin mo ako
Puso ko ay nananalig pa rin sa iyo.

Hindi man sadyang ikaw ay ibigin
Puso kong nasaling ay naligalig
At ngayon ay manunumpa ng katapatan ng pag-ibig
Isang pangakong sa ati'y magbibigkis

Nang ikaw ay aking ibigin
Niyakap kita ng sarili ay lisanin
Mula ngayon, hanggang kay'lan man
Mananatiling tapat sa pangako sa iyo.

O, Inay


Daing sa dilim
Inaalo ng iyong awit
Ang takot napapawi
Sa himig ng oyaying
Bumubukal sa iyong tinig.

Batid mo ang tuwa
At hangad ng puso ko
Pangungulila ko'y
Hinihilom ng iyong pag-ibig
Na nagmumula sa iyo, aking Inay.

Ang kanlungan mo ay ang langit ko
Ang bisig mo ay ang duyan kong
   dahilan ng aking buhay
Ang pag-ibig mo ay ang yaman kong
   nagbibigkis sa puso kong
Nananabik... sa piling mo.

Paglaki



Bata ka pa nung huli kitang nasilayan
Nangangatog pa ang iyong mga paa sa bawat paghakbang
Tahimik mong sinusuri ang magulong lipunan
Habang pinapanday mo ang sariling pananaw.

Ang lansangan ang naging paaralan mo
Kung saan ang katarungan ay ipinaglaban mo
Isa kang bayani na nag-aalay ng dugo at ng buhay
Isang tinig ng lipunang binulag ng pagiging sakim at gahaman.





  • Den Mar
    Saturday
    Den Mar
    • hahaha! iyan ang laging gusto kong marinig sa iyo. napakatalino mo at napakalalim talaga. mapalad kaming mga naging guro mo dahil sa kabila ng mga tagumpay mo, e hindi ka nakakalimot. once a scout, always a scout!
  • Paulo Quiza
    Saturday
    Paulo Quiza
    • tama po marami sa mga natutunan ko sa scouting nagagamit ko sa pang-araw-arawna gawain. sobrang mapalad din po ako kasi anjan po kayo at sumusuporta po sa amin... oo tama na magkakaiba na tayo ng gawain at may ibat-ibang gawain sa kasalukuyan, pero kaylan man para sa akin di makakalimutan ang mga alaala ng nakaraan, na punong-puno ng aral at pinaghahalawan ng mga karanasan sa kasalukuyan. maraming salamat po sir..­ ­.


Friday, May 27, 2011

Magtiwala Ka

Saan ka man abutin ng dilim 
Sasamahan kita sa iyong pangungulila 
Ang iyong pighati ay aking nababatid 
Pagluha mo'y patatahanin, iibsan iyong pait. 

Sakali mang balutin ng lumbay 
Yayakapin kita sa bisig kong mapagkalinga 
Ang iyong paghikbi ay aking naririnig 
Pangamba mo'y papayapain sa tawag mo ay darating. 

Magtiwala ka lamang 
Ako'y nananatili 
Sa iyong kabiguan ay 'yong laging kapiling 
Ihimlay sugatan mong puso, itiwasay ang pag-iisip 
Sa aking kanlungan ay payapang humimlay... ...Magtiwala ka...

On My Journey Home



At the start of my journey
From the day I was called
You guided me through your silence
To follow You through my heart.

Every time I am weary
You lift my faith with compassion
You keep me safe in my journey
By keeping me in your heart.

Looking back to my journey
As Your humble servant
You filled my heart with Your blessings
You're all I want and nothing more...

In the end of my journey
At the end of my road
You still remain as my Savior
On my journey home...