Sunday, December 18, 2011

Bawat Pasko



Pasko'y narito na ngunit nangungulila
Tanging ala-ala ang kapiling ko ngayong pasko
Kung maari lang sana humiling ngayong pasko
Ang nais ko ay... makapiling ka...

Paskong anong lungkot nananabik sa piling mo
Sa araw ng Pasko lumuluha dahil sa iyo
Pangarap kang mahagkan, hangad na makasalo
Sana, makapiling ka ngayong pasko...

Paskong anong lamig paskong nananabik
Malayo ka man sa aking nangungulilang piling
Mananatili pa rin akong tapat na maghihintay
Sa iyo bawat pasko...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

No comments: