Saturday, December 17, 2011

Pananatili



Kapag nasaling ka ng Panginoon
Walang salitaang mamumutawi
'Pagkat puso sa puso ang nag-uusap at nagkakaunawaan
Tanging mainit na pakiramdam ang naglalagablab sa iyong damdaming sinisilaban ng pag-ibig ng Dyos
Luluha ka nang pagtangis ng kagalakan
At aayawin mong mawalay sa kanyang sinapupunan...

Subalit...
Upang mapalapit tayo sa Amang Lumikha
Kinakailangan ding maging banal tayo
Manatili sa kabutihan
At hindi lumihis sa kanyang mga pangaral...

Ang magpatawad...
Ang magmahal..
Ang makita ang Dyos sa ating kapwa
Bilang buhay na Kristo na sa ati'y nananahan sa bawat araw
At sa bawat sandali nang ating buhay
At sa bawat hininga na ating inia-alay sa ating Dakilang Lumikha...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

No comments: