Saturday, December 17, 2011

Kuntento



Malimit...
marami akong reklamo sa mga bagay-bagay
Wala akong laging kasiyahan
Para sa akin palaging may kulang
Lagi akong may hinahanap pa
Lagi akong may hinahangad pang iba...

Pero...
Ang aking napagtanto
Ang buhay pala ay parang isang mahabang pila sa lahat ng mga bagay
Kung saan... may mas mahabang pila pa pala na nakasunod sa akin
Na marami palang gusto ng aking kinalalagyan na nasa dulo ng mahabang pila
Na dapat pala...
Ako'y magpasalamat sa halip na magreklamo
At maghangad ng wala...




Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

No comments: