Thursday, February 7, 2013

Witnessing



kapag naisabuhay natin ang salita ng Diyos
sa ating ordinaryong buhay
ay parang nakadungaw na rin tayo
sa bintana ng kalangitan.




Den Mar

It's All About Us





life is not all about me...
nor even all about you....

... it's all about us...

... better... us and God.








Den Mar

Tuesday, February 5, 2013

Sakripisyo



sa magulong mundo sumisibol ang bawat kabayanihan
na pinapanday sa gitna ng tagisan ng kabutihan at kasamaan
ngunit walang kabayanihan kung walang pagmamahal
dahil ang nagmamahal lamang ang nag-aalay ng kanyang sariling buhay...





Den Mar

Monday, February 4, 2013

Kapatiran

picture courtesy of Scout  Perlidomae M. Echavez

Magkakapatid tayo
hindi man tayo nagmula
sa iisang sinapupunan
ang nanalaytay na dugo sa iyong buhay
ay ang dugo na dumadaloy din sa aking puso at hininga

Baunin mo ang aking kasaysayan
ang lahat ng aking dahilan
at pangarap sa buhay
hindi mo man ito maunawaan ngayon:
yayakapin ko ang iyong bakas katulad ng sariwang kahapon

Aalingawngaw lagi ang nakaraan
iguguhit ng kalangitan
sa mga ulap niya ang ating larawan
kapag sumapit ang dilim, ipipinta ng bawat tala
ang ating larawang nakangiti na niyayakap ng buwan.





Den Mar





Sunday, February 3, 2013

Love of Jesus


ka-chat ko yung dating student ko na teen-ager, nagtanong sa akin: 'e ano po ba yung true love?'' sabi ko, 'naku, parang wala ata akong naiisip na depinisyon tungkol doon... kasi depende sa mga nagmamahalan iyon... kasi bawat nagmamahalan ay espesyal...' tapos inurirat pa niya ako, 'e bakit naman po hindi ninyo mai-define yung love?' sabi ko... 'kasi nga po kapag in-love ka, walang salitaan... kasi ang nag-uusap ay puso sa puso.' tapos sabi nya.... 'ahhhh... ganun po ba yun?' hindi siya makapaniwala kaya sabi ko, 'parang si Jesus... nakapako sa krus... wala namang salitaan... pero sa katahimikan nya at sa katahimikan mo habang tinitingnan mo siya habang nakabayubay sa krus e ramdam mo na minamahal ka niya dahil namatay siya para sa atin... dahil namatay siya dahil sa pagmamahal...' tapos sinulat nya sa message nya sa akin sa chat... 'NOW I SEE...'


===
nakakatuwa naman yung mga reply sa FB noong na-post ko ito, thanks for sharing your insights. sila yung nagbigay ng top 3 responses... drum roll... dyaran!


Den Mar
February 3
ka-chat ko yung dating student ko na teen-ager, nagtanong sa akin: 'e ano po ba yung true love?'' sabi ko, 'naku, parang wala ata akong naiisip na depinisyon tungkol doon... kasi depende sa mga nagmamahalan iyon... kasi bawat nagmamahalan ay espesyal...' tapos inurirat pa niya ako, 'e bakit naman po hindi ninyo mai-define yung love?' sabi ko... 'kasi nga po kapag in-love ka, walang salitaan... kasi ang nag-uusap ay puso sa puso.' tapos sabi nya.... 'ahhhh... ganun po ba yun?' hindi siya makapaniwala kaya sabi ko, 'parang si Jesus... nakapako sa krus... wala namang salitaan... pero sa katahimikan nya at sa katahimikan mo habang tinitingnan mo siya habang nakabayubay sa krus e ramdam mo na minamahal ka niya dahil namatay siya para sa atin... dahil namatay siya dahil sa pagmamahal...' tapos sinulat nya sa message nya sa akin sa chat... 'NOW I SEE...' Den Mar
Like ·  · Promote · 





Atheist

may kaibigan ako na atheist:
after ng mahabang diskusyon, ayaw pa rin niyang maniwala sa Dyos, sabi ko "sige na, hindi na kita pipiliting maniwala sa Dyos... at least, mailayo man lang kita sa demonyo." sabi nya sa akin, "sige mabuti pa yan na lang ang gawin mo, ilayo mo ako sa demonyo."
sabi ko sa kanya, "buti pa sa demonyo may takot ka..."

tapos ang sagot nya sa akin, "e kung mapunta ako sa impyerno."
sabi "kung ayaw mo dun, e di pumunta ka sa langit." tapos sabi nya uli..." e paano ako pupunta dun." ang sagot, "e di maniwala ka sa dyos!" BOOM!


===
tapos inugat ko kung bakit ganun ang paniniwala nya. sabi nya sa akin, "kasi, nasaktan kasi ako... namatay ang anak ko... wala akong nagawa..." tapos sabi ko sa kanya,"alam nyo, bago po tayo nasaktan ay nasaktan muna ang Dyos." parang umangat yung dugo sa tenga nya, "paano, e Diyos nga Siya!" sabi uli, "Tatay din po kasi ang Diyos katulad ninyo... alam niya po kung gaano kasakit ang mawalan ng pinakamamahal na anak...(naalala ko yung klase namin sa Trinity, pahapyaw ko mang naibahagi ito sa kanya ito marahil yung kabuuan ng explanation ni Fr. Ramil. si Fr. Ramil yung propesor ko sa Trinity Class)."




Saturday, February 2, 2013

Witnessing



sabi nung friendship ko last year sa akin na nagsa-suffer sa kidney failure,
"friend, natatakot ako... baka mauna pa akong mamatay kesa maoperahan... hindi ko na ata kaya..."
sabi ko, "friend, huwag ka matakot... gagaling ka pa... makakahanap din tayo ng donor ng kidney..."
tapos naitanong nya ito, "friend, saan ba napupunta yung tao kapag namamatay?"
sabi ko, "e di sa langit. doon na sila tumitira kasama ni God."
tapos sabi nya sa akin na parang biglang nawala yung takot, "friend, kung kasing bait mo si God, hindi na ako matatakot mamatay."
sabi ko... 'wehhhh!' tsaka niyakap ko siya.

tapos some few days ago, nag-message sa akin yung kapatid nya sabi, 'patay na siya... namatay siya na masaya...' tapos tumahimik... dahan-dahang sinabi, 'excited daw siyang makita si God...' tsaka umiyak ng umiyak...

May he rest in peace.




Den Mar

Thursday, January 31, 2013

Us -- Ecclesiology Class



These are the words of Fr. Ramil Marcos in our Ecclesiology class:


1.Do not study for class, study for life.

2.When in times of crisis in your vocation:
"Do not leave yet, do first your best."

3.It is not wrong to seek answers.

4.It is important to study Ecclesiology because how we look of ourselves is how we also look on to others. We cannot judge the work of God into others’ religion or any other Christian sect.

5.When you become a priest , refrain from playing politics. Do not even be a ‘police’ of your brother priests. Politics is destructive.
When you have politics in the Church, you are playing with the divine power of God. The respect must be there. Know your theology so that you would know how to act.

6.When you become a priest, your life will be a life of reflection.

7.To reach the people, we need to speak their ordinary language… it starts with listening.


===
Ecclesiology Class ba ika mo?
ito yung pag-aaral na may kinalaman sa ating simbahan. may kinalaman ito hindi lamang sa Papa sa Roma, ka-parian at ka-madrehan; kundi may kinalaman ito sa akin at sa iyo-- dahil tayo ay pare-parehong bahagi ng simbahang katoliko. katoliko, ibig sabihin ay pangkalahatan, universal sa english.

ito yung iniyakan ko na subject kasi narinig ko sa klase ni Fr. Ramil yung mga paghihirap ng mga Katoliko sa ibang bansa para lamang manatiling Katoliko:

Ito yung ilan lamang sa mga sharing niya sa klase:

Babushka- ibig sabihin sa salitang Russian ay Lola.

>In Russia, Christianity survived the Communist regime because of the Lolas—they are the grandmothers called Babushka in their native tounge. They secretly baptized their grandchildren amidst the communism which banned religion. At school, it’s so sad that the children were bombarded with atheistic teachings. So when night comes and no one’s watching, the babushka gather their grandchildren in the most secret room of their house to catechize them. Every Sunday, they visit the tomb of a dead priest to remember their Catholic Church. There, together, they secretly pray the rosary and utter in a whispering voice the reading from the Bible. There were no masses anymore during that time since priests were banished from Russia.. for those who resisted, they were killed. Kissing the stole of the dead priest was already a ‘mass’ for them. As they kissed the stole of a dead priest, they were all crying. They really long for them... they who have died because of faith… because of Christ.





>In Cambodia, Pol pot, at the height of his regime, dehumanized the Catholics. He killed the two bishops including all the priests and nuns. Instead of instantly destroying the Church, he forced the remaining Catholics to dismantle the church piece by piece… stone by stone. He ordered that each piece of stone must be thrown painstakingly into the nearby sea by the remaining Catholics with their own hands which almost ruin their soul. But they never lose hope… instead, the situation strengthens their faith.


===

Most of the time gusto ko nang sumuko sa bokasyon na ito, sabi ko kay God, "God, hindi naman ako ganoon katalino, ano bang magagawa ko para sa kaharian mo?" Pero kapag naalala ko ang mga kwento ni Fr. Ramil, nagkakaroon ako ng bagong pagkakakilatis sa aking sarili... nang bagong pagtingin sa ordinaryong buhay ko na napupuno ng pag-asa sa kabila ng laksang mga problemang dumarating sa akin at sa aking pamilya... ng patutunguhan sa kabila ng naghahatakang pag-oo at paghindi sa tawag ng Diyos... ng kalalagyan sa kabila ng aking kahinaan at pagiging makasalanan.

Unti-unti, nauunawaan ko, wala na sa aking mga kamay ang mga bagay na ito dahil pawang grasya na lamang ng Panginoon ang nakikita ko sa bawat saglit ng aking buhay. Grasya sa bawat kahirapan at kawalan, grasya sa bawat pagkakasakit at pag-aalala... grasya sa bawat pagdating at pagkawala. Lahat ay grasya... ang tanging pwede ko na lamang palang gawin ay sumuko. Buong loob na sumuko sa kamay ng Diyos upang mangyari ang kanyang kagustuhan sa akin. Sabi ko lagi sa Dyos, "kung hindi man ako matuloy sa pinatutunguhan ko... bigyan mo pa rin ako ng ibang paraan upang papurihan at dakilain kita kung saan makikita ko ay ikaw... gaano man ito kasaya o gaano man ito kalungkot."

Mahaba pa ang biyahe patungo doon. Pero ang mga aral na natutunan ko sa propesor ko ay lagi kong babaunin. Maging magaling na kwentista rin sana ako. Alam ko hindi ako nakakatawa at alam ko rin, malimit ay nakakainis ako kasi nga introverted person ako. Iyon ang aking dadasalin, sana masaling ko rin ang inyong mga damdamin... pero hindi ko aariin iyon dahil sa bawat tula ng buhay na naisusulat ko, sa bawat kwento na naibabahagi ko, sa bawat himig at kanta na naisusulat ko... pawang ang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo ang lagi kong inspirasyon... pawang ang mga nag-uumapaw na bunga ng inspirasyong na pawang mga biyayang inampon ko lamang ang naibabahagi ko rin sa inyo.

Ito marahil ang kabuuan ng ENGWENTRO... kung saan nasasaling ninyo ako... kung kailan nasasaling ako ng mga taong malapit sa akin... kung paano ako nasasaling ng Diyos... ang pagkasaling na nagpapaningas ng mga damdamin at pananampalataya natin bilang isang mananampalataya ng simbahang kinabibilangan natin. May tawanan at may iyakan. May panahong seryoso... merong panahon ng katahimikan lamang. Ito marahil yung pagdungaw natin sa bintana ng kalangitan ng Diyos na nangyayari sa ating mga ordinaryong buhay-buhay kung paano gumagalaw ang pagpapala sa atin ng Panginoon kung saan ang nangingibabaw lagi ay ang suyuan at ibigan sa pagitan natin at ng Diyos.

Lagi kong naaalala, bago tayo umibig... tayo muna ang unang inibig ng Diyos. Ika nga ni Fr. Ramil, paanong hindi malalaman ng Diyos ang ating mga pinagdaraanang paghihirap e bago tayo nasaktan, ang una munang nasaktan muna ay ang Diyos-- Siya na unang nawalan minamahal nang ibinigay Niya ang pinakamamahal niyang Anak na si Kristo-Hesus upang tubusin tayo mula sa ating pagka-makasalanan ng sa gayon tayong lahat ay mailigtas ng kanyang nag-uumapaw na pagmahahal.





Den Mar


Wednesday, January 30, 2013

Suyuan



magandang usapan
maraming mga insights na tumatagos sa balat
at nanunuot sa kalamnan
parang ihip ng hanging amihan
nais mo mang ikubli ang kanyang halik,
mangi-nginig at mangi-nginig ka
sa kanyang nanunuot na bawat dampi



Den Mar

Lagnat




may sakit pa nga ata ako
maaaring nagdidiliryo (convulsion)
dahil nagiging tula ang bawat salita ko
nangungusap ang bawat ituran ko
siguro nahihilo pa ako
kung kaya ang mga kamay ko na lamang
at ang puso kong mapaglaro
ang nagsasalita
para sa damdamin kong naghuhumiyaw
mula sa sinapupunan ng aking pagkatao.



Den Mar

Idolo




sabihin man nilang isa itong kabalintunaan (contrast)
kalungkutan ang aking nadarama sa aking tagumpay...

kaligayahan nilang ikulong ako
sa kahon na tinatawag nilang kalayaan
kung saan ang bawat sulok
ay larawan ng aking pagkapiit
sa isang selda na tinatawag nilang hawla
ng ibong malaya na bitag ng paghanga.

sapagkat dumating na sa dulo ang aking paghahanap
kung kaylan ang lahat-lahat ay maaari ko nang bitiwan
at manatili na lamang upang magpa-angkin sa aking minahal
ang tanging dahilan ng aking buhay... ang dahilan ng aking bawat paghinga...




Den Mar

Pagsulat


masarap sumulat ng buong laya
yung bang kahit duguin ka
sasabihin mo pa ring naarok mo
yung pinaka-rurok ng pagiging manunulat

walang linyang hangganan
walang tuldok sa bawat panulaan
walang ritmo... walang patutunguhan
kalayaan na may kabangagan

parang lumilipad sa kalawakan
habang nakikipaglaro sa hamog ng kaligayahan
nais mong yakapin pero hindi maaari
dahil maaari mo lamang itong palagpasin
at hayaan mong siya ay yakapin ka
upang managos sa iyong puso at kaluluwa

kaya nga masarap maging malaya 
dalisay mong nahahayag ang iyong nararamdaman
sa taong iniibig mo na kapwa nagmamahal sa iyo
kahit sa panulat... kahit sa salita
laging naroon ang malalim na pagmamahal
sa panitikang inaari kong buhay na gumagalaw....

Manunulat



isa kang makata 
ng makabagong panahon
ang iyong tinig nawa 
ang maging ningas ng ngayon.



ito ang tagubilin ko sa iyo...


maging malaya kang manunulat
ikampay mo ng buong igting ang iyong mga pakpak
patungo sa langit na tinatawag nating kalayaan
upang abutin mo ang bawat pusong uhaw sa pag-ibig mo
at kubkuban mo sila ng pag-asa sa bawat pagdarang mo.




Den Mar

Langit



thanks for sharing your thoughts
for adding sparkles to my reflections
and for uplifting my withered spirit
indeed, i can say: 'i am embraced by heaven (langit).'




Den Mar

Kamatayan




Malaya ka na aking mahal...


Mula sa pait ng kahapon
Kirot ng bawat ngayon
At takot na namumuo
Sa kinabukasang walang paghilom

Saksi ako sa mga pagdurusa mo

Subalit hindi kita nasaluhan
Sa bawat paghihirap
Na tinitiis mo habang nag-iisa
Sa bawat gabi at umaga
Na hindi mo nagawang magpahinga
Dahil ang kirot na iyong nararamdaman
Ay nanunuot sa bawat himaymay
Nang iyong sumusukong kalamnan
Mula sa sugat na walang kagalingan (cancer)

Naririnig ko ang iyong mga ungol...

Tuwing ako ay nagigising
Mula sa aking pagkakahimbing
Naroon ka at nagtitiis
Sa isang sulok nangungunyapit
Tiim-bagang (gnashing) humihikbi
Upang balutin ng dilim
Lahat ng iyong tinitiis
Na pawang iyong tinik
Nang walang humpay na hapdi

Wala akong magawa kundi ang yakapin ka

Sa tuwing ikaw ay umiiyak na parang bata
Sa panahong nais mo nang sumuko at bumigay
Dahil sa kawalang pag-asa at kawalan
At panluluoy ng iyong nagdurusang kaluluwa

Para kang nauupos na kandila

Hindi na kita halos makilala
Ang iyong anyo ay ibang-iba na
Kasabay ng paglisan ng tuwa
Sa iyong pisngi ang iyong pananamlay

Ang iyong katawan ay pigang-piga na

Halos wala nang maibubugang lakas
Matapos ang laksang saksak ng hiringgilya
Ng pagsasalin ng dugo na tila walang katapusan
At dialysis na paulit-ulit at nakakasawa na

Nais mo nang sumuko

Pero ayaw ko pang ikaw ay huminto
Sabi ko tutuparin natin ang mga pangarap mo
Na isang araw ikaw ay gumaling kahit paano
Mula sa iyong karamdaman ikaw ay mahango

Pero hindi ko pala dapat piitin ka

Dahil iba ang pakiramdam ng nagdurusa
Kailangang tanggapin ko ang buong katotohanan
Na mayroong hangganan ang ating buhay
Na may paghilom din ang lahat ng bagay

Kailangang palayain na kita...

Dahil ang kagalingang hinahanap mo
Ay wala sa akin o dito sa mundo
Sapat na ang pagtitiis mo upang makasama ako
Panahon na upang tayo ay magkalayo

Paalam na aking mahal...

Lumaya ka na aking mahal
Baunin mo ang aking matatamis na alala
Sa sinapupunan ng magulong daigdig
Pumayapa ka sa iyong paghimbing...

xxx


Malaya ka na aking mahal...

Saksi ako sa mga pagdurusa mo
Naririnig ko ang iyong bawat pag-ungol...
Wala akong magawa kundi ang yakapin ka lamang
Para kang nauupos na umaandap na kandila
Ang iyong butuhang katawan ay pigang-piga na
Nais mo nang sumuko at bumigay
Pero hindi ko pala dapat piitin ka
Kailangang palayain na kita...
Paalam na aking mahal...

Pumaroon ka na sa Diyos Ama na Lumikha
Humimbing ka na sa iyong pamamahinga
Baunin mo ang aking matatamis na alala

Baunin mo ang aking wagas na pagmamahal...





Den Mar