after ng mahabang diskusyon, ayaw pa rin niyang maniwala sa Dyos, sabi ko "sige na, hindi na kita pipiliting maniwala sa Dyos... at least, mailayo man lang kita sa demonyo." sabi nya sa akin, "sige mabuti pa yan na lang ang gawin mo, ilayo mo ako sa demonyo."
sabi ko sa kanya, "buti pa sa demonyo may takot ka..."
tapos ang sagot nya sa akin, "e kung mapunta ako sa impyerno."
sabi "kung ayaw mo dun, e di pumunta ka sa langit." tapos sabi nya uli..." e paano ako pupunta dun." ang sagot, "e di maniwala ka sa dyos!" BOOM!
===
tapos inugat ko kung bakit ganun ang paniniwala nya. sabi nya sa akin, "kasi, nasaktan kasi ako... namatay ang anak ko... wala akong nagawa..." tapos sabi ko sa kanya,"alam nyo, bago po tayo nasaktan ay nasaktan muna ang Dyos." parang umangat yung dugo sa tenga nya, "paano, e Diyos nga Siya!" sabi uli, "Tatay din po kasi ang Diyos katulad ninyo... alam niya po kung gaano kasakit ang mawalan ng pinakamamahal na anak...(naalala ko yung klase namin sa Trinity, pahapyaw ko mang naibahagi ito sa kanya ito marahil yung kabuuan ng explanation ni Fr. Ramil. si Fr. Ramil yung propesor ko sa Trinity Class)."
No comments:
Post a Comment