Friday, May 26, 2017

Third Word: "Woman, Behold Thy Son... Behold Thy Mother."

“BABAE, NARITO ANG IYONG ANAK… ANAK, NARITO ANG IYONG INA.”



Dito sa yugtong ito, ipinadama ni Hesus sa huling sandali ang kanyang pagmamahal sa kanyang ina at pagtitiwala sa pinakamamahal niyang Disipulo. Ayaw niyang mahirapan ang kanyang Ina kung kaya inihabilin niya ito sa pinakamamahal niyang disipulo na si John.

1.Si Jesus- Ang nagwika at nagsugo. Ang Wika ng Diyos (Verbo) na nagkatawang tao.
Mababasa sa Lukas 4:18 ang misyon ni Hesu-Kristo:

18Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka't ako'y pinahiran niya ng langis (anointing) upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang naaapi…

Malinaw ang misyon na ginampanan ni Hesus. Siya ay isinugo ng Diyos Ama at buong buhay siyang sumunod sa kalooban ng Diyos Ama na kanyang pinakaiibig. Sa dasal na “Ama Namin,” ipinakilala ni Hesus na ang Diyos na nagsugo sa kanya ay isang Diyos na Ama nating lahat. Ipinakakilala ni Hesus sa atin na ang Diyos Ama bilang Diyos ay isang Diyos ng Pag-ibig. Dahil sa sinasalamin ni Hesus ang Diyos Ama na Diyos ng pag-ibig, si Hesus din ay naging pag-ibig para sa atin. Pag-ibig na hindi lamang sa salita kundi sa gawa! Pag-ibig na nakakaunawa sa kalagayan ng sangkatauhan sapagkat siya mismo na isang Diyos ay nagpakatao para makapiling niya tayo.
Sa piling nina Jose at Maria, naramdaman niya ang mamuhay ng isang dukkha subalit may pagpapahalaga sa pagta-trabaho (work ethics). Subalit sa kanyang misyon, tinuruan niya ang mga mayayaman na naging kaibigan niya na magbago at magbahagi ng kanilang mga sarili sa mga kapuspalad.

Sa misyon ni Hesus, hindi niya nakalimutan ang mga mahihirap at ang mga maysakit na tinalikdan (abandoned) na ng lipunan. Si Hesus ang siyang naglapit sa atin ng mga mahihina at may mga karamdaman. Hinawakan niya at pinagaling kahit ang isang ketongin na para sa mga Hudyo ay ang pinaka-nakakadiri, kasumpa-sumpa at pinakanakahawang karamdaman.

Ang ginawa ni Hesus sa kanyang misyon ay sinimulan niyang buuin ang watak-watak na lipunan. Watak-watak sapagkat ang bawat naghaharing panig ay may kanya-kanyang pansariling interes.Na gsimula siya sa pamamagitan ng pagtuturo, pagbibigay ng pag-asa, pagpapakain at pagpapagaling.  Walang pagtatangi—mahirap o mayaman, banal man o makasalanan. Nagkaroon ang puwang ang mga dukha sa kanilang ng lipunan. Tinuruan niya tayong magmahal ng lubusan sa Diyos Ama at sa ating kapwa.
At ang pinakahuling yugto ng misyon nya bilang taon ay ngayon nga’y narito sa Krus—ang paghahabilin sa atin ng kanyang pinakamamahal na Ina ng sinabi niyang: “BABAE, NARITO ANG IYONG ANAK… ANAK, NARITO ANG IYONG INA.”
Sa yugtong ito, bahagya nating hihimayin ang dalawang mensahe na napapaloob sa ikalawang wika:

Una: “BABAE, NARITO ANG IYONG ANAK…”
At pangalawa: “ANAK, NARITO ANG IYONG INA.”

2.Kultura:
Upang maunawaan natin ang mga ito, kinakailangan muna tayong pumasok sa kultura ng mga Hudyo. Kinakailangan muna nating pumasok sa konteksto ng kanilang pag-iisip at saloobin upang magkaroon tayo ng idea kung ano ba talaga ang ibig sabihin ni Hesu-Kristo para sa atin.

A.“Anawim”-Kalagayan ng mga ulilang lubos
(mga ulilang lubos na palaboy at nanlilimos; outcast and persecuted)
Sa yugtong ito ng crucifixion, si Maria ay balo na kasi patay na ang kanyang asawa na si St. Joseph. Kaya naman  si Jesus na kanyang anak ang tumatayong guardian at tagapagtaguyod niya.  Dito, makikita natin na ang kanilang kultura ay Patriarchal or naka-depende sa mga kalalakihan, ibig sabihin, wala kang sinabi or status sa lipunan kung wala kang asawa or anak na tigapagtaguyod. Kasi ang mga lalaki ang nagtatrabaho sa palayan, sa pagawaan, sila ang mga nagpapastol ng mga tupa at ang mga nangingisda. Ang mga lalaki ang may posisyon sa gobyerno, ang mga lalaki ang may posisyon sa kanilang simbahan. Kahit sa usaping pang-pamilya, ang mga lalaki lamang ang kinikilala ng mga kamag-anak dahil ang lalaki lamang ang pwedeng magdesisyon at ang lalaki lamang ang pwedeng mapakinggan.

Samantala, ang mga babae ay tumutulong lamang sa kanilang asawa at anak; at sa gawaing bahay. Mahirap ang magtrabaho noong panahong iyon. Malaki ang buwis na ipinapataw ng Roman Empire sa kanila. Kung may mana man ang isang balo na lupain, maaaring mawala rin ito kung hindi siya makabayad ng malaking buwis. At kung wala silang asawa o anak na tagapagtaguyod mauuwi na lamang sila sa panlilimos sa lansangan para mabuhay kung saan maaari silang mabiktima ng exploitation ng mga foreigners na nasa lupain nila dahil sa sobra nilang kahirapan.
(Kung pwede pa silang manganak ay maaari pa silang mag-asawa. Pero syempre, kinakailangang isa-alang-alang ni Jesus ang perpetual virginity ng kanyang Ina kung kaya inihabilin niya ito kay St. John, the beloved, upang mangyari maisakatuparan ang plano ng Diyos).
B.The Power of Words-
Mahalaga sa mga Hebrew ang word of honor dahil naniniwala sila sa kapangyarihan ng mga salita. Kasi para sa kanila, kapag sinabi mo ang gusto mong sabihin ay talaga namang mangyayari. Katulad ng sa pagbibigay ng blessing (ni Isaac sa kanyang  anak na si Jacob sa halip na si Esau) o katulad ng sa pagtistigo laban sa nakagawa ng kasamaan. Ang salita para sa kanila ay pwedeng magbigay ng blessing at magbigay ng kapahamakan (esacration).

Alam natin na si Hesus ay ang Salita ng Diyos o ang Verbo na nagkatawang tao kung kaya ang kanyang mga sinabi ay nagkakaroon ng kaganapan. Hindi lingid sa kanya ang masalimuot na kinabukasan ng kanyang Ina sa kanyang pagpanaw kaya naman, si Hesus, kahit na hirap na hirap na siya sa pagkakapako niya ay inihabilin pa rin niya ang kanyang Ina na si Maria kay John, the beloved disciple.

 3. ANG MGA SALITA KAY MARIA: “BABAE, NARITO ANG IYONG ANAK”
Sa Griyego, ito ay “Gunay, ide ho huios suo.”
Bakit babae ang itinawag ni Hesus sa kanyang Nanay? Kalapastanganan ba ito?
Hindi ito kalapastanganan dahil alam ni Hesus ang ikaapat na utos na: “Igalang mo ang Iyong Ama at Ina.” Kasama ng pagsunod ng utos na ito ay ang pag-aalaga sa mga magulang kapag sila ay tumanda na.

Si Maria, nung tinawag siyang 'Babae' ng ating Panginoong Hesu-Kristo na nakabayubay sa Krus ay naging perpektong mukha ng mga kababaihan ng sangkatauhan. 

At nang sinabi ni Jesus kay John, the beloved, na "Narito ang iyong ina"... nagkaroon ng dagliang pagbabago-- lahat tayo: mga kalalakihan at mga babaihan ng iba-ibang lipi at kultura, ay nagkaroon ng dagliang malaking kinalaman sa pinagpalang 'Babaeng' ito dahil siya na ngayon ang ating pinakamamahal na Ina. Dahil sa kanya ay naging kapatid natin si Kristo. At dahil kay Kristo na anak ng Diyos Ama na nagsugo sa kanya, tayo ngayon ay naging anak (adopted children) din ng Diyos Ama.

Hindi natin maaaring itanggi ang lahat ng ito sapagkat nasusulat na si Maria ay tatawaging "mapalad ng lahat ng saling lahi" (Lk 1:46). Mapalad siya sapagkat siya ang dakilang Ina ni Hesus na isang Diyos na nagkatawang tao. Para sa mga sinaunang tao, mapalad ang isang babae kapag nabiyayaan siya ng anak. Subalit nung mamatay sa Krus ang kanyang anak na si Kristo, siya ay nawalan ng tigapagtaguyod. Mapalad siya sapagkat inihabilin siya at tinanggap ni St. John. Tayo, bilang isang sangkatauhan, ay kinakatawan ni St John. Lalo pang umiigting ang pagiging mapalad ni Maria na nagpapa-ubaya ng kanyang pagiging Ina para sa atin sa tuwing tinatanggap natin siya. Sapagkat ito ang kagustuhan ng Diyos, ang maging anak tayo ng pinagpalang babaeng ito. Dito makikita natin ang pagdaloy ng pagpapala ng Diyos, mula sa Diyos Ama na nagbigay ng Dyos anak na si Hesu-Kristo, at mula sa Diyos Anak na nagbigay ng kanyang Ina para sa atin at siya rin ang nagbigay sa atin sa kanyang mahal na Ina na si Maria. Tunay nga na ito ang itinatag ni Hesu-Kristong sambahayan na nananalig sa pagmamahal… isang simbahan ng mga mananampalataya na si Birheng Maria ang tanging Ina.


Kilalanin natin si Maria: Siya ang ating Ina

Sa dasal na Aba Ginoong Maria, may part doon na nagsasabing… “Bukod kang pinagpala sa ‘Babaeng’ lahat. Mula kay Eba hanggang sa ating kasalukuyang panahon, si Maria lamang ang namumukod tangi. Siya ay pinagpala, una sapagkat siya ang naging Ina ng Diyos na si Hesus; pangalawa, siya ang naatasan ng ating Panginoong Hesu-Kristo na maging Ina nating lahat. Dahil dito, masasabi nating si Maria ang makabagong Eba kasi si Maria na ang bagong Ina ng sangkatauhan. Kung si Eba ay nauwi sa pagiging makasalanan, si Maria naman ay nanatiling banal at matapat na lingkod ng Panginoon.

Ano nga ba katangian ni Maria kung kaya siya ay naging mapalad? Iyon ay ang patuloy niyang pagsunod sa kagustuhan ng Diyos. Ang pagsunod sa kagustuhan ng Diyos ay ang pagsuko natin ng ating personal na kagustuhan ng may pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos sa tuwing sinasabi nating “Mangyari nawa sa akin ng kagustuhan ng Diyos”.

Sa kabila ng hinagpis dahil nakikita niya ang sakit na pinagdadaanan ng kanyang anak na si Kristo ay para na rin siyang nagsilang ng sanggol nung tinanggap niyang maging anak si John, the beloved. Ang pagtanggap niya sa kanyang bagong anak na si John, the beloved ay daglian. Ito ay bilang pagsunod kay Hesu-Kristo. Tandaan natin na si John, the beloved ay kumakatawan sa ating lahat. Ang relasyong ito ay spiritual motherhood.

Bilang mga Kristiyano, sana maging katulad tayo ni Maria. Matuto sana tayong sumunod, manahimik, makinig at mag-nilay (to ponder) sa wika ng Diyos. Tayo nawa ay maging Christ-bearer or tagapagdala ng ating Panginoong Hesu-Kristo  kahit saan man tayo mapunta.

4.ANG WIKA PARA SA ATING LAHAT (THROUGH JOHN, THE BELOVED): “… NARITO ANG IYONG INA”
Sa Griyego, “Ide ho meter sou.”

Ipinagkatiwala ni Hesus ang kanyang Ina sa pinakamamahal niyang  tigasunod. Ayon sa tradisyon ng simbahan, ipinagkatiwala ni Hesus ang kanyang Ina kay John, the beloved disciple.

Sino nga ba si John, the beloved disciple?

Maaaring teen-ager pa lamang siya nung tinanggap niya upang alagaan ang Mahal na Ina.

Ayon sa Prayer to St. John the Beloved Disciple, siya ay unang naging tigasunod ni John, the Baptist. Upang makilala niya ng lubos si Hesus, siya ay tumira sa kanyang tahanan kung saan naroon din si Maria. Nung tinawag siya ni Hesus na maging tagapamalakaya ng mga tao, daglian niyang iniwan ang kanyang ama at ang kanyang hanap-buhay na pangingisda upang sumunod agad kay Kristo. Mula sa pagiging mainitin ang ulo, naging tulay ng kapayapaan at pagpapatawad sa kapwa. Nakita niya ang Panginoong HesuKristo na nag-transfigured sa Mt. Tabor at nasaksihan niya rin ang pagdurusa ng Panginoon habang nagdarasal ng taimtim sa hardin ng Gethsemane. Dun sa last supper, siya yung nakadantay sa dibdib ng Panginoon na sumisimbolo ng malalim na relasyon kay Kristo. At doon sa paanan ng Krus, kasama ni Maria, hindi niya iniwan si Kristo sa Kanyang pagdurusa.
Sa kabila ng kanyang pagiging teen-ager, daglian niyang tinanggap ng buong puso ang Mahal na Ina.  Sa mga kaibigan, ang katulad ni St. John, the beloved disciple, ang pinaka-ideal kasi pwede mong iwan at ipagkatiwala sa kanya ang pinakamamahal mo sa buhay kung sakaling ikaw man ay mawala na.

Katulad ni John, the Beloved, tayo rin ay nais ni Hesus na maging super-close sa kanya. Para sa Diyos, hindi hadlang ang ating mga kahinaan sapagkat tutulungan niya tayong magbago. Katulad ni John, the beloved, nais ni Kristo na tanggapin din natin si Maria sa ating buhay bilang ating Ina.

Si John, the beloved, ay kumakatawan sa atin--
Kumakatawan si St. John, the beloved sa atin. Katulad niya, nakahanda rin ba tayo na tanggapin ang dagliang pagbabago sa buhay natin? Dagliang pagbabago na kung saan ay kaya nating makita ang ating kapwa bilang ating pinakamamahal na kapatid. Kapag na-realized natin ito, dadaloy ang pagkakapatawaran... ang pag-ibig at ang kapayapaan. Ito ang Kaharian ng Diyos na nais ni  Kristo—isang malaking pamilya ng Diyos na may pagpapatawad sa isa’-isa, pagmamahalan at  may kapayapaan.

5.Reflection:

Ngayon ay i-try nating i-connect. Si Maria ang ating Ina. Dahil kay Maria ay naging kapatid natin si Kristo. At dahil sa naging kapatid natin si Kristo ay naging adopted children tayo ng kanyang Diyos Ama. Kung pakaka-isipin natin, nais ni Kristo na bumuo ng isang bagong ideal na pamilya. Ideal kasi ito ay pamilyang banal kung saan lahat tayo ay naging anak ng isang Amang Diyos ng Pag-ibig na ipinakilala sa atin ng kanyang bugtong na Anak na si Kristo.

Ideal ito kasi ito ang pupuno sa kakulangan ng ating lipunan. Ito ang magiging bagong kultura na ating yayakapin dahil hangad ng ating Panginoon na walang maisasantabi at mapapabayaan—walang mahirap, walang mayaman; walang pinandidirihang maysakit; walang nagugutom kasi lahat ay nagbibigayan at walang patayan sapagkat lahat ay nagkakasundo.

Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t-isa dahil tayo ay isang malaking pamilya ng Diyos na bumubuo ng kanyang simbahan kung saan si Kristo ang ulo at tayo naman ang kanyang katawan. Ideal kasi tayo ang bubuo ng kaharian o Kingdom of God kung saan ang maghahari ay pawang ang pagmamahal lamang ng Diyos sa ating lahat.
Upang mangyari ang mga ito, kinakailangan natin ng pagbabagong ng kalooban at kaisipan (metanoia). Nararapat lamang na ang pagbabagong ito ay batid natin hindi iyong ningas kugon lamang na sa simula lamang mabuti. Magsisimula ang pagbabagong ito sa ating mga sarili, sa ating pamilya, sa ating kapitbahay hanggang sa ating simbahan at sa ating lipunan.

Katulad nina Maria at John, the beloved, kinakailangan nating maging hininga ng buhay ang ating  Panginoong Hesu-Kristo. Hininga dahil hindi tayo mabubuhay kung wala si Kristo sa ating buhay. Ang lahat ng ating gagawin ay ialay natin kay Kristo. Ang lahat ng bunga ng ating gawain ay ipagpasalamat natin kay Kristo. Kung si Kristo ang lahat-lahat sa buhay natin, kaylan man ay hindi tayo mag-iisa.
Kung si Kristo ang lahat-lahat sa buhay natin, wala nang magsu-suicide kasi alam niyang may tatanggap sa kanya sa kabila ng lahat. Gayundin, wala nang magpapa-abort kasi hindi na siya matatakot na harapin ang bukas. Kung si Kristo ang lahat-lahat sa buhay natin ay makakamit natin ang totoong kaligayahan—hindi na kailangang tumakas pa sa katotohanan. Hindi na kailangang malulong pa sa masamang bisyo. Ang lahat ng masamang bisyo ay naglalayo sa atin sa ating kapwa, sumisira ng ating buhay at umuubos ng ating oras. Ang masamang bisyo ang nagiging bagong diyos-diyosan na umaalipin sa atin kung saan inaalay natin ang ating lakas, pera at oras kapalit ng ating panandaliang kaligayahan.

Kung si Kristo ang lahat-lahat sa buhay natin, makakayanan nating maging kapatid sa ating kapwa. Sa halip na magalit, magpasensya. Sa halip humusga, tumulong. Sa halip na gumanti, magpatawad. Bago tayo sumang-ayon sa mga bagong idea tulad ng death penalty na ating naririnig ay mag-isip muna tayo. Huwag tayong maging berdugo ng sarili nating kapatid. Kaylan man ay hindi solusyon ang karahasan sa mga problema ng lipunan. Kung nais natin ng totoong kapayapaan, nararapat lamang na gumamit tayo ng mapayapang paraan. Paano? Sa pamamagitan ng pagtanggap natin sa pinakaibuturan ng ating ‘konsensya’ na ang ating kapwa ay ating kapatid. Na ang ating kapwa ay ating pananagutan. Na ang ating kapwa ay ang daan natin patungo sa Diyos Ama. Hindi tayo pwedeng pumunta sa Diyos Ama na mag-isa, kailangang kasama natin ang ating kapwa.
Isipin natin itong logic na ito, ang langit ay para sa ating lahat… pero kung naroon ang iyong kaaway, gusto mo pa bang mag-stay sa langit? Paano kung andun yung may-utang sa iyo, kung andun yung nang-chismis sa iyo, kung andun yung nang-rape at pumatay sa iyo… gusto mo pa bang mag-stay sa langit? Katulad na lang ni St. Stephen na namatay dahil sa kagagawan ni St. Paul na naging berdugo ng mga sinaunang Kristiyano na nasusulat mula sa Acts of the Apostles (Acts 7:51-8:1). Si St. Paul na ang dating pangalan ay Saul ang nagpahamak kay St. Stephen na isang deacon kung kaya ito ay napatay. Subalit bago namatay si St. Stephen ay sinabi niya sa Panginoon nung nagbukas ang pintuan ng langit para sa kanya, “Panginoon, huwag mong parusahan ang mga tao na pumatay sa akin dahil pinapatawad ko na sila.” Lahat tayo ay nabubulagan, lahat tayo ay nagkakamali. Katulad ni Saul, siya rin ay nabulagan at nagkamali. Sa kasagsagan ng kanyang krusada laban sa mga unang Kristiyano, tinawag siya ng Panginoon, “Saul, Saul… bakit mo ako pinapasakitan (persecute) (Acts 9:4). Si Saul ay nakakita ng matinding liwanag na ikinabulag niya… at mula sa pisikal na pagkakabulag ay gumaling siya at ng nakakita siyang muli, tinanggap niya at itinuwid ang kanyang pagkakamali. Nagtatag siya ng mga komunidad ng mga mananampalataya   at nangaral sa kanyang mga pagsulat upang ipakilala si Hesu-Kristo. Sa wakas ng kanyang buhay, namatay siya katulad ni St. Stephen na kanyang ipinapatay sa ngalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Sa pagpapatawad… laging naroon ang conversion, laging naroong ang pagbabago. Tandaan natin, ang pagpapatawad ng Diyos ay walang hanggan… pero ang pagpapatawad natin, nasa sa atin kung hanggang saan aabutin ito.  Kaya dito pa lang sa lupa, mag-practice na tayong magpakumbaba. Magpractice na tayong magmahal, magpractice magbigay. Lalo na kailangan nating mag-practice humingi ng sorry at magpractice tayo magpatawad sa ating kapwa. Kasi iyon ang gagawin natin sa langit—ang magmahal at wala nang iba. 
Sa palagay ko, sa ating panahon ngayon ang kulang ay PASENSYA kung kaya madali para sa ibang tao ang mag-suicide at madali din sa kanila ang pumatay. Kulang tayo ng pasensya kaya madali tayong sumuko. Kulang tayo ng pasensya kung kaya madali tayong humusga at sabihing “ipapatay na iyan.” Pero kakayanin ba nating tanggapin ang sentensya na tayo rin ang nagbigay kung tayo na ang mismong nasa kinatatayuan ng mga hinuhusgahan natin. Sa palagay ko, kung tayo ang nasa katayuan ng mga bibitayin, manghihingi rin tayo ng awa at habag hindi para sa ating sarili kundi para na lang sa ating mga anak at asawa na mauulila.  Kulang tayo ng pasensya kaya madalas tayo rin ang napapahamak.

Siguro sa kabuuan ng aking pastoral ministry sa FEU Hospital, ang nagawa ko lang sa mga pasyenteng nabisita ko ay ang turuan silang magdasal ng taimtim kapag nasa bingit sila ng kamatayan: “Panginoon, bahala na po kayo sa akin. Sana po, maawa po kayo sa akin, bigyan nyo pa po ako ng mas mahabang buhay… hindi para sa akin, kundi para sa aking mga anak.”

Kapag may mga pasyenteng sobrang natatakot na magpaopera, ang lagi kong sinasabi sa kanila: “Kapag naramdaman na ninyo ang pampamanhid at inaantok na kayo, kapag ipikit na ninyo ang inyong mga mata, isipin ninyo ang family picture ng iyong pamilya. Sabihin mo kay God, ‘God, gusto ko pa pong mabuhay para sa kanila.” At sa awa naman ng Diyos, lahat sila ay nakaligtas sa bingit ng kamatayan.

Mga kapatid, napaka-pasensyoso sa atin ng ating Panginoon. Dasal lang mula sa atin ang kanyang hinihintay. Magdasal tayo na humaba pa ang ating pasensya at ang pasensya na meron tayo ngayon ay ipagdasal nating maging ganap na pag-ibig… na maging pagmamahal. Sabi ng Diyos, Love Your Neighbor at sinabi din niya na “Love your enemies.” Kapag may kaaway ka, ipagdasal mo. Huwag kang gumanti, huwag mong hayaan ang kanyang kamalian ang magpasama sa iyo. Kapag sinampal ka sa kaliwa ay ibigay mo pa ang iyong kanang pisngi. Kapag nagkaroon ka ng kaalitan, magpatawad ka ng 77 x 7 na ang ibig sabihin ay magpatawad ng walang hangganan. Sa mga hindi pagkakasunduan, pinayuhan tayo ng ating Panginoong Hesu-Kristo na makipagkasundo muna tayo sa ating mga nakaalitan bago tayo maghandog sa dambana ng Diyos. Kung hindi magkasundo ay dumulog sa isang tao na maaaring mamagitan sa atin at sa ating kaaway upang maibalik ang kapayapaan sa bawat isa. Sana, marealized natin na kinakailangang maging mapayapa muna ang lahat upang matanggap natin ng buong-buo ang kapayapaang nagmumula kay Hesu-Kristo: iyon ay ang makita at ang ibigin si Kristo na nasa puso nating lahat.

Sa buhay na ito, lagi tayong umasa sa Diyos dahil mauubos ang lahat sa ating buhay pero hindi ang grasya at ang pagmamahal ng ating Diyos para sa ating lahat. Kung tayo man ang pasaway sa ating mga magulang, pasaway sa kapitbahay, pasawaya sa ating eskwelahan at pasaway sa ating lipunan…  kapatid hindi iyan ang plano ng Diyos para sa iyo. Ang plano sa iyo ng Diyos ay ang maging mabuti kang tao na may pakinabang sa iyong lipunan. Sana magbago na tayo. Kasi mas mas magiging masaya tayong lahat kung mas magiging mabuting tao tayo. Tandaan natin, mas nagiging masaya tayo kapag naibabahagi natin ang ating kasiyahan sa ating kapwa.

Story:
Si Ate Dory ang panganay kong kapatid. Isa siyang special child. Katulad ng ibang magulang, ang mga magulang ko ay maraming pangarap “sana” para sa kanya. Kaya lang, ng siya ay ipanganak ay doon na-discover ng mga magulang ko na mabilis na tumigas ang kanyang bungo na dahilan upang hindi maging fully developed ang kanyang brain. Dahil sa kalagayan ng ate ko, madalas ay absent sa work ang mother ko para maalagaan ang ate ko na naging sobrang sakitin nuong kanyang kabataan. Mas lalong naging mahirap ang sitwasyon nuong ipinanganak ako at yung bunso namin. Kaya by that time ay nagresign na sa work niya ang mother ko. Nung pinapalaki ako at ang bunso kong kapatid ng nanay at tatay namin, ang lagi nilang sinasabi sa amin, “Kapag wala na kami ay kayo na ang mag-aalaga sa ate mo.” Pinilit ng parents ko na pag-aralin si Ate kaya lang hindi niya kaya kasi wala siyang natatandaan sa mga pinag-aaralan. Naabutan ko pa sa grade one si ate, halos grade three na ako ay grade one pa rin siya. Kapag nagche-check ng mga activities namin ang aming nanay ay natutuwa siya sa akin kasi konti lang ang mali ko. Lalo na dun sa bunso kong kapatid na laging perfect at laging honor. Pero pagdating sa ate ko, lagi siyang zero at laging napapatawag ang nanay ko sa school kasi laging ikino-complain ang Ate Dory ko na “nagbubutas lang daw ng bangko” ng kanyang teacher. Minsan umuwi ang nanay ko galing sa school, umiiyak ng tinanong ko kung bakit, sabi ng nanay ko, “Ayaw kasi ng teacher ni Ate Dory mo na isali siya sa Girl Scout kasi ‘abnormal’ daw siya.” Nakita ko yung awa sa nanay ko, kasi bilang ina ang gusto lang naman niya ay mabigyan ng normal na buhay ang ate ko. Araw-araw ay tinuturuan niya si ate na makapagsulat kahit pangalan man lamang niya. Minsan ay nagkakaiyak-iyak na siya kasi hindi talaga matuto si ate. Minsan, ang tatay ko naman ang sumugod sa school, kasi dahil nagdadalaga na ang ate ko at nire-regla na, binubully siya ng mga kaklase niyang Grade one… hinihipuan, pinapakitaan ng ari ng mga lalaki niyang classmates at ipinapahiya. Pero hindi lumalaban si ate at umiiyak na lang. Minsan, na-guidance ako kasi may nasapak akong ka-school mate namin na binabastos si ate.  Hanggang isang umaga bago ang enrolment ay narinig ko na kinakausap ni nanay si ate. Si ate ay naka-uniform na at nagpupumilit na ipa-enrol siya ng nanay ko sa school… “Anak dito ka na lang sa bahay. Apat na taon ka nang pabalik-balik sa grade one. Sabi ng teacher mo ay dito ka na lang sa bahay mag-aral. Ako na lang ang magiging teacher mo.” Sa unang pagkakataon narinig kong nangatwiran si ate, “pero Nay, gusto ko pong mag-aral... gusto kong maging katulad nina Dennis at Ginalyn. Gusto ko ring makatapos… gusto ko ring makatulong sa inyo.”  Tapos doon na umiyak ang nanay ko… kasi hindi niya akalain na ang ate ako ay nakakapag-isip din ng matino. Ang gusto lang ni ate ay makatapos ng grade one, kahit grade one lang sana ay maipasa niya kaya hindi siya umaabsent. Kaya lang hindi naman naging mapagpasensya ang kanyang mga teachers at ang kanyang mga kaklase—pinapagalitan siya lagi, ipinapahiya, pinipingot, tinatawag na bobo at pinaparusahan at pinatatayo lagi sa gilid ng silid aralan.
Pero para sa amin, mahal na mahal namin si Ate Dory. Sobrang mahal na mahal siya ng mga magulang ko. Never namin siyang ikinahiya. Kahit malimit ay nagta-tantrums si Ate, ang sabi ng nanay ko, bigay siya ng Panginoon. Actually, ang kahulugan ng pangalan ni ate Dory ay gift. Sabi ng nanay ko, “Mahirap magpalaki ng special child kasi kailangan mo ng dobleng pasensya. Para magawa mo ito, kailangan mo ng sobrang pagmamahal.”  Malimit, ako ay nahuhusgahan ng mga tao dahil kay Ate, sabi nila ay abnormal din daw ako pero hindi ko na lang pinapansin dahil nagpapasensya na lang ako. Malimit naiinggit ako sa mga normal na pamilya kasi ang hirap kapag ang isang kapamilya ay mayroong sakit, kulang lagi ang pera kasi kailangan laging magpagamot at bumili ng gamot.  Nakakasawa na rin kasi ang ma-stress. Pero ang sinasabi ko na lang sa aking sarili, ito ang ibinigay sa akin ng Diyos kaya kailangan kong tanggapin ito at magpasensya na lang. 

Hanggang sa tumagal ang panahon, ang pagpapasensyang ito ang naging daan upang lalong mahalin ko ang ate ko at ang aking pamilya. Kung uulitin kong muli ang buhay ko, gusto ko pa ring maging ate ang ate Dory ko kasi siya ang ate na ibinigay sa akin ng Diyos.

6.Pagbubuod:
Sabi ng kantang Pananagutan, “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang… Tayong lahat ay pinili ng Diyos na kapiling Nya.” Ibig sabihin, nais tayo ng Diyos na kanyang maging ka-pamilya.  

Katulad nina Maria at John, the beloved, kinakailangan nating sumunod sa tagubilin ating Panginoon na “magmahalan tayo”.

Sa krus, ang pinakahuling misyon ni Hesu-Kristo bilang tao ay ang ibigay sa atin ang kanyang mahal na Ina. At tayo, an gating misyon ay ang tanggapin ang kanyang Mahal na Ina. Kaya sa Krus ng pagpapakasakit, bilang Kristiyano, lahat tayo ay doon ipinanganak. Doon tayo bininyagan ng dugo, ng pawis, ng pagpapakasakit at ng pag-aalay ng buhay ng ating mapagmahal na Diyos. Ang kamatayan ni Kristo ay ang ating kaligtasan na tumubos sa ating kasalanan. Kung si Maria ang ating Ina, si Kristo ang ating kapatid at ang Diyos Ama ni Kristo ay ang ating Dyos Ama rin.

Sabi ni Kristo, mahalin natin ang ating kapwa, sapagkat ang ating kapwa ay ang ating kapatid.

#denmar1978

Friday, December 9, 2016

On Irreligion

On Irreligion
By Br. Dennis DC. Marquez, DS
........Introduction:
“When Lord Baden-Powell, introduced the Rover program, he likened the journey of a young man into life as similar to travelling a rugged stream by a canoe. As he paddles his canoe, he encounters five challenging rocks along the way. One of these rocks is irreligion or not believing in God (atheism) which a Rover Scout should overcome.”[1]
……..
Sa panahon natin ngayon, ang lagi nating itinatanong, “Kung may Diyos, bakit hinahayaan Niya ang lahat ng uri ng kasamaan sa mundo? Anong klase Siyang Diyos, bakit Niya tayo pinababayaan?”

Actually, sa ayaw man sa gusto natin, nararapat lamang nating tanggapin na ang Diyos na walang pinamulan at walang hangganan ay laging umiiral o nariyan at kailanman ay hindi siya tumigil upang tayo ay ibigin. Siya ang Lumikha sa lahat ng bagay at sa ating lahat. 
Marahil, ang mas tamang tanong “Bakit ba natin naiisip na walang Diyos?” 

Alam mo kaibigan, kahit na kabi-kabila ang karahasan at kamatayan na ating nababalitaan at nasasaksihan araw-araw, sa ayaw man natin o gusto, hindi natin maitatanggi na may Diyos na lumikha sa ating lahat. Kahit si Lord-Baden Powell ay naniniwala na may Diyos, sabi nya, “God the creator is recognized by most denomination of religion, but their differences arise over the actual character of the connection of the Creator with the human soul.”[2] Ngayong nababatid na natin na ang Diyos ay laging nariyan at ang Diyos ay hindi tumitigil upang tayo ay ibigin; marahil, ang mas mainam palang itanong ay kung nasaan ang ating sarili sa presensya ng Diyos: “'Gaano nga ba tayo ka-connect sa ating Diyos na manlilikha'? at 'Gaano nga ba natin Siya kakilala'?”

Sa isang kwento ni Baden-Powell sa kanyang librong ‘Rovering to Success’ sabi nya, “May nakilala ako (sa paglalahad ni Lord Baden Powell) na isang lalaki na nung kabataan niya ay hindi nabigyan ng pagkakataong makarinig ng mga aral tungkol sa Diyos… pero habang lumalaki siya, na-realized niya na may Diyos sapagkat kamangha-mangha, para sa kanya, ang kagandahan ng lahat ng nilikha ng Diyos.”[3] Katulad ng lalaki sa kwento, sana lalo nating makilala ang Diyos sa pamamagitan ng mga ipinagkaloob Niya sa atin—ang nagtataasang kabundukan na ating inaakyat kapag tayo ay nagha-hiking, ang magandang buwan at nag-gagandahang tala sa gabi na nagsisilbing liwanag natin kapag tayo ay nagka-camping at ang bawat ngiti ng mga kaibigan natin na ating nakikilala sa bawat Scouting activities na sinasalihan natin.

Para sa ilang Pilosopo na hindi naniniwala sa Diyos na tinatawag nating mga atheist: ang pagkakalikha ng sandaigdigan para sa kanila ay isang aksidente lamang kaya ang buhay natin ay isang aksidente rin lang. Katulad na lang ni Friedrich Nitzsche, para sa kanya, “God is dead.”[4] Para naman kay Karl Marx ang relihiyon ay isa lamang “opium for the masses.” Para kay Charles Darwin na isang Natural Scientist at kilala bilang Father of Evolution, “survival of the fittest” ang dahilan ng ating existence: kung mahina ka at hindi mo kaya makipaglaban, 'you are destined to be extinct.' Para sa kanilang mga atheist, walang dapat asahan ang tao kundi ang sarili lamang niya. 
Para kay Stephen W. Hawking, isang sikat na scientist, “Science seems to have uncovered a set of laws that tell us how the universe will develop with time. These laws may have been originally been decreed by God, but it appears that he [God] has since left the universe to evolve according to them and does not now intervene with it.”[5] Sa madaling salita, ipinapahiwatig ni Hawking na wala ng Diyos na gumagabay sa atin: nilikha lamang Niya ang lahat ng bagay at hinayaan na lamang Niya ang lahat matapos ang Kanyang paglikha… sa pahayag niya, malinaw na sinasabi niya na tayo maihahalintulad sa isang ulilang lubos na wala nang mga magulang na pumapatnubay. 


Sa kabilang dako, hindi rin naman lahat ng Scientists at Philosopher ay mga atheist o hindi naniniwala sa Diyos. May ilang Scientists na nagsasabi na sa pagkakalikha ng sangkalibutan, hindi maide-deny na organized ang lahat mula sa pinakamaliit na atom ng ating katawan hanggang sa most complicated structure ng buong universe. May mga nagsasabi sa kanila na hindi maipagkakaila ang na may Diyos dahil mayroong napakagandang sanglibutan na kanyang nilikha... may "Intelligent Design" na nag-e-exist mula sa isang "Intelligent Creator" na para sa iba ay kinikilala nila sa taguring “The Great Architect.”

Ngunit para sa atin na naniniwala sa Diyos, bukod sa pagiging creator Niya, hindi Niya tayo iniwan kahit kailan man at hanggang ngayon ay ginagabayan pa rin Niya tayo. Mula sa experience na ito, masasabi natin na mabuti at ‘generous’ ang Diyos na ating pinaniniwalaan. Lahat tayo ay nilikha ng Diyos. Iba-iba man ang pagkakakilala natin sa Kanya, iba-iba man ang pangalang itinatawag natin sa Kanya... iisa lamang ang Diyos na ating pinananampalatayaan. Ikaw at ako ay nilikha Niya dahil sa pag-ibig Niya sa ating lahat. Ito rin ang pagkakaunawa ni Baden-Powell nung sinabi niya na "I feel sure of myself that God is... a vast Spirit of Love that overlooks the minor differences of form and creed and denomination and which blesses every man who really 'tries to do his best,' according to his lights, in his service."[6]

Nung nilikha tayo ng Diyos, tayo ay binigyan niya ng “free-will.” Ang “free-will” ay yung kalayaan natin na piliin kung mamamahalin ba natin or hindi ang Diyos na mapagmahal na lumikha sa atin. Kaya lang may iba na ginamit ang kanilang “free-will” upang hindi ibigin ang Diyos bagkus ang inibig lamang nila ay ang kanilang sarili (selfishness). Ito ang sumasagot sa tanong na “Kung ang Diyos na lumikha sa atin ay ang Diyos ng kabutihan, bakit may kasamaaan?” Tandaan natin, ang konsepto ng kasamaan ay wala sa pag-iisip ng Diyos dahil pawang kabutihan lamang ang Kanyang nilikha. Nagkaroon lamang ng konsepto ng kasamaan nuong simula ng hindi tayo gumawa ng kabutihan. Sumakatuwid, ang absence ng kabutihan ay ang presence ng kasamaan (evil)--iyon ay dahil sa tayo ay umaalis sa piling at pagkalinga ng Diyos para isakatuparan ang ating makasariling kagustuhan. Kapag tayo ay lumalayo sa kabutihan, tayo ay napapadpad sa isang katayuan (state) na walang nag-e-exist na kabutihan na ang tawag ay kasamaan. Kung ganon, Diyos ba ang lumikha ng kasamaan? Hindi, kasi tayo ang pumili, dahil sa ating ‘free-will’ sa kasamaan; at, sa kabilang dako, nananatili naman ang kasamaan hanggang sa ating kasalukuyan dahil wala tayong ginagawa upang ituwid ang mga kamaliang ating nagawa. Sa ngayon ang pwede lamang nating gawin ay “do good, avoid evil” dahil sa iba’t-ibang elemento ng kasamaan, nakikita at hindi, ang patuloy na tumutukso sa atin upang magkasala.

Hindi tayo gumagawa ng kabutihan kapag nagkikitbit-balikat lamang tayo kapag nakikita nating walang nagmamalasakit sa ating kapwa. Halimbawa, kapag nagbubulag-bulagan tayo kapag ang mga kabundukan natin ay kinakalbo na ng walang humpay kahit pa nagdudulot ito ng flashfloods at kamatayan para sa maraming nabibiktima. Kapag nagsasawalang bahala lamang tayo sa lahat ng anyo ng 'corruption' kahit nasasakripisyo na ang kaginhawahang dapat sana ay natatamasa ng lahat lalo pa ng mga kabataan ng ating bayan. Sana ma-realized natin na kapag lumalayo tayo sa kabutihan o kapag hindi tayo gumagawa ng kabutihan—tayo ay nagkakasala. Hindi natin kinakailangang maging isang bayani or isang santo para gumawa ng inaakala nating tama, ang kinakailangan lamang natin ay gawin ang alam nating nararapat dahil tayo ay mga Scouts.

Bilang isang guro, malimit ako ay natatanong ng aking mga estudyante, “Bakit nga ba itinatakwil ng ibang tao ang Diyos? Ang kalimitang sagot ko, case to case basis... yung iba, marahil, nasaktan sila at nabigo at sinisisi nila ang Diyos sa lahat ng mga naranasan nilang pait sa kanilang buhay. Yung iba naman, na-dismaya dahil sa kawalang katarungan sa lipunan at maging sa simbahang kinabibilangan nila. Yung iba naman dahil sa pagiging makasarili, mas gusto nilang walang Diyos para mawalan ng pag-asa ang iba--madali kasing sumuko ang mga tao at gawing alipin ng isang ideolohiya kapag wala na silang makakapitan sa buhay. Iyong iba naman ay pride, gusto nilang walang Diyos para wala nang babagabag sa kanilang konsensya upang “maisasakatuparan ang kanilang kasamaan lalo na kapag walang nakakakita sa kanila.”[7] Yung iba naman ay nabubulagan na sumamba kay Satanas na nagpapanggap na diyus-diyosan. Si Satanas na kilala rin sa tawag na Lucifer ay nilikha lamang ng Diyos kaya hindi siya totoong diyos kundi isang impostor dahil ang totoong Diyos na ating sinasamba ay ang lumikha ng lahat kasama dun sina Satanas at ang iba pang fallen-angels na katulad niya nagrebelde sa Diyos. Sabi nga ni Edmund Burke, “All it takes for evil to prevail is for good men to do nothing.”[8] Bilang mga Scouts, tayo ay mga Reverent, sana sa pamamagitan natin ay makilala ng ating kapwa-tao ang Diyos na mapagmahal at mapagpatawad. Sana sa pamamagitan natin ay maiparating natin sa kanila na araw-araw tayong iniimbitahan ng Diyos na magbalik-loob sa kanya… na tayo ay kinakailangang magpakumbaba upang mapatawad at muli Niyang tanggaping muli. Para kay Baden-Powell, “Upang tayo ay maging masaya sa buhay, kinakailangan natin ng isang relihiyon.”[9]  Kumbaga sa ating kasalukuyang panahon, halimbawa, upang malinang ang ating kakayahan sa pagba-basketball, kinakailangan nating mapabilang sa isang isang koponan or team  na magaling sa basketball. Ganun din sa pananampalataya, kailangan din natin mapabilang sa isang relihiyon upang kasama nila bilang isang sambayanang nananamplataya sa Diyos ay maka-encounter natin ang Diyos ng mas malapitan at puso sa puso. Ito ay isang relihiyong kumikilala sa Diyos at sumusunod sa Kanyang dakilang utos: ang mahalin ang Diyos at ang mahalin ang ating kapwa-tao. Nararapat lamang na kilalanin natin ang ating Diyos. Kapag kinikilala natin ang Diyos, alam natin na hindi man natin makamit ang hustisya dito sa lupa ay may Diyos naman na makatarungan na huhusga sa ating lahat sa kabilang buhay. Pero, sa halip na katakutan ang Diyos, mas mabuting ituring natin Siya bilang isang kaibigan upang mas lalo pa natin Siyang maintindihan: magbukas tayo ng Banal na Kasulatan (Bible) ng madalas, magsimba kung saan man ang iyong pinaniniwalaan, magbahaginan tayo ng experience tungkol sa Diyos at kung paano Siya gumagalaw sa ating buhay-buhay. Malimit, sa pagkakaiba-iba ng ating pananampalataya at pagsamba sa Diyos, nababanaag natin ang iba’t-ibang mukha ng Diyos at naa-appreciate natin ang napakayamang ritwal ng pagsamba sa kanya kung saan masasabi nating buhay talaga ang Diyos sa ating lahat.

Bilang mga Scouts, mahalaga na matuto tayong mag-appreciate sa lahat ng mga biyaya sa atin ng Diyos. Sa pamamagitan ng kagandahan at biyayang idinudulot sa atin ng yaman ng kalikasan (nature), nakikita at nadarama natin ang walang hanggang pag-aaruga sa atin ng Diyos. Nararapat lamang na suklian natin ang pagmamahal sa atin ng Diyos-- hindi lamang sa pamamagitan ng pangangalaga sa 'ecology' at pagmamahal sa mga alaga nating hayop... kundi, lalo na, sa sa pamamagitan ng pagmamahal natin sa ating kapwa. Hindi natin masasabing ganap ang pagmamahal natin sa Diyos kapag hindi tayo nagmamahal sa ating kapwa. Ang ating kapwa ang “reflection” o tigapag-paalala na tayo ay nilikha na ka-mukha ng Diyos. Kapag nakikita mo ang mukha ng iyong kapwa, masasalamin mo sa kanya ang kadakilaan at pag-ibig ng Diyos. Ang nagniningas na pagmamahal sa ating puso ay ang pag-ibig na nagmumula rin sa pag-ibig ng Diyos. Sana dumating ang panahon na hindi lamang tayo ka-mukha ng Diyos; kundi, sana ay maging ka-puso Nya rin tayo. Ka-puso ‘in the sense’ na kaya nating mahalin at paglingkuran kahit na ang hindi kaibig-ibig  para sa atin. Kung baga, kung isa kang manlalaro na pipili ng iyong ka-grupo, “Be a player in God’s team”[10] kung saan, bilang member, ang nag-i-inspire sa iyo para lumaban ay ang mukha at ang puso ng Diyos. Ang laban ng buhay na sinasabi natin ay ang nagcha-challenge sa atin na laging magmahal at laging magpatawad. Nawa’y dumating sana ang panahon na buong puso nating paglingkuran ang ating kapwa kahit pa masasabi nating challenging ang maglingkod dahil “Service is giving up your own pleasure or convenience to lean a hand to other who needs it.”[11]  Kung tayo ay isang mabuting nilikha ng Diyos, susundin natin ang kanyang mga dakilang kautusan: “mamahalin natin ang Diyos at mahalin din natin ang ating kapwa.”[12] Ito ang magsisilbing ‘guiding moral compass’ ng ating mabuting pagkatao. Kalakip ng pagmamahal na ito ay ang paghingi ng tawad at pagpapatawad. Malimit, nangingibabaw ang pride, galit at inggit kung kaya "We forgot that we are all sons [and daughters] of the same [God, the] Father”[13] kung kaya nagkakaroon ng hadlang sa ating damdamin upang tayo ang unang humingi ng tawad at magpatawad. Malimit ko ngang nababanggit, kung gusto talaga natin ng pagbabago: tayo na ang maunang magpatawad at tayo na rin ang unang magmahal. Kailangan nating magsacrifice katulad ni Jesus Christ na nagpaunawa sa atin na ‘God is love.[14]’  Ang love na ito ay isang ‘merciful at compassionate love’ at kumikilala ng ‘justice.’ Tandaan natin: “Christ['s] death and resurrection were a call to us to die to our sins and to rise again to a new life—here in this world and now.”[15] Katulad ni Hesu-Kristo, ang ating pagbibigay ng ating sarili para sa ating kapwa-tao dahil sa pagmamahal na may habag at awa ang susi para sa isang pagbabago.

Ang bawat araw ay isang bagong pagkakataon upang magbago. Sa kabila mga kabi-kabilang mga krimen at patayan na bumubulaga sa atin sa bawat araw na ipinagkakaloob sa atin ng Diyos, sana ay hindi tayo mawalan ng pag-asa. Patuloy sana tayong manalig na ang Diyos ay patuloy na gumagawa ng himala sa kabila ng mga kalunos-lunos na mga pangyayaring ito. Na ang Diyos ay patuloy na bumabago ng mga puso at isipan upang maghari ang kabutihan. Katulad ni Baden-Powell, nananalig ako at naniniwala na ginagamit ng Diyos ang Scouting upang lumaganap ang kabutihan hindi lamang sa ating payak na lipunan kundi maging sa buong mundo. Manalig tayo na God is inspiring us, “We are all striving to do His will, though it may be in different ways."[16] Bilang mga tao, patuloy tayong magdasal sa Diyos. Kausapin natin Siya upang mabatid natin kung ano ba talaga ang plano Niya (God's will) sa ating buhay. Pakinggan natin Siya dahil “nagsasalita sa atin ang Diyos sa pamamagitan ng ating konsensya.”[17] Kapag sumasaatin ang Diyos, nasa atin na ang kaganapan ng buhay. Ang pagtitiwala sa Diyos ang nagbubunga ng kapayapaan hindi lamang sa kaisipan kundi maging sa ating buhay. Kapag payapa tayo, tayo ay nagsisimula nang makuntento kung ano ang mayroon tayo sa ating buhay. Kapag tayo ay nakuntento sa ating buhay ay tsaka pa lamang tayo nakapagsisimulang makapagbahagi sa iba. Sabi nga ng isang cliché, “Contentment is not the fulfillment of what you want, but the realization of how much you already have." Sa buhay natin, marami tayong ‘blessings’ na natatanggap; at sana, isang araw, ay maging ‘blessing’ din tayo para sa iba. Kapag lahat tayo ay natutong magbahagi sa bawat isa, naa-achieve natin ang hinahangad din na kapayapaan ni Baden-Powell, yung maka-langit na kapayapaan na bumaba dito sa lupa (Kingdom of God).[18]


Sana sa sharing kong ito ay nagkaroon ng kabuluhan ang pagkakakilala natin sa ating Diyos: Siya ay ang buhay na Diyos na Diyos ng kabutihan. Siya ang Diyos na lumikha sa ating lahat at sa buong sangkalawakan. Sa pamamagitan ng kanyang mga nilikha at biyayang ibinibigay Niya sa atin, ipinapakilala ng Diyos na Siya ay mabuti at mapagmahal. Bilang isang kapwa-tao, naipapamalas natin ang pagmamahal natin sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod natin sa ating kapwa.



>Sources:


[1] Cf. Boy Scouts of the Philippines, ROVER SCOUTING CEREMONIES (Manila: Boy Scouts of the Philippines, 2004), p. 20.
[2] Lord Baden-Powell of Gilwell, “IRRELIGION,” ROVERING TO SUCCESS (London: Herbert Jenkins Ltd., September, 1922), 176.
[3] Lord Baden-Powell of Gilwell, 176.
[4] Cf. ‘The old God died;’ Will Durant, “Friedrich Nietzsche,” THE STORY OF PHILOSOPHY (New York, USA: Pocket Books, 1953), p. 417.
[5] Stephen W. Hawking, ABRIEF HISTORY OF TIME: FROM BIG BANG TO BLACKHOLES (USA: Bantam Books, 1988), p. 129.
[6] Lord Baden-Powell of Gilwell, 195.
[7] Lord Baden-Powell of Gilwell, 195. [4] Cf. Boy Scout of the Philippines, “IRRELIGION,” ROVER SCOUTING CEREMONIES (Manila: Boy Scouts of the Philippines, 2004), 23.
[8] This quote from Edmund Burke appeared on the book: Jonathan Morrow, WELCOME TO COLLEGE (MI, USA: Kregel Publications, 2008), p. 309; According to this book, this quote is traditionally attributed to Edmund Burke, an 18th century British statesman, though no source with this exact wording has ever been located.
[9] Lord Baden-Powell of Gilwell, 177.
[10] Lord Baden-Powell of Gilwell, 199.
[11] Lord Baden-Powell of Gilwell, 176
[12] Cf. Matthew 22:36-40.
[13] Lord Baden-Powell of Gilwell, 176.
[14] Lord Baden-Powell of Gilwell, 176.
[15] Lord Baden-Powell of Gilwell, 198.
[16] Lord Baden-Powell of Gilwell, 195.
[17] Lord Baden-Powell of Gilwell, 195.
[18] Rover Scouting is for “the promotion of God's Kingdom of Peace on Earth and Goodwill among men." Lord Baden-Powell. From: Baden-Powell of Gilwell, ROVERING TO SUCCESS (London: Herbert Jenkins, 1922), Foreword.
=======

#denmarr1978 #roverscouting #irreligion #antipolobspcouncil #scoutingwithaheart

Monday, August 31, 2015

Love


Love is our identity.
Love is who we are. den mar

OFW


OFW
marami sa mga OFW ay nangibang-bansa hindi dahil sa gusto lang nila kundi dahil nakikipagsapalaran sila para mabigyan ng higit na mas magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. kung may magandang trabaho dito sa ating bansa na may magandang pasuweldo, bakit pa nga ba naman sila lalabas para mangibang bayan?
oo, nangangarap sila pero hindi lang para sa kanila ang ambisyon na iyon kundi para na rin sa pamilya nila na kanilang iniiwan. nasasaktan sila kapag binabalewala sila kasi hindi naman sila pumunta sa ibang bansa para magbakasyon or mag-tour around the world kundi upang magtrabaho ng patas at kumita ng sapat na pera para makapag-padala sa kanilang umaasa na pamilya.
ang sabi sa akin ng tatay ko noong nabubuhay pa siya, "anak, mag-aral ka ng mabuti habang may pagkakataon ka... para hindi mo na ako gayahin na kailangan pang mag-paalipin sa ibang lahi at magtiis sa pagbibilad sa napaka-tinding sikat ng araw para lamang kumita ng pera para sa pamilya."
sa murang edad ko, doon ko nalaman na ang mga OFW ay hindi pala mga alkansya na anytime pwedeng hingian ng pera kasi naka-budget na pala iyon. kapag umuwi sila, nasasaktan sila kapag ang nagiging tingin sa kanila ay mga bangko na unlimited ang pondo dahil unang-una, mga tao sila na umuwi sa Pilipinas hindi para gumastos lamang kundi upang makasama ang kanilang mga pamilya kahit sa konting panahon lamang at makapagbakasyon para makapagpahinga mula sa mga nakakapagod nilang hanapbuhay.
swerte na lang kung may naipon sila na pampa-package ng balikbayan box, kung nakapagtabi ng konting pampagawa ng bahay, kapag may budget pa para pangkain sa labas, at panglibre sa mga kaibigan... pero ang lahat ng ito para mangyari ay kailangan ng pagtitiis sa maraming pagod sa overtime at maraming beses na pagtitipid kahit na minsan ay abutin pa sila ng gutom.
kapag araw ng remittance ng suweldo, marami sa mga OFW ay malimit hindi na inaalintana ang maubusan ng pera makapagpadala lang sa kanilang pamilya. hindi rin sila nawawalan ng pag-asa dahil andun sa kanilang lumang pitaka ang tanging pinaka-iingat-ingatang larawan ng kanilang pamilya.
ang malungkot na bahagi, hindi lahat ng OFW ay sinusuwerte sa kani-kanilang mga amo. marami rin sa kanila ang nabibigo. marami ang tumatakas dahil mayroong mga sinasaktan. meron ding nagtatago or nati-TNT, marami din ang nadi-deport, marami rin sa kanila ang nakukulong. marami sa kanila ang nagkakasakit. marami rin sa kanila ang naaaksidente... ang iba ay nababaldado at mayroon ding mga namamatay.
kahit na ganito ang sitwasyon, kapag tinanong mo sila "kung babalik pa ba sila?" ang laging sagot nila ay "oo" kasi wala pa namang ibang option or job opportunities dito sa pilipinas.
kaya tayo na nakakapagtrabaho dito sa pilipinas, maging masaya sana tayo para sa kanila kasi marami sa kanila ang nangangarap na dito rin sa pilipinas makapagtrabaho dahil gusto nilang makasama ang kanilang pamilya kaya lang hindi sapat ang kita.
tayong mga anak ng mga OFW, magmalasakit din tayo sa lahat ng mga pinaghirapan ng ating mga magulang... mag-aral ng mabuti para kapag dumating ang panahon, tayo naman ang mag-aalaga sa kanila.
ako, sampu ng aking mga kapatid, buong pagpapakumbaba kong inaamin na iginapang ako ng tatay ko na mapatapos ng pag-aaral upang malaya akong makapili ng aking kinabukasan. akala ko nga e matatawag na akong makabayan dahil mas pinili kong makapagtrabaho dito mismo sa pilipinas pero hindi pala. sa likod ng aking isipan, alam ko na ayoko palang mahirapan katulad ng tatay ko... hindi ko pala kayang magtiis katulad ng tatay ko... hindi ko pala kayang magmahal ng sobra-sobra kagaya ng tatay ko na dangang tiisin nya ang matinding kalungkutan ng pag-iisa at masidhing pangungulila para lamang sa kanyang pamilya.
ang tatay ko ay isa lamang na buhay na mukha para sa akin na sumasalamin sa milyun-milyong OFW na nakikibaka sa ibang bansa. marami silang kwento, hindi iyon kayabangan kundi iyon ay totoong buhay at totoong pakikipagsapalaran. malimit napapaiyak sila, at least, kapag nakinig tayo sa mga kwento nila ay napapagaan din natin ang kanilang mga kalooban. kapag nahawakan mo ang kanilang kamay at nahahagod ang kanilang sumasakit na likod at balikat, nababatid nila na ikaw rin ay nagmamalasakit para sa kanila.
ngayon ko lang masasabi... ang hirap pala maging OFW... kinakailangan pala na may puso ka na mapagbigay. kinakalingan din pala ay may puso ka na marunong ding magtiis... at minsan ay kailangan ding may puso ka na marunong ding lumaban para sa iyong mga minamahal sa buhay...
ang bawat pilipino saan mang panig ng mundo ay palagi niyang napapasaya ang saan mang sulok ng daigdig kung nasaan man siya. kasi ang pilipino ay likas na masayahin... likas na mapagkumbaba... likas na malikhain... at likas din sa kanya ang dedikasyon at kasipagan.
ang bawat OFW ay may lakas ng loob. ang bawat OFW ay may tibay ng pananampalataya sa Diyos... ang bawat OFW ay bayani ng kani-kanilang mga pamilya na umaasa at umiidolo sa kanila... at dahil diyan ay sumasaludo po ako sa inyo.
pagpalain nawa kayo ng Panginoon!

The Pain of God Shared Unto Us


I asked my professor, "is it right to say that God is 'just' to those who are asking me even I myself is not experiencing it? Further I asked, "am I not making a lie?"
He told me, "maybe that is the experience of God Himself, when he was persecuted and crucified. That is the same experience of many saints who are giving love but not receiving anymore love like St. Therese of Calcutta. She herself experienced the experience of God who is not loved by us."
I realized that when we embrace God, He will also let us to embrace and to experience the wounds that is hurting Him.
Jesus Christ is inviting us to love truly... to become a real person to others who will embrace not only the beauty but also the misery of the others.
den mar

On Relationship

when we have a distorted understanding God, we also have a distorted understanding of our self and a distorted understanding of what relationship is.
when we are not at peace with God... we are also not at peace within our self; and not at peace with the others. den mar

On Being Hurt


There is nothing wrong in accepting that you are hurt whenever you are in pain... for it is a time for you to cry for the moment, to rest for a while, and to think over on what has transpired.
Healing happens in silence. God works wonders even when we are asleep. den mar