Wednesday, June 6, 2012

Kahulugan





may mga bagay na wala naman talaga sigurong kahulugan
ang pwede na lang sigurong gawin e hayaan silang maging ganyan
kung tayo man ang gumagawa ng kahulugan sa mga bagay-bagay
sana ang ibig sabihin nito ay kalayaan upang magmahal

===

Matapos ang matagal na repleksyon ko
Napagtanto ko
Maaaring nasabi ko lamang ito
Dahil may mga bagay
Na sadya talagang
Hindi ko nasumpungan
Ang kanilang kahalagahan
Dahil hindi ko nagawang
Bigyang kahulugan
Mula sa paghahalaw ko
Sa aking sariling buhay

Subalit hindi ko pala
Dapat itong tuldukan
O supilin ang iba
Upang masumpungan ang kahulugan
Nang mga bagay-bagay
Sa bawat tao
Sa bawat buhay

Ang mga bagay-bagay pala
Ay may kahulugan
Sa mga taong nasaling nito
Mula sa puso
Na tumagos sa bawat kaluluwa

===

August12, 2012 reflection:

Kung minsan kasi
Kapag tayo ay nagsasalita
We are 'speaking in tongues'
Para tayong nag-uusap sa magkaibang planeta
Kung kaya hindi tayo magkaintindihan

Kasi magkakaiba ang nasasa puso natin
Magkakaiba ang ating intensyon
Magkakaiba ang ating mga pinanggagalingan
Kung kaya iba-iba rin ang pinaghuhugutan ng ating kaluluwa

Hangga't ang totoong pag-ibig ang magbigkis sa atin
Saka pa lamang tayo magkakaunawaan
Kung saan ang sinasabi ng Diyos sa ating mga puso
Ang siyang magiging pamantayan
Nang ating pag-ibig sa ating kapwa tao

Mahirap magmahal
Kapag ang una nating minamahal
Ay pawang
Ang ating mga sarili lamang

Dahil upang ibigin ang ating kapwa
Kinakailangang lumabas tayo
Mula sa ating hangganan sa buhay (borders; comfort zone)
Na idinidikta ng ating sarili
Na idinidikta ng ating gusto
Na idinidikta ng ating
Mapamili at mapamintas
Na pag-unawa sa buhay





Br. Dennis DC. Marquez, sSSS