Friday, December 9, 2016

On Irreligion

On Irreligion
By Br. Dennis DC. Marquez, DS
........Introduction:
“When Lord Baden-Powell, introduced the Rover program, he likened the journey of a young man into life as similar to travelling a rugged stream by a canoe. As he paddles his canoe, he encounters five challenging rocks along the way. One of these rocks is irreligion or not believing in God (atheism) which a Rover Scout should overcome.”[1]
……..
Sa panahon natin ngayon, ang lagi nating itinatanong, “Kung may Diyos, bakit hinahayaan Niya ang lahat ng uri ng kasamaan sa mundo? Anong klase Siyang Diyos, bakit Niya tayo pinababayaan?”

Actually, sa ayaw man sa gusto natin, nararapat lamang nating tanggapin na ang Diyos na walang pinamulan at walang hangganan ay laging umiiral o nariyan at kailanman ay hindi siya tumigil upang tayo ay ibigin. Siya ang Lumikha sa lahat ng bagay at sa ating lahat. 
Marahil, ang mas tamang tanong “Bakit ba natin naiisip na walang Diyos?” 

Alam mo kaibigan, kahit na kabi-kabila ang karahasan at kamatayan na ating nababalitaan at nasasaksihan araw-araw, sa ayaw man natin o gusto, hindi natin maitatanggi na may Diyos na lumikha sa ating lahat. Kahit si Lord-Baden Powell ay naniniwala na may Diyos, sabi nya, “God the creator is recognized by most denomination of religion, but their differences arise over the actual character of the connection of the Creator with the human soul.”[2] Ngayong nababatid na natin na ang Diyos ay laging nariyan at ang Diyos ay hindi tumitigil upang tayo ay ibigin; marahil, ang mas mainam palang itanong ay kung nasaan ang ating sarili sa presensya ng Diyos: “'Gaano nga ba tayo ka-connect sa ating Diyos na manlilikha'? at 'Gaano nga ba natin Siya kakilala'?”

Sa isang kwento ni Baden-Powell sa kanyang librong ‘Rovering to Success’ sabi nya, “May nakilala ako (sa paglalahad ni Lord Baden Powell) na isang lalaki na nung kabataan niya ay hindi nabigyan ng pagkakataong makarinig ng mga aral tungkol sa Diyos… pero habang lumalaki siya, na-realized niya na may Diyos sapagkat kamangha-mangha, para sa kanya, ang kagandahan ng lahat ng nilikha ng Diyos.”[3] Katulad ng lalaki sa kwento, sana lalo nating makilala ang Diyos sa pamamagitan ng mga ipinagkaloob Niya sa atin—ang nagtataasang kabundukan na ating inaakyat kapag tayo ay nagha-hiking, ang magandang buwan at nag-gagandahang tala sa gabi na nagsisilbing liwanag natin kapag tayo ay nagka-camping at ang bawat ngiti ng mga kaibigan natin na ating nakikilala sa bawat Scouting activities na sinasalihan natin.

Para sa ilang Pilosopo na hindi naniniwala sa Diyos na tinatawag nating mga atheist: ang pagkakalikha ng sandaigdigan para sa kanila ay isang aksidente lamang kaya ang buhay natin ay isang aksidente rin lang. Katulad na lang ni Friedrich Nitzsche, para sa kanya, “God is dead.”[4] Para naman kay Karl Marx ang relihiyon ay isa lamang “opium for the masses.” Para kay Charles Darwin na isang Natural Scientist at kilala bilang Father of Evolution, “survival of the fittest” ang dahilan ng ating existence: kung mahina ka at hindi mo kaya makipaglaban, 'you are destined to be extinct.' Para sa kanilang mga atheist, walang dapat asahan ang tao kundi ang sarili lamang niya. 
Para kay Stephen W. Hawking, isang sikat na scientist, “Science seems to have uncovered a set of laws that tell us how the universe will develop with time. These laws may have been originally been decreed by God, but it appears that he [God] has since left the universe to evolve according to them and does not now intervene with it.”[5] Sa madaling salita, ipinapahiwatig ni Hawking na wala ng Diyos na gumagabay sa atin: nilikha lamang Niya ang lahat ng bagay at hinayaan na lamang Niya ang lahat matapos ang Kanyang paglikha… sa pahayag niya, malinaw na sinasabi niya na tayo maihahalintulad sa isang ulilang lubos na wala nang mga magulang na pumapatnubay. 


Sa kabilang dako, hindi rin naman lahat ng Scientists at Philosopher ay mga atheist o hindi naniniwala sa Diyos. May ilang Scientists na nagsasabi na sa pagkakalikha ng sangkalibutan, hindi maide-deny na organized ang lahat mula sa pinakamaliit na atom ng ating katawan hanggang sa most complicated structure ng buong universe. May mga nagsasabi sa kanila na hindi maipagkakaila ang na may Diyos dahil mayroong napakagandang sanglibutan na kanyang nilikha... may "Intelligent Design" na nag-e-exist mula sa isang "Intelligent Creator" na para sa iba ay kinikilala nila sa taguring “The Great Architect.”

Ngunit para sa atin na naniniwala sa Diyos, bukod sa pagiging creator Niya, hindi Niya tayo iniwan kahit kailan man at hanggang ngayon ay ginagabayan pa rin Niya tayo. Mula sa experience na ito, masasabi natin na mabuti at ‘generous’ ang Diyos na ating pinaniniwalaan. Lahat tayo ay nilikha ng Diyos. Iba-iba man ang pagkakakilala natin sa Kanya, iba-iba man ang pangalang itinatawag natin sa Kanya... iisa lamang ang Diyos na ating pinananampalatayaan. Ikaw at ako ay nilikha Niya dahil sa pag-ibig Niya sa ating lahat. Ito rin ang pagkakaunawa ni Baden-Powell nung sinabi niya na "I feel sure of myself that God is... a vast Spirit of Love that overlooks the minor differences of form and creed and denomination and which blesses every man who really 'tries to do his best,' according to his lights, in his service."[6]

Nung nilikha tayo ng Diyos, tayo ay binigyan niya ng “free-will.” Ang “free-will” ay yung kalayaan natin na piliin kung mamamahalin ba natin or hindi ang Diyos na mapagmahal na lumikha sa atin. Kaya lang may iba na ginamit ang kanilang “free-will” upang hindi ibigin ang Diyos bagkus ang inibig lamang nila ay ang kanilang sarili (selfishness). Ito ang sumasagot sa tanong na “Kung ang Diyos na lumikha sa atin ay ang Diyos ng kabutihan, bakit may kasamaaan?” Tandaan natin, ang konsepto ng kasamaan ay wala sa pag-iisip ng Diyos dahil pawang kabutihan lamang ang Kanyang nilikha. Nagkaroon lamang ng konsepto ng kasamaan nuong simula ng hindi tayo gumawa ng kabutihan. Sumakatuwid, ang absence ng kabutihan ay ang presence ng kasamaan (evil)--iyon ay dahil sa tayo ay umaalis sa piling at pagkalinga ng Diyos para isakatuparan ang ating makasariling kagustuhan. Kapag tayo ay lumalayo sa kabutihan, tayo ay napapadpad sa isang katayuan (state) na walang nag-e-exist na kabutihan na ang tawag ay kasamaan. Kung ganon, Diyos ba ang lumikha ng kasamaan? Hindi, kasi tayo ang pumili, dahil sa ating ‘free-will’ sa kasamaan; at, sa kabilang dako, nananatili naman ang kasamaan hanggang sa ating kasalukuyan dahil wala tayong ginagawa upang ituwid ang mga kamaliang ating nagawa. Sa ngayon ang pwede lamang nating gawin ay “do good, avoid evil” dahil sa iba’t-ibang elemento ng kasamaan, nakikita at hindi, ang patuloy na tumutukso sa atin upang magkasala.

Hindi tayo gumagawa ng kabutihan kapag nagkikitbit-balikat lamang tayo kapag nakikita nating walang nagmamalasakit sa ating kapwa. Halimbawa, kapag nagbubulag-bulagan tayo kapag ang mga kabundukan natin ay kinakalbo na ng walang humpay kahit pa nagdudulot ito ng flashfloods at kamatayan para sa maraming nabibiktima. Kapag nagsasawalang bahala lamang tayo sa lahat ng anyo ng 'corruption' kahit nasasakripisyo na ang kaginhawahang dapat sana ay natatamasa ng lahat lalo pa ng mga kabataan ng ating bayan. Sana ma-realized natin na kapag lumalayo tayo sa kabutihan o kapag hindi tayo gumagawa ng kabutihan—tayo ay nagkakasala. Hindi natin kinakailangang maging isang bayani or isang santo para gumawa ng inaakala nating tama, ang kinakailangan lamang natin ay gawin ang alam nating nararapat dahil tayo ay mga Scouts.

Bilang isang guro, malimit ako ay natatanong ng aking mga estudyante, “Bakit nga ba itinatakwil ng ibang tao ang Diyos? Ang kalimitang sagot ko, case to case basis... yung iba, marahil, nasaktan sila at nabigo at sinisisi nila ang Diyos sa lahat ng mga naranasan nilang pait sa kanilang buhay. Yung iba naman, na-dismaya dahil sa kawalang katarungan sa lipunan at maging sa simbahang kinabibilangan nila. Yung iba naman dahil sa pagiging makasarili, mas gusto nilang walang Diyos para mawalan ng pag-asa ang iba--madali kasing sumuko ang mga tao at gawing alipin ng isang ideolohiya kapag wala na silang makakapitan sa buhay. Iyong iba naman ay pride, gusto nilang walang Diyos para wala nang babagabag sa kanilang konsensya upang “maisasakatuparan ang kanilang kasamaan lalo na kapag walang nakakakita sa kanila.”[7] Yung iba naman ay nabubulagan na sumamba kay Satanas na nagpapanggap na diyus-diyosan. Si Satanas na kilala rin sa tawag na Lucifer ay nilikha lamang ng Diyos kaya hindi siya totoong diyos kundi isang impostor dahil ang totoong Diyos na ating sinasamba ay ang lumikha ng lahat kasama dun sina Satanas at ang iba pang fallen-angels na katulad niya nagrebelde sa Diyos. Sabi nga ni Edmund Burke, “All it takes for evil to prevail is for good men to do nothing.”[8] Bilang mga Scouts, tayo ay mga Reverent, sana sa pamamagitan natin ay makilala ng ating kapwa-tao ang Diyos na mapagmahal at mapagpatawad. Sana sa pamamagitan natin ay maiparating natin sa kanila na araw-araw tayong iniimbitahan ng Diyos na magbalik-loob sa kanya… na tayo ay kinakailangang magpakumbaba upang mapatawad at muli Niyang tanggaping muli. Para kay Baden-Powell, “Upang tayo ay maging masaya sa buhay, kinakailangan natin ng isang relihiyon.”[9]  Kumbaga sa ating kasalukuyang panahon, halimbawa, upang malinang ang ating kakayahan sa pagba-basketball, kinakailangan nating mapabilang sa isang isang koponan or team  na magaling sa basketball. Ganun din sa pananampalataya, kailangan din natin mapabilang sa isang relihiyon upang kasama nila bilang isang sambayanang nananamplataya sa Diyos ay maka-encounter natin ang Diyos ng mas malapitan at puso sa puso. Ito ay isang relihiyong kumikilala sa Diyos at sumusunod sa Kanyang dakilang utos: ang mahalin ang Diyos at ang mahalin ang ating kapwa-tao. Nararapat lamang na kilalanin natin ang ating Diyos. Kapag kinikilala natin ang Diyos, alam natin na hindi man natin makamit ang hustisya dito sa lupa ay may Diyos naman na makatarungan na huhusga sa ating lahat sa kabilang buhay. Pero, sa halip na katakutan ang Diyos, mas mabuting ituring natin Siya bilang isang kaibigan upang mas lalo pa natin Siyang maintindihan: magbukas tayo ng Banal na Kasulatan (Bible) ng madalas, magsimba kung saan man ang iyong pinaniniwalaan, magbahaginan tayo ng experience tungkol sa Diyos at kung paano Siya gumagalaw sa ating buhay-buhay. Malimit, sa pagkakaiba-iba ng ating pananampalataya at pagsamba sa Diyos, nababanaag natin ang iba’t-ibang mukha ng Diyos at naa-appreciate natin ang napakayamang ritwal ng pagsamba sa kanya kung saan masasabi nating buhay talaga ang Diyos sa ating lahat.

Bilang mga Scouts, mahalaga na matuto tayong mag-appreciate sa lahat ng mga biyaya sa atin ng Diyos. Sa pamamagitan ng kagandahan at biyayang idinudulot sa atin ng yaman ng kalikasan (nature), nakikita at nadarama natin ang walang hanggang pag-aaruga sa atin ng Diyos. Nararapat lamang na suklian natin ang pagmamahal sa atin ng Diyos-- hindi lamang sa pamamagitan ng pangangalaga sa 'ecology' at pagmamahal sa mga alaga nating hayop... kundi, lalo na, sa sa pamamagitan ng pagmamahal natin sa ating kapwa. Hindi natin masasabing ganap ang pagmamahal natin sa Diyos kapag hindi tayo nagmamahal sa ating kapwa. Ang ating kapwa ang “reflection” o tigapag-paalala na tayo ay nilikha na ka-mukha ng Diyos. Kapag nakikita mo ang mukha ng iyong kapwa, masasalamin mo sa kanya ang kadakilaan at pag-ibig ng Diyos. Ang nagniningas na pagmamahal sa ating puso ay ang pag-ibig na nagmumula rin sa pag-ibig ng Diyos. Sana dumating ang panahon na hindi lamang tayo ka-mukha ng Diyos; kundi, sana ay maging ka-puso Nya rin tayo. Ka-puso ‘in the sense’ na kaya nating mahalin at paglingkuran kahit na ang hindi kaibig-ibig  para sa atin. Kung baga, kung isa kang manlalaro na pipili ng iyong ka-grupo, “Be a player in God’s team”[10] kung saan, bilang member, ang nag-i-inspire sa iyo para lumaban ay ang mukha at ang puso ng Diyos. Ang laban ng buhay na sinasabi natin ay ang nagcha-challenge sa atin na laging magmahal at laging magpatawad. Nawa’y dumating sana ang panahon na buong puso nating paglingkuran ang ating kapwa kahit pa masasabi nating challenging ang maglingkod dahil “Service is giving up your own pleasure or convenience to lean a hand to other who needs it.”[11]  Kung tayo ay isang mabuting nilikha ng Diyos, susundin natin ang kanyang mga dakilang kautusan: “mamahalin natin ang Diyos at mahalin din natin ang ating kapwa.”[12] Ito ang magsisilbing ‘guiding moral compass’ ng ating mabuting pagkatao. Kalakip ng pagmamahal na ito ay ang paghingi ng tawad at pagpapatawad. Malimit, nangingibabaw ang pride, galit at inggit kung kaya "We forgot that we are all sons [and daughters] of the same [God, the] Father”[13] kung kaya nagkakaroon ng hadlang sa ating damdamin upang tayo ang unang humingi ng tawad at magpatawad. Malimit ko ngang nababanggit, kung gusto talaga natin ng pagbabago: tayo na ang maunang magpatawad at tayo na rin ang unang magmahal. Kailangan nating magsacrifice katulad ni Jesus Christ na nagpaunawa sa atin na ‘God is love.[14]’  Ang love na ito ay isang ‘merciful at compassionate love’ at kumikilala ng ‘justice.’ Tandaan natin: “Christ['s] death and resurrection were a call to us to die to our sins and to rise again to a new life—here in this world and now.”[15] Katulad ni Hesu-Kristo, ang ating pagbibigay ng ating sarili para sa ating kapwa-tao dahil sa pagmamahal na may habag at awa ang susi para sa isang pagbabago.

Ang bawat araw ay isang bagong pagkakataon upang magbago. Sa kabila mga kabi-kabilang mga krimen at patayan na bumubulaga sa atin sa bawat araw na ipinagkakaloob sa atin ng Diyos, sana ay hindi tayo mawalan ng pag-asa. Patuloy sana tayong manalig na ang Diyos ay patuloy na gumagawa ng himala sa kabila ng mga kalunos-lunos na mga pangyayaring ito. Na ang Diyos ay patuloy na bumabago ng mga puso at isipan upang maghari ang kabutihan. Katulad ni Baden-Powell, nananalig ako at naniniwala na ginagamit ng Diyos ang Scouting upang lumaganap ang kabutihan hindi lamang sa ating payak na lipunan kundi maging sa buong mundo. Manalig tayo na God is inspiring us, “We are all striving to do His will, though it may be in different ways."[16] Bilang mga tao, patuloy tayong magdasal sa Diyos. Kausapin natin Siya upang mabatid natin kung ano ba talaga ang plano Niya (God's will) sa ating buhay. Pakinggan natin Siya dahil “nagsasalita sa atin ang Diyos sa pamamagitan ng ating konsensya.”[17] Kapag sumasaatin ang Diyos, nasa atin na ang kaganapan ng buhay. Ang pagtitiwala sa Diyos ang nagbubunga ng kapayapaan hindi lamang sa kaisipan kundi maging sa ating buhay. Kapag payapa tayo, tayo ay nagsisimula nang makuntento kung ano ang mayroon tayo sa ating buhay. Kapag tayo ay nakuntento sa ating buhay ay tsaka pa lamang tayo nakapagsisimulang makapagbahagi sa iba. Sabi nga ng isang cliché, “Contentment is not the fulfillment of what you want, but the realization of how much you already have." Sa buhay natin, marami tayong ‘blessings’ na natatanggap; at sana, isang araw, ay maging ‘blessing’ din tayo para sa iba. Kapag lahat tayo ay natutong magbahagi sa bawat isa, naa-achieve natin ang hinahangad din na kapayapaan ni Baden-Powell, yung maka-langit na kapayapaan na bumaba dito sa lupa (Kingdom of God).[18]


Sana sa sharing kong ito ay nagkaroon ng kabuluhan ang pagkakakilala natin sa ating Diyos: Siya ay ang buhay na Diyos na Diyos ng kabutihan. Siya ang Diyos na lumikha sa ating lahat at sa buong sangkalawakan. Sa pamamagitan ng kanyang mga nilikha at biyayang ibinibigay Niya sa atin, ipinapakilala ng Diyos na Siya ay mabuti at mapagmahal. Bilang isang kapwa-tao, naipapamalas natin ang pagmamahal natin sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod natin sa ating kapwa.



>Sources:


[1] Cf. Boy Scouts of the Philippines, ROVER SCOUTING CEREMONIES (Manila: Boy Scouts of the Philippines, 2004), p. 20.
[2] Lord Baden-Powell of Gilwell, “IRRELIGION,” ROVERING TO SUCCESS (London: Herbert Jenkins Ltd., September, 1922), 176.
[3] Lord Baden-Powell of Gilwell, 176.
[4] Cf. ‘The old God died;’ Will Durant, “Friedrich Nietzsche,” THE STORY OF PHILOSOPHY (New York, USA: Pocket Books, 1953), p. 417.
[5] Stephen W. Hawking, ABRIEF HISTORY OF TIME: FROM BIG BANG TO BLACKHOLES (USA: Bantam Books, 1988), p. 129.
[6] Lord Baden-Powell of Gilwell, 195.
[7] Lord Baden-Powell of Gilwell, 195. [4] Cf. Boy Scout of the Philippines, “IRRELIGION,” ROVER SCOUTING CEREMONIES (Manila: Boy Scouts of the Philippines, 2004), 23.
[8] This quote from Edmund Burke appeared on the book: Jonathan Morrow, WELCOME TO COLLEGE (MI, USA: Kregel Publications, 2008), p. 309; According to this book, this quote is traditionally attributed to Edmund Burke, an 18th century British statesman, though no source with this exact wording has ever been located.
[9] Lord Baden-Powell of Gilwell, 177.
[10] Lord Baden-Powell of Gilwell, 199.
[11] Lord Baden-Powell of Gilwell, 176
[12] Cf. Matthew 22:36-40.
[13] Lord Baden-Powell of Gilwell, 176.
[14] Lord Baden-Powell of Gilwell, 176.
[15] Lord Baden-Powell of Gilwell, 198.
[16] Lord Baden-Powell of Gilwell, 195.
[17] Lord Baden-Powell of Gilwell, 195.
[18] Rover Scouting is for “the promotion of God's Kingdom of Peace on Earth and Goodwill among men." Lord Baden-Powell. From: Baden-Powell of Gilwell, ROVERING TO SUCCESS (London: Herbert Jenkins, 1922), Foreword.
=======

#denmarr1978 #roverscouting #irreligion #antipolobspcouncil #scoutingwithaheart