Thursday, November 24, 2022

Paradigm Shift Conceptual Framework

 


Friday, November 4, 2022

Scout Investiture: Pagtatalaga ng mga Batang Iskawt (Script)

Inihanda ni Scouter Dennis DC. Marquez, BSP Antipolo City Council 
(maaaring baguhin ng ayon sa inyong pangangailangan)
Reference: Dennis DC. Marquez, Scout Investiture: Pagtatalaga ng mga Batang Lalaking Iskawts, https://web.facebook.com/notes/684995449108668/.
======
[Maaaring magpatugtog ng mga Iskawt songs na may kumpas na pang-martsa bago magsimula ang palatuntunan upang magkaroon ng 'atmosphere' na pang-Iskawting]

Panimula:ang mga panauhing pandangal ay maaari nang paunahing umupo sa kanilang luklukan upang masaksihan nila ang pagpasok ng mga batang itatalaga.

GP (Guro ng Palatuntunan): Isang magandang umaga sa inyong lahat mga minamahal na panauhing pandangal, mga kapwa ko guro, mga minamahal naming mga magulang ng mga itatalagang batang Iskawt, at sa lahat ng aming mga kaibigang naririto. Ngayon ay ating masasaksihan ang pagtatalaga ng mga batang lalaking Iskawt.

Troop Leader (TL): Maghanda sa pagtatalaga/or Prepare for service.

Boy Scouts: (nasa di-kalayuang lugar, nakatikas pahinga or nakatayo) Laging Handa!

Ang Laging Handa ang hudyat upang bigyang hudyat ang Senior Patrol Leader na gabayang pumasok ang troop. maaaring ring humudyat ang troop leader ng pito (whistle) upang bigyan ng signal ang mga senior patrol leader at patrol leader na nasa unahan ng kanilang patrol na pumasok ng tahimik in single file. Mas mainam na wala muna silang patrol flag na hawak, sa halip ang mga patrol flag nila ay maaaring ilagay sa entablado at pagsama-samahin (naka-moratorium) upang makita ng lahat.  Kung ang watawat ng Pilipinas at iba pang kasamang watawat ay itatayo sa kaliwang bahagi ng entablado, ang mga patrol flag ay maaaring nasa kanan o sa lugar na hindi makakahadlang pero makikita ng lahat.
Mayroong labindalawang kandila na sisindihan para ipaliwanag ang batas ng iskawt, depende na lang sa magdi-disenyo ng entablado kung paano ito aayusin. Sapat sana ang laki ng mga kandila upang manatiling nakasindi sa buong palatuntunan at hindi magiging sanhi ng pagkasunog o pag-agaw ng atensyon.


1>Pagpasok ng Kulay at mga may gampanin sa panimulang programa. Arrangement: may mga gampanin sa programa according sa pagkakasunod-sunod; mga watawat at pinakahuli ang watawat ng Pilipinas. Kung ang mga may gampanin ay binubuo ng service crew, kasama na rin sila sa magma-martsa according sa pagkakasunod-sunod: prayer leader, kukumpas sa pag-awit ng Lupang Hinirang, etc.)

(maaaring magbigay ng hudyat, command, or magpatugtog ng drum roll sa 2/4 beat  marching beat; order ng pagma-martsa: mga may gampanin, watawat ng: Paaralan, Pilipinas, Troop Flag—maaring ilagay  na sa flag hoist sa simula pa lamang pero karaniwang isinasama sa pagpasok ng kulay).

GP: Magsitayo po ang lahat para sa pagpasok ng Kulay sa pamumuno ng ating mga piling mag-aaral/Boy Scout (patrol Maya)/ etc… na susundan ng  pananalangin sa pamumuno ni…. ng maringal na pag-awit ng pambansang awit ng Pilipinas sa pagkumpas ni… ng panatang makabayan at ng panunumpa ng katapatan sa watawat ng pilipinas sa pamumuno ng mga piling Iskawt.

Tig-dalawa ang ideal na mag-assist sa mga kulay kung ito ay itataas gamit ang flag pole. Ang isa ay tigahawak ng flag na nakatupi at ang isa naman ay ang magtatali ng watawat sa rope at pareho silang magkatuwang na magtatali ng flag sa flag hoist.).


(Silent drill commands: Patakda kad; pasulong kad; sumalunan na; pulutong to)

2>Panalangin  (Gumamit ng universal prayer na aangkop sa pananampalataya ng mga naroong Iskawt at
mga magulang. Kung ang mga bata ay naka-sombrero, maaaring hindi na ipatanggal at yumuko na lamang sila dahil maaaring ibilang ang sombrero sa kanilang uniporme. Maaaring nakasindi na ang mga kandilang malalaki na sumisimbolo sa Dyos, Bayan at Sarili)

Panalangin Ng Mga Iskawt
Br. Dennis DC. Marquez, DS, M.A. Theology-Pastoral Ministry

Ama naming Lumikha,
Muli na namang naririto Inyong harapan:
magkakasamang nagpupuri sa Iyong kadakilaan
na nasasalamin namin sa lahat ng Iyong mga nillikha

Itinataas namin ang aming mga sarili
bilang iyong mga mapagkumbabang tigapaglingkod

Isinasamo namin sa Iyo
na linisin mo ang aming mga puso
upang maging bukas kami sa pagtawag Mo
at upang maihatid ka namin ang Iyong dakilang pagmamahalsa pamamagitan ng aming paglilingkod sa aming kapwa 
Nagpapasalamat po kami sa lahat ng Iyong mga biyaya
ngayon pa lamang ay nag-uumapaw na po ang aming kaligayahan
dahil sa ibinigay mo sa aming pagkakataon upang kami'y magkasama-sama
sa iisang bubong ng Iskawting bilang magkakapatid sa Iyong harapan

Itinataas namin ang lahat ng aming mga alalahanin:
Ang aming mga mahal sa buhay na pansamantalang iiwan namin
Inihahahabilin namin sila sa iyong mga mapagpalang mga kamay 
lakip ang buo naming pagtitiwala na kaming lahat ay iyong papatnubayan

Pagpalain Mo po nawa kami aming Panginoon
na sa bawat araw, manatili ka nawa sa aming piling
turuan mo kaming makita Ka namin sa bawat isa
Dahil sa pag-ibig Mo lamang makakamtan namin ang tunay na kaligayahan.

Nawa'y mangyari po sa amin
ang kalooban Mo. Amen.


3>Pag-awit ng Lupang Hinirang
command: ilagay po natin ang ating kanang kamay sa ating kaliwang dibdib; or (command) kamay sa dibdib… (ibibigay ang motive ng kanta) Bayang magiliw… handa, awit….(mabilis na itataas ang watawat ng Pilipinas sa unang linya pa lamang ng pag-awit ng Lupang Hinirang sa hudyat ng tagakumpas,. Pagkatapos pa lamang ng pag-awit ay tsaka pa lamang itatali ng maayos sa hoist ang lubid ng flag.)

Lupang Hinirang (The Philippine National Anthem)
from: http://www.philippinecentral.com/anthem.html

Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso,
Sa dibdib mo'y buhay. 

Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y di magdidilim.

Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo.
Aming ligaya, na pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa iyo.

4>Panatang Makabayan (Optional)
command: scout sign... panatang makabayan...
haharap din sa watawat kasi iyon ang simbolo ng pilipinas; ang command ay pareho lang ng panunumpa sa watawat)

Panatang Makabayan (Revised)                         
from: http://www.philstar.com/bansa/139776/panatang-makabayan-binago-na 

Iniibig ko ang Pilipinas,
Aking lupang sinilangan,
Tahanan ng aking lahi,
Kinukupkop ako at tinutulungan 
Maging malakas, masipag at marangal. 
Dahil mahal ko ang Pilipinas, 
Diringgin ko ang payo
Ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan, 
Tutuparin ko ang tungkulin
Ng mamamayang makabayan: 
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal 
Ng buong katapatan
Iaalay ko ang aking buhay,
Pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas.


5>Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas
command: scout sign... Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas...

Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas
Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas(Official Version, Filipino)
from: http://philippineconstitution.blogspot.com/2008/12/pledge-of-allegiance-to-philippine-flag.html

Ako ay Pilipino
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na ipinakikilos ng sambayanang Maka-Diyos, makatao,Makakalikasan at Makabansa

or 

Pledge of Allegiance to the Philippine Flag(English Translation)

I am a Filipino
I pledge my allegiance
To the flag of the Philippines
And to the country it represents
With honor, justice and freedom
Put in motion by one nation
For God, humanity, Nature and Country.

(maaaring hindi muna banggitin ang Panunumpa ng Scout at Batas ng Scout dahil dito iikot ang buong programa)
(upang maipadama ang pagiging makabayan, maari ring ipaawit ang himno ng probinsiya, bayan at ng paaralan)
(Paglabas ng mga nagparticipate sa pagpasok ng mga kulay using silent drill commands.)

6>PANIMULANG PAGBATI (principal/head of school or institution)
GP: Maaari na pong magsi-upo na ang lahat. Sa sandal po ito, ay pakinggan po natin ang panimulang pagbati mula sa ating ina/ama ng ating paaralan na matiyagang gumagabay sa ating lahat bilang mga Iskawt at Iskawter ng paaaralang ito… pasalubungan natin ng masigabong palakpakan ang ating pinakamamahal na punong-guro na si…


7>PAGTATALAGA NG MGA BATANG LALAKING ISKAWT

GP:Ngayon na po ang ating pinakahihintay na sandali, ang pagtatalaga ng ating mga batang lalaking iskawt. Tinatawagan po natin ang Troop Leader ng ating paaralan si… upang pangunahan ang pagtatalaga sa mga batang lalaking iskawt.

Senior Patrol Leader: Sabayang tayo na!
Iskawts: (Pwedeng gumawa ng sagot na maikling yell) 

TL: Mga mahal na magulang nais po ba nating isali ang ating mga anak sa pandaigdigang samahan ng mga Iskawt? Kung nais po nating isali, sumagot po tayo ng  “Opo, nais po naming isali ang aming mga anak sa __________ [KID Scouting , KAB Scouting or BOY Scouting].”

Mga Magulang : Opo, Nais po naming isali ang aming anak 
sa______ [KID Scouting , KAB Scouting or BOY Scouting].
TL : Uulitin ko po ang aking katanunangan: nais po ba nating isali ang ating mga anak sa pandaigdigang samahan ng mga Iskawt? Kung nais po nating isali, sumagot po tayo ng  “Opo, nais po naming isali ang aming mga anak sa __________ [KID Scouting , KAB Scouting or BOY Scouting].”


Mga Magulang : Nais po naming isali ang aming anak sa KID Scouting,KAB Scouting at BOY scouting.
TL : (Sabihin sa mga Scouts) Nais ng magulang na kayong mga kabataang narito na sumali sa pandaigdigang samahan ng mga Iskawt. Kayo mga kabataang narito, gusto rin ba ninyong sumali sa pandaigdigang samahan ng mga Iskawt? Kung nais ninyo, sumagot kayo ng “Opo, nais po naming sumali.”
Mga Bata : Opo, nais po naming sumali.”
TL : Uulitin ko ang tanong upang higit na mapakinggan. Kayo mga kabataang narito, gusto ba ninyong sumali sa pandaigdigang samahan ng mga Iskawt? Kung nais ninyo, sumagot kayo ng “Opo, nais po naming sumali.”
Mga Bata : Opo, nais po naming sumali sa_______ [KID Scouting, KAB Scouting or BOY Scouting].
TL : Handa ba ang inyong katawan at isipan?
Mga Bata : Opo
(kung kaunti lang ang mga bata, maaaring lumapit sa unahan at magpakilala) 
  
TL : (Maaaring tumulong ang Councl chairman, Muscom officers, co-teachers etc.) Bilang mga Scout dapat ninyong malaman na tayo ay may tatlong pangunahing obligasyon bilang mga Scout. (ituturo ang tatlong kandilang nakasindi/ o sisindihan isa-isa kung hindi pa nakasindi) ang mga nakasinding kandilang ito ay sumisimbolo sa ating mga obligasyon. Ang kandilang nasa gitna ay ang kandilang kumakatawan sa pagpapahalaga natin sa Dyos. Kayo ba ay maka-Diyos?
Iskawt: OPO
TL: Ang kandilang nasa kanan ay ang kandilang sumisimbolo sa ating obligasyon sa ating bayan. Kayo ba ay nakahandang maglingkod sa ating bayan kahit sa maliit na paraan na kaya ninyo?
Iskawt: OPO
TL:Ang pinakahuling kandila ay kumakatawan sa inyong obligasyon sa inyong sarili. Kaya nyo bang pangalagaan ang inyong sarili?
Iskawt: OPO
TL : Ako’y natutuwa dahil kinikilala ninyo ang Diyos, dahil lagi kayong nakahandang maglingkod sa ating bayan at higit sa lahat dahil alam ninyong pangalagaan ang inyong sarili. Nais ko ring ipabatid sa inyo na bilang mga Iskawt, mayroon din kayong tutuparing batas. Ito ay ang labindalawang batas ng Iskawt. Hindi lamang ito basta-basta tutuparin lang kundi isasabuhay din ninyo ang mga ito araw-araw.  

(Maaaring pumili ng labindalawang Scouts na magbibigay ng maikling kahulugan bawat puntos na isinasaad ng Batas ng Iskawt. Sisindihan muna nila ang isa sa labindalawang kandila na naka-assign sa kanila bago nila ipaliwanag ang kahulugan ng bawat point ng batas ng Scout na naka-Scout Sign; Merong English at Filipino na version ng paliwanag ng Scout Law sa ibaba na maaaring pagpilian. Tandaan: Meron lamang tayong nag-i-isang Scout Law na binubuo ng ng 12 points!)

Iskawt: Ang Iskawt ay….  Ang Iskawt ay… dahil… (maikling paliwananag ng isa sa 12 puntos ng Scouts, hanggang makatapos lahat ang labindalawang mga Scouts)
*****
A.Ang Pagpapaliwanag ng Batas ng Iskawt:

Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN. Ang Scout ay nagsasabi ng katotohanan. Tinutupad niya ang kanyang mga pangako.

Ang Scout ay MATAPAT. Ang Scout ay tapat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga Scout Lider, paaralan, bansa, at sa taong bayan.

Ang Scout ay MATULUNGIN. Inaalala niya ang kanyang kapwa. Kusa siyang tumutulong at hindi naghihintay ng bayad o gantirnpala.

Ang Scout ay MAPAGKAIBIGAN. Ang Scout ay kaibigan ng lahat. Kapatid siya ng lahat ng Scout. Inuunawa niya ang iba. Iginagalang niya ang mga kaisipan at mga kaugaliang naiiba sa kanya.

Ang Scout ay MAGALANG. Ang Scout ay mapitagan sa lahat sino man siya. Alam niya na ang marunong makisama ay madaling pakibagayan.

Ang Scout ay MABAIT. Alam ng Scout na mabisa ang pagkamahinahon. Ginagawa niya sa iba ang gusto niyang gawin nila sa kanya. Hindi siya nananakit o pumapatay ng walang dahilan.

Ang Scout ay MASUNURIN. Sinusunod ng Scout ang mga tuntunin ng kanyangpamilya, paaralan, at pangkat. Tumatalima siya sa batas ng kanyang pamayanan at ng bansa. Kung taliwas ang tuntunin, sinisikap niya itong ayusin sa halip na labagin.

Ang Scout ay MASAYA. Ang Scout ay nakatanaw sa masayang bahagi ng buhay. Malugod niyang ginagampanan ang mga gawain niya. Sinisikap niyang mapaligaya ang iba.

Ang Scout ay MATIPID. Siya ay nabubuhay sa sariling sikap at marunong tumulong sa iba. Nag- iimpok siya para sa kinabukasan. Pinangangalagaan at pinoprotektahan niya ang mga likas na kayamanan.

Ang Scout ay MATAPANG Ang panganib ay hinaharap niya kahit takot pa siya. Sa tama siya naninindigan kahit siya ay pagtawanan at pagbantaan.

Ang Scout ay MALINIS. Ang Scout ay malinis sa kanyang katawan at isipan. Nakikisama siya sa taong ganito rin angpaniniwala. Pinanatili niyang malinis ang kanyang tahanan at kapaligiran.

Ang Scout ay MAKA-DIYOS. Ang Scout ay Mapitagan sa Diyos. Matapat siya sa kanyang pananampalataya. Iginagalang niya angpananampalataya ng iba.

*****


B.The Scout Law Explained:

A Scout is TRUSTWORTHY. A Scout tells the truth. He keeps his promises. Honesty is a part of his code of conduct. People can always depend on him.

A Scout is LOYAL. A Scout is true to his family, friends, Scout Leaders, school, nation, and the world community.

A Scout is HELPFUL. A Scout is concerned about other people. He willingly volunteers to help others without expecting payment or reward.

A Scout is FRIENDLY. A Scout is a friend to all. He is a brother to other Scouts. He seeks to understand others. He respects those with ideas and customs that are different from his own.

A Scout is COURTEOUS. A Scout is polite to everyone regardless of age or position. He knows that good manners make it easier for people to get along together.

A Scout is KIND. A Scout understands there is strength in being gentle. He treats others as he wants to be treated. He does not harm or kill anything without reason.

A Scout is OBEDIENT. A Scout follows the rules of his family, school and troop. He obeys the laws of his community and country. If he thinks these rules and laws are unfair, he tries to have them changed in an orderly manner rather than disobey them.

A Scout is CHEERFUL. A Scout looks for the bright side of life. He cheerfully does tasks that come his way. He tries to make others happy.

A Scout is THRIFTY. A Scout works to pay his way and to help others. He saves for the future. He protects and conserves natural resources. He carefully uses his time and property.

A Scout is BRAVE. A Scout can face danger even if he is afraid. He has the courage to stand for what he thinks is right even if others laugh at him or threaten him.

A Scout is CLEAN. A Scout keeps his body and mind fit and clean. He goes around with those who believe in living by these same ideals. He helps keep his home and community clean.

A Scout is REVERENT. A Scout is reverent toward God. He is faithful in his religious duties. He respects the beliefs of others.


*****


TL: Mga bata, narinig ninyo ang Batas ng Iskawt/Scout Law? Naunawaan ba ninyo ang kahulugan ng bawat isang puntos ng Batas ng Scout?
Iskawt: OPO
TL: Kung ganon nakahanda na ba kayong manumpa bilang mga Iskawt?
Iskawt: OPO
TL: Nakahanda na ba kayong maging tapat na sumunod sa Batas ng Iskawt/Scout Law?
Iskawt: OPO
TL: Kung ganon sabay–sabay ninyong bigkasin ang panunumpa at Batas ng Iskawt. Itaas ninyo ang ang inyong kanang kamay nang ayon sa panunumpa at batas ng Iskawt. Scout sign... "Sa ngalan ng aking… Ang Iskawt ay…" (Pansinin na hindi na kailangang banggitin ang 'Batas ng Iskawt.' Ito ay nakagawian na ng mga Scouts and Scouters at naging tradisyon na sa ating samahan)
TL: Natutuwa ako sa aking narinig. Nawa'y ang mga sinumpaan ninyong mga tungkulin para sa ating Diyos, para sa ating bayan at para sa inyong sarili ay ang magiging gabay ninyo mula ngayon sa inyong pang-araw-araw na buhay. Sa bawat araw, huwag ninyong kalilimutang isabuhay ang labindalawang (12) puntos ng batas ng Scout. Lagi ninyong tandaan na tayo ay may isang Batas ng Iskawt na sinusunod at ito ay binubuo ng labindalawang puntos (points). Ibig sabihin, hindi tayo pwedeng pumili ng mga puntos na gusto lamang natin dahil ang lahat ng  labindalawang puntos ng Batas ng Iskawt ang bumubuo sa pangkalahatang katangian na dapat makita sa isang bawat isang Iskawt na katulad ninyo. Sumakatuwid, bilang isang Scout ikaw ay nararapat lamang na maging:
Trustworthy, Loyal, Helpful, Friendly, Courteous, Kind, Obedient, Cheerful, Thrifty, Brave, Clean, Reverent. 
Kaya ninyo ba iyon?
Iskawt: Opo/Kakayanin po.

TL: Magaling kung ganon. Lagi din nating tatandaan ang ating Scout motto na "Laging Handa." Ibig sabihin noon ay kinakailangang matuto tayo ng mga skills para makatulong sa ating kapwa. Gusto ninyo bang makatulong sa ating kapwa?
Iskawt: Opo.

TL: Wow. Napakagandang marinig. Tatandaan din natin na huwag tayong matakot tumulong sa ating kapwa at maganda rin na matuto tayong humingi ng tulong sa iba. Sa lahat ng ating ginagawa, ang sabi nga ng ating founder na si Lord-Baden Powell ay "Do your best." Nakahanda ba kayong gawin ang inyong makakaya sa lahat ng pagkakataon?
Iskawt: Opo.
 
TL: Tandaan ninyo na ang pagiging Iskawt ay hindi lamang natatapos sa paaralan kundi ito ay nagpapatuloy din sa inyong mga tahanan at sa ating pamayanan. 

Ipinapaalala din po namin sa lahat ng mga magulang at nangangalaga sa mga batang ito na tulungan po natin sila upang maging mas mabuti at mas magaling silang mga batang Iskawt. Bilang mga nanay, tatay at guardians ng mga kabataang Iskawts na naririto, kayo po ba ay nakahandang tumulong sa aming mga guro at mga Scouters upang matuto ang inyong mga anak?
Magulang/Tagapangalaga: Opo.
TL: Maraming salamat po sa inyong pagsuporta. Naway maging magkakatuwang po tayong lahat sa pag-gabay sa inyong mga anak.

8>PAGSASABIT NG ALAMPAY (Scout Neckerchief)
TL: Ngayon ay isasabit na sa inyo ang inyong alampay o ang tinatawag nating Scout neckerchief. Hinahangad ko na ang mga ninong o ninang na naririto ay magiging katuwang ng bawat batang lalaking iskawt na itinatalaga natin ngayon sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanila at sa pagbibigay ng mabuting halimbawa. Sa yugtong ito, tinatawagan ko po ang mga ninong o ninang na isabit na po ang ang alampay ng mga batang ito.
(Maaaring ang alampay ay ibibigay ng ng iskawt master—papilahin lamang sila at saka pumunta sa likod ng mga bata upang isabit ang kanilang mga alampay. Pagkatapos magsabit ay maaari na silang bumalik sa kanilang pinanggalingan/kinauupuan)
TL: (Patungkol sa mga batang Iskawt) Ngayon ay naisabit na sa inyo ang inyong mga alampay. Nangangahulugan na kayo ay pormal nang kasapi ng pandaigdigang samahang Iskawting. 
(Kapag natapos nang sabitan ng alampay ang mga batang Scout) Bigyang po natin sila ng masigabong palakpakan.


8>MENSAHE
(Maaaring mag-imbita ng isang panauhing pandangal mula sa BSP national/local Council, Municipal Scouting Committee, Parent Teacher Association o mga Scouts/Scouters na naging matagumpay sa kanilang larangan.)

GP:Upang tayo ay bigyang inspirasyon, tinatawagan ko po si… para sa kanyang maikling mensahe.


9>SABAYANG PAG-AWIT
(Maaaring magpa-awit ng isang Scout song na alam ng mga bata)

10>PANG-WAKAS
(Maaring maggawad ng certificate sa panauhing pandangal.)

GP: Ang okasyong ito ay simula pa lamang ng isang masayang karanasan sa Iskawting. Hinahangad namin na kayo ay maging masigasig sa bawat activities ng Iskawting. Sa mga magulang, ninong at ninang na dumalo, hangad po namin ang inyong pagtulong upang ang bawat batang ito ay lumaki bilang mabuti at magaling na iskawt. Sa inyong pong lahat maraming salamat sa inyong pagdalo!

[Maaaring magpatugtog ng mga masasayang awiting pang-Iskawting kapag natapos ang palatuntunan. Gawing masaya ang okasyon at memorable sa mga bata dahil ito ang mga ala-ala nilang babaunin sa kanilang paglago sa Iskawting.] 

=====END OF PROGRAM======


Other Suggestions:

A>Maaari ring magkaroon ng Photo Opportunity (Photo-Op):
1.Mga panauhing pandangal
2.Pangkalahatan kasama ang mga panauhing pandangal
3.By Patrol  kasama ang mga panauhing pandangal
4.By Patrol kasama ang kanilang mga ninong/ninang/magulang at mga panauhing pandangal.

B>Kung may sapat na budget, maaaring mag-serve ng merienda (snacks) sa mga dumalo.

C>Mainam na magpadala ng pormal na imbitasyon sa mga dadalo ng palatuntunan kung saan nakapaloob ang buong programa.

Inihanda ni:
Scouter Dennis DC. Marquez, MSDM., M.A. Theology-Pastoral Ministry, 2BH with CML
Scouter, BSP Antipolo Council. 
#Scouting #Investisture #Scoutinvestiture #Pagtatalagangmgalalakingscout #Iskawt #Program #denmar1978 #antipolobspcouncil