Necrological Service
English/Tagalog
Necrological Service for Scout Anthony Roy Villafana
Written by Scouter Dennis DC. Marquez
A.Opening Remarks / Pambungad na Pananalita
Good morning/afternoon/evening, ladies and gentlemen,
friends, and family. We are gathered here today to honor the life and memory of
Scout Anthony Roy Villafana. His untimely departure has left a void in our
hearts, but we come together in unity to celebrate his life and pay our
respects.
Magandang umaga/hapon/gabi po, mga kababayan, mga kaibigan,
at pamilya. Nagtitipon tayo ngayon upang bigyang pugay ang buhay at alaala ni
Scout Anthony Roy Villafana. Ang maagang pagpanaw niya ay nag-iwan ng lungkot
sa ating mga puso, pero nagkakaisa tayo upang muling sariwain ang kanyang buhay
at magbigay-pugay sa kanyang kadakilaan.
Magsitayo po ang lahat.
1.Panalangin:
Ama
naming Lumikha,
naririto na naman po kami sa Inyong harapan
magkakasamang nagpupuri sa Inyong kadakilaan
na nasasalamin namin sa lahat ng Iyong mga likha
itinataas namin ang aming mga sarili
bilang iyong mga abang tigapaglingkod
isinasamo naming linisin mo ang aming mga puso
upang maging bukas kami sa tinig mo at makasunod
Sa pagkakataong ito, itinataas namin ang
aming kapatid
Ang minamahal naming na si Scout Scout Anthony Roy Villafana
Na sumakabilang-buhay dahil sa dakilang kabayanihan niya
nang ibigay niya ang kanyang sariling buhay para sa kanyang kapwa.
At kami, Panginoon, kami na mga anak mong nangungulila kay Scout Anthony Roy…
Punuin mo ng pag-asa ang aming mga pusong
nalulumbay
Hilumin mo ang lahat ng sakit na aming nararamdaman
At samahan mo kami sa tuwina sa pinakabigat na pagsubok ng aming buhay.
Panginoon, turuan mo kaming magparaya
Turuan mo kaming isuko namin sa iyo ang lahat-lahat sa aming buhay
At nawa, sa pagkakataong ito… ikaw nawa
ang maghari
Sa bawat sandali ng aming hiram na buhay. Amen.
2.Pagpasok ng watawat na naka-triangle. Ilalagay sa kabaong
ng ni Scout Anthony Roy.
Command: Pugay-kamay na!
(Pag-awit ng Lupang Hinirang).
3.Magsiupo po ang lahat.
B.Background and Introduction / Life and Accomplishments
Scout Anthony Roy Villafana was a remarkable individual
who lived a life dedicated to service, courage, and selflessness. He
exemplified the core values of scouting and made a significant impact on the
lives of those he encountered. Today, we reflect on his achievements, remember
the moments shared, and bid him a final farewell.
Scout Anthony Roy Villafana's journey began with his
passion for scouting at an early age. He embraced the scouting ideals and
demonstrated exceptional leadership skills throughout his scouting career. His
dedication and commitment were evident in his numerous accomplishments, earning
him the respect and admiration of his peers.
He took part in various community service projects,
leaving a positive mark on the lives of countless individuals. Scout Anthony
Roy Villafana's unwavering commitment to helping others and making a difference
in his community has left a lasting legacy that will continue to inspire
generations to come.
Si Scout Anthony Roy Villafana ay isang natatanging
indibidwal na paglilingkod sa kanyang kapwa, may tapang at dedikasyon na
harapin ang bawat pagsubok ng buhay, at may pagmamahal sa dakilang lumikha.
Sa kanyang murang edad, naipamalas niya ang mga pangunahing
prinsipyo ng scouting at nag-iwan ng malaking impluwensya sa mga taong kanyang
nakasalamuha.
Ngayon, tayo ay nagkatipon-tipon upang alalahanin ang kanyang mga ala-ala—bilang
anak, kaibigan at ka-Scouting. Sama-sama nating balikan ang lahat ng kanyang tagumpay,
muli nating sariwain ang mga sandali na ating pinagsaluhan, at huling
pagkakataon, sama-sama tayong magbigay-pugay sa kanya at sa mga mahal niya sa
buhay.
C. Fond Memories
As we gather here today, let us take a moment to remember
the joyful and cherished memories we shared with Scout Anthony Roy Villafana.
He had a vibrant personality and a contagious enthusiasm that brightened every
room he entered. Whether it was during scouting activities, community events,
or simple moments of friendship, his presence brought warmth and happiness to
those around him.
Ngayon po ay maririnig po natin ang ilang mga sharing ng
kaibigan at kasamahang Scouts ni Scout Anthony Roy: (honoring-limit to 3-5
minutes each; para maipabatid pamilya ang katangi-tanging katangian ni Scout Anthony Roy)
1. Fellow Scout (Mga hindi malilimot na sandali)
2. Scouter (Mga espesyal na katangian ni Scout Anthony Roy
na pwedeng gayahin ng kanyang mga fellow Scouts)
D. Words of Comfort to the family by Scouter Eric G. Gadon, OIC/BSP-Antipolo
City Council
Eric: To the family and friends of Scout Anthony Roy
Villafana, we offer our deepest condolences. Losing someone dear to us is never
easy, but let us find solace in the knowledge that he lived a life full of
purpose and made a significant impact on the lives of others. May you find
strength and comfort during this difficult time, knowing that his spirit will
forever live on in our hearts.
Eric: Mula po sa Boy Scouts of the Philippines-Antipolo City
Council, ako na inyong abang lingkod na tumatayong tatay ng Scouting sa lungsod
ng Antipolo ay nagpapahatid nang aming taos-pusong pakikiramay.
Masakit sa ating kalooban ang mawalan ng isang katangi-tanging Scout na katulad
ni Scout Anthony Roy na nagging isang mabuting anak, kapatid, classmate,
kaibigan, at para sa akin… siya na naging napakabuting Scout na nagsabuhay ng
Scout Oath and Law dahil ibinigay niya ang kanyang sariling buhay sa kagustuhan
niyang iligtas ang buhay ng kanyang kapwa.
Bilang isang tatay, alam ko na napakasakit para sa isang magulang ang mawalan
ng kanilang pinakamamahal na anak. At bilang mga kapatid, kaibigan, at
ka-Scouting… alam ko na mula sa mga sandalling ito ay hindi na magiging pareho
ang inyong mga buhay-buhay dahil wala na
ang pinakamamahal natin na si Scout Anthony Roy na minsang nagpasaya at naging
kasa-kasama natin sa maraming activities ng Scouting.
Alam ko, lahat tayo ay iisa lang ang nais sabihin kay Scout Anthony Roy ngayon…
Nais natin na sabihin sa kanya na “Maraming-maraming salamat…”
(Reads from the Certificate of Appreciation)
“Maraming salamat sa lahat ng pagmamahal.
Maraming salamat dahil naging mabuti kang anak.
Maraming salamat dahil naging mapagmahal kang kapatid.
Maraming salamat dahil sa naging matulungin kang kaibigan.
At maraming salamat dahil naging DAKILA KA BILANG ISANG SCOUT.
“DAKILA sapagkat, isinabuhay mo ang Scout Oath and Law. Dakila ka sapagkat,
ibinigay mo ang iyong buhay sa iyong kapwa. Dakila ka, Scout Anthony Roy
Villafana dahil sa mura mong edad ay naging bayani ka para sa aming lahat.
“Maraming-maraming salamat sa iyong pagmamahal, kadakilaan, at kabayanihan.
“Bilang isang Scout at aming kapatid sa pandaigdigang Samahan ng mga Scouts,
mananatili ka sa aming ala-ala at mga panalangin.
“Hanggang sa muli nating pagkikita.”
E. Giving of Certificate of Appreciation to the Parents
Certificate of Appreciation
is hereby given to
Scout Anthony Roy Villafana
“Maraming salamat sa lahat ng pagmamahal.
Maraming salamat dahil naging mabuti kang anak.
Maraming salamat dahil naging mapagmahal kang kapatid.
Maraming salamat dahil sa naging matulungin kang kaibigan.
At maraming salamat dahil naging DAKILA KA BILANG ISANG SCOUT.
“DAKILA sapagkat, isinabuhay mo ang Scout Oath and Law. Dakila ka sapagkat,
ibinigay mo ang iyong buhay sa iyong kapwa. Dakila ka, Scout Anthony Roy
Villafana dahil sa mura mong edad ay naging bayani ka para sa aming lahat.
“Maraming-maraming salamat sa iyong pagmamahal, kadakilaan, at kabayanihan.
“Bilang isang Scout at aming kapatid sa pandaigdigang Samahan ng mga Scouts,
mananatili ka sa aming ala-ala at mga panalangin.
“Hanggang sa muli nating pagkikita.”
Given this day _____ , 2023.
(Sign)
Eric G. Gadon
OIC/CSE BSP-Antipolo City Council
F. Folding of Philippine Flag
1.Command: Attention (for all to stand); Sumalunan (for the colors to post)
2.Pugay kamay na!; Singing of “Ang Bayan Ko”
3.Giving of the folded flag to the parents by Sir Gadon (Pwedeng samahan ng
medal of valor)
G. Final Salute
1.Rededication to the Scout Oath and Law- Command: Panatilihing nakataas ang
kanang kamay ng ayon sa Panunumpa at Batas ng Scout
Sabay-sabay nating bigkasin ang Scout Oath and Law
“On my Honor… A Scout is…”
H. Closing Remarks
In conclusion, Scout Anthony Roy Villafana will be
remembered as a shining example of what it means to be a scout and a
compassionate human being. As we say our final goodbyes, let us carry his
memory with us and strive to embody the values he held dear. Though he may no
longer be with us in the physical realm, his legacy will endure, reminding us
of the power of service, dedication, and love.
Thank you, Scout Anthony Roy Villafana, for the indelible
impact you have made on our lives. Rest in peace, dear scout.
Kaylan man ay hinding-hindi natin makakalimutan si Scout Anthony Roy Villafana.
Maraming salamat sa kanyang mga magulang na nagmahal sa kanya. Maraming salamat
sa kanyang mga kaibigan at kapwa Scouts na kanyang pinasaya. At maraming salamat
sa iyo Scout Anthony Roy Villafana… mula ngayon sa tuwing babanggitin namin ang
Scout Benediction… kasama ng mga nauna nang mga Scouts at Scouters na namayapa
na katulad ng ating founder na si Lord Baden-Powell at ng ating BSP-Antipolo
City Council founder na si Dr Victor Cahapay, asahan mo na katulad nila,
hinding-hindi ka namin makakalimutan.
I. Scout Benediction
End of Program.