Saturday, December 22, 2012

Buhay



dun sa tanong na kung saan daw ba nagsisimula ang buhay?
sa ganang akin, magandang itanong sa ating sarili--
KAILAN BA NAGSIMULA ANG AKING BUHAY?

para sa akin,
bago ako naging malaki e naging sanggol muna ako
bago ako naging sanggol e naging bata muna ako sa tiyan ng nanay ko (fetus)
yung fetus e nagsimula sa pagsasanib ng spermcell (similya) at eggcell (itlog) ng mga magulang ko (conception)

kung binigyan ako ng pagkakataong mabuhay ng mga magulang ko...
sana bigyan ko rin ng pagkakataong mabuhay ang iba dahil wala sa aking mga kamay ang mga buhay nila
hindi nangangahulugang hindi natin nakikita ang maliliit na detalye ng buhay ay hindi na natin ito pahahalagahan
hindi dahil sa hindi kayang ipaglaban ng mga maliliit na buhay na ito ang kanilang mga sarili ay gagawin na lamang natin ang ating bawat magustuhan

oo, nakakatakot na baka wala tayong maipakain sa kanila
subalit mas nakakatakot na mapariwara ang ating mga kaluluwa
malimit nabubuhay tayo sa mga pinaniniwalaan nating nakakatakot
subalit ang totoong nakakatakot pala
ay ang ating mga sarili
dahil hindi na tayo marunong magbigay sa nangangailangan nating kapwa
kung kaya lagi at laging may nangangailangan at nangagugutom

gumagawa tayo ng maraming mga bagay na pagkakaabalahan
nakalimutan natin na ang pinakaunang dapat pala nating gawin
ay ang  magmahal ng ating kapwa
sa halip na magmahal ng ating sarili

patawarin ninyo kung namimilosopiya po ako
siguro, ang dahilan kung bakit nananatiling hindi tayo nasisiyahan
sa kabila ng makamit natin ang hinahangad nating tagumpay
ay dahil nilikha tayo hindi para doon
kundi para sa ating kapwa buhay

habang hinahanap natin ang ating sarili
habang pinipilit nating mapasaya ang ating sarili
lalo pa tayong nababaon sa masihing pangungulila
marahil dahil hindi tayo nilkha para lamang sa ating sarili.