Sunday, October 7, 2012

Pagbibigay


Nang ako'y mayaman
at nag-uumapaw ang mga biyaya
Itinuring kong
ako ang pinagpala ng Diyos

Nang makita kita
na lugmok at lubhang nagdurusa
Ang akala ko
ikaw ang sinusubok ng Diyos

Subalit sa katagalan...
mula nang ikaw ay aking talikuran
Nabatid kong ako pala ang sinusubok
At ikaw ang pinagpapala

Ilang ulit akong sinubok ng pagkakataon
upang maging mapagbigay
Sa isang tulad mong
ilang ulit kong tinalikdan.