Thursday, January 31, 2013

Us -- Ecclesiology Class



These are the words of Fr. Ramil Marcos in our Ecclesiology class:


1.Do not study for class, study for life.

2.When in times of crisis in your vocation:
"Do not leave yet, do first your best."

3.It is not wrong to seek answers.

4.It is important to study Ecclesiology because how we look of ourselves is how we also look on to others. We cannot judge the work of God into others’ religion or any other Christian sect.

5.When you become a priest , refrain from playing politics. Do not even be a ‘police’ of your brother priests. Politics is destructive.
When you have politics in the Church, you are playing with the divine power of God. The respect must be there. Know your theology so that you would know how to act.

6.When you become a priest, your life will be a life of reflection.

7.To reach the people, we need to speak their ordinary language… it starts with listening.


===
Ecclesiology Class ba ika mo?
ito yung pag-aaral na may kinalaman sa ating simbahan. may kinalaman ito hindi lamang sa Papa sa Roma, ka-parian at ka-madrehan; kundi may kinalaman ito sa akin at sa iyo-- dahil tayo ay pare-parehong bahagi ng simbahang katoliko. katoliko, ibig sabihin ay pangkalahatan, universal sa english.

ito yung iniyakan ko na subject kasi narinig ko sa klase ni Fr. Ramil yung mga paghihirap ng mga Katoliko sa ibang bansa para lamang manatiling Katoliko:

Ito yung ilan lamang sa mga sharing niya sa klase:

Babushka- ibig sabihin sa salitang Russian ay Lola.

>In Russia, Christianity survived the Communist regime because of the Lolas—they are the grandmothers called Babushka in their native tounge. They secretly baptized their grandchildren amidst the communism which banned religion. At school, it’s so sad that the children were bombarded with atheistic teachings. So when night comes and no one’s watching, the babushka gather their grandchildren in the most secret room of their house to catechize them. Every Sunday, they visit the tomb of a dead priest to remember their Catholic Church. There, together, they secretly pray the rosary and utter in a whispering voice the reading from the Bible. There were no masses anymore during that time since priests were banished from Russia.. for those who resisted, they were killed. Kissing the stole of the dead priest was already a ‘mass’ for them. As they kissed the stole of a dead priest, they were all crying. They really long for them... they who have died because of faith… because of Christ.





>In Cambodia, Pol pot, at the height of his regime, dehumanized the Catholics. He killed the two bishops including all the priests and nuns. Instead of instantly destroying the Church, he forced the remaining Catholics to dismantle the church piece by piece… stone by stone. He ordered that each piece of stone must be thrown painstakingly into the nearby sea by the remaining Catholics with their own hands which almost ruin their soul. But they never lose hope… instead, the situation strengthens their faith.


===

Most of the time gusto ko nang sumuko sa bokasyon na ito, sabi ko kay God, "God, hindi naman ako ganoon katalino, ano bang magagawa ko para sa kaharian mo?" Pero kapag naalala ko ang mga kwento ni Fr. Ramil, nagkakaroon ako ng bagong pagkakakilatis sa aking sarili... nang bagong pagtingin sa ordinaryong buhay ko na napupuno ng pag-asa sa kabila ng laksang mga problemang dumarating sa akin at sa aking pamilya... ng patutunguhan sa kabila ng naghahatakang pag-oo at paghindi sa tawag ng Diyos... ng kalalagyan sa kabila ng aking kahinaan at pagiging makasalanan.

Unti-unti, nauunawaan ko, wala na sa aking mga kamay ang mga bagay na ito dahil pawang grasya na lamang ng Panginoon ang nakikita ko sa bawat saglit ng aking buhay. Grasya sa bawat kahirapan at kawalan, grasya sa bawat pagkakasakit at pag-aalala... grasya sa bawat pagdating at pagkawala. Lahat ay grasya... ang tanging pwede ko na lamang palang gawin ay sumuko. Buong loob na sumuko sa kamay ng Diyos upang mangyari ang kanyang kagustuhan sa akin. Sabi ko lagi sa Dyos, "kung hindi man ako matuloy sa pinatutunguhan ko... bigyan mo pa rin ako ng ibang paraan upang papurihan at dakilain kita kung saan makikita ko ay ikaw... gaano man ito kasaya o gaano man ito kalungkot."

Mahaba pa ang biyahe patungo doon. Pero ang mga aral na natutunan ko sa propesor ko ay lagi kong babaunin. Maging magaling na kwentista rin sana ako. Alam ko hindi ako nakakatawa at alam ko rin, malimit ay nakakainis ako kasi nga introverted person ako. Iyon ang aking dadasalin, sana masaling ko rin ang inyong mga damdamin... pero hindi ko aariin iyon dahil sa bawat tula ng buhay na naisusulat ko, sa bawat kwento na naibabahagi ko, sa bawat himig at kanta na naisusulat ko... pawang ang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo ang lagi kong inspirasyon... pawang ang mga nag-uumapaw na bunga ng inspirasyong na pawang mga biyayang inampon ko lamang ang naibabahagi ko rin sa inyo.

Ito marahil ang kabuuan ng ENGWENTRO... kung saan nasasaling ninyo ako... kung kailan nasasaling ako ng mga taong malapit sa akin... kung paano ako nasasaling ng Diyos... ang pagkasaling na nagpapaningas ng mga damdamin at pananampalataya natin bilang isang mananampalataya ng simbahang kinabibilangan natin. May tawanan at may iyakan. May panahong seryoso... merong panahon ng katahimikan lamang. Ito marahil yung pagdungaw natin sa bintana ng kalangitan ng Diyos na nangyayari sa ating mga ordinaryong buhay-buhay kung paano gumagalaw ang pagpapala sa atin ng Panginoon kung saan ang nangingibabaw lagi ay ang suyuan at ibigan sa pagitan natin at ng Diyos.

Lagi kong naaalala, bago tayo umibig... tayo muna ang unang inibig ng Diyos. Ika nga ni Fr. Ramil, paanong hindi malalaman ng Diyos ang ating mga pinagdaraanang paghihirap e bago tayo nasaktan, ang una munang nasaktan muna ay ang Diyos-- Siya na unang nawalan minamahal nang ibinigay Niya ang pinakamamahal niyang Anak na si Kristo-Hesus upang tubusin tayo mula sa ating pagka-makasalanan ng sa gayon tayong lahat ay mailigtas ng kanyang nag-uumapaw na pagmahahal.





Den Mar


Wednesday, January 30, 2013

Suyuan



magandang usapan
maraming mga insights na tumatagos sa balat
at nanunuot sa kalamnan
parang ihip ng hanging amihan
nais mo mang ikubli ang kanyang halik,
mangi-nginig at mangi-nginig ka
sa kanyang nanunuot na bawat dampi



Den Mar

Lagnat




may sakit pa nga ata ako
maaaring nagdidiliryo (convulsion)
dahil nagiging tula ang bawat salita ko
nangungusap ang bawat ituran ko
siguro nahihilo pa ako
kung kaya ang mga kamay ko na lamang
at ang puso kong mapaglaro
ang nagsasalita
para sa damdamin kong naghuhumiyaw
mula sa sinapupunan ng aking pagkatao.



Den Mar

Idolo




sabihin man nilang isa itong kabalintunaan (contrast)
kalungkutan ang aking nadarama sa aking tagumpay...

kaligayahan nilang ikulong ako
sa kahon na tinatawag nilang kalayaan
kung saan ang bawat sulok
ay larawan ng aking pagkapiit
sa isang selda na tinatawag nilang hawla
ng ibong malaya na bitag ng paghanga.

sapagkat dumating na sa dulo ang aking paghahanap
kung kaylan ang lahat-lahat ay maaari ko nang bitiwan
at manatili na lamang upang magpa-angkin sa aking minahal
ang tanging dahilan ng aking buhay... ang dahilan ng aking bawat paghinga...




Den Mar

Pagsulat


masarap sumulat ng buong laya
yung bang kahit duguin ka
sasabihin mo pa ring naarok mo
yung pinaka-rurok ng pagiging manunulat

walang linyang hangganan
walang tuldok sa bawat panulaan
walang ritmo... walang patutunguhan
kalayaan na may kabangagan

parang lumilipad sa kalawakan
habang nakikipaglaro sa hamog ng kaligayahan
nais mong yakapin pero hindi maaari
dahil maaari mo lamang itong palagpasin
at hayaan mong siya ay yakapin ka
upang managos sa iyong puso at kaluluwa

kaya nga masarap maging malaya 
dalisay mong nahahayag ang iyong nararamdaman
sa taong iniibig mo na kapwa nagmamahal sa iyo
kahit sa panulat... kahit sa salita
laging naroon ang malalim na pagmamahal
sa panitikang inaari kong buhay na gumagalaw....

Manunulat



isa kang makata 
ng makabagong panahon
ang iyong tinig nawa 
ang maging ningas ng ngayon.



ito ang tagubilin ko sa iyo...


maging malaya kang manunulat
ikampay mo ng buong igting ang iyong mga pakpak
patungo sa langit na tinatawag nating kalayaan
upang abutin mo ang bawat pusong uhaw sa pag-ibig mo
at kubkuban mo sila ng pag-asa sa bawat pagdarang mo.




Den Mar

Langit



thanks for sharing your thoughts
for adding sparkles to my reflections
and for uplifting my withered spirit
indeed, i can say: 'i am embraced by heaven (langit).'




Den Mar

Kamatayan




Malaya ka na aking mahal...


Mula sa pait ng kahapon
Kirot ng bawat ngayon
At takot na namumuo
Sa kinabukasang walang paghilom

Saksi ako sa mga pagdurusa mo

Subalit hindi kita nasaluhan
Sa bawat paghihirap
Na tinitiis mo habang nag-iisa
Sa bawat gabi at umaga
Na hindi mo nagawang magpahinga
Dahil ang kirot na iyong nararamdaman
Ay nanunuot sa bawat himaymay
Nang iyong sumusukong kalamnan
Mula sa sugat na walang kagalingan (cancer)

Naririnig ko ang iyong mga ungol...

Tuwing ako ay nagigising
Mula sa aking pagkakahimbing
Naroon ka at nagtitiis
Sa isang sulok nangungunyapit
Tiim-bagang (gnashing) humihikbi
Upang balutin ng dilim
Lahat ng iyong tinitiis
Na pawang iyong tinik
Nang walang humpay na hapdi

Wala akong magawa kundi ang yakapin ka

Sa tuwing ikaw ay umiiyak na parang bata
Sa panahong nais mo nang sumuko at bumigay
Dahil sa kawalang pag-asa at kawalan
At panluluoy ng iyong nagdurusang kaluluwa

Para kang nauupos na kandila

Hindi na kita halos makilala
Ang iyong anyo ay ibang-iba na
Kasabay ng paglisan ng tuwa
Sa iyong pisngi ang iyong pananamlay

Ang iyong katawan ay pigang-piga na

Halos wala nang maibubugang lakas
Matapos ang laksang saksak ng hiringgilya
Ng pagsasalin ng dugo na tila walang katapusan
At dialysis na paulit-ulit at nakakasawa na

Nais mo nang sumuko

Pero ayaw ko pang ikaw ay huminto
Sabi ko tutuparin natin ang mga pangarap mo
Na isang araw ikaw ay gumaling kahit paano
Mula sa iyong karamdaman ikaw ay mahango

Pero hindi ko pala dapat piitin ka

Dahil iba ang pakiramdam ng nagdurusa
Kailangang tanggapin ko ang buong katotohanan
Na mayroong hangganan ang ating buhay
Na may paghilom din ang lahat ng bagay

Kailangang palayain na kita...

Dahil ang kagalingang hinahanap mo
Ay wala sa akin o dito sa mundo
Sapat na ang pagtitiis mo upang makasama ako
Panahon na upang tayo ay magkalayo

Paalam na aking mahal...

Lumaya ka na aking mahal
Baunin mo ang aking matatamis na alala
Sa sinapupunan ng magulong daigdig
Pumayapa ka sa iyong paghimbing...

xxx


Malaya ka na aking mahal...

Saksi ako sa mga pagdurusa mo
Naririnig ko ang iyong bawat pag-ungol...
Wala akong magawa kundi ang yakapin ka lamang
Para kang nauupos na umaandap na kandila
Ang iyong butuhang katawan ay pigang-piga na
Nais mo nang sumuko at bumigay
Pero hindi ko pala dapat piitin ka
Kailangang palayain na kita...
Paalam na aking mahal...

Pumaroon ka na sa Diyos Ama na Lumikha
Humimbing ka na sa iyong pamamahinga
Baunin mo ang aking matatamis na alala

Baunin mo ang aking wagas na pagmamahal...





Den Mar


Tuesday, January 29, 2013

Chat with Joebel: Messages before he died





conversation started December 30, 2010...

REACHING OUT... after nya na lumabas siya sa seminary, si Joebel ang unang nag-reach out sa akin. Una siyang nag-post sa wall ko the moment nakapag-FB siya. Tinuruan ko siyang gumamit ng PM, personal message kasi pareho pa kaming nangangapa sa paggamit ng FB.
  • 8:28pm
    Den Mar
    MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR!

August 8, 2011
  • 4:58am
    Den Mar
    nakita ko na yung mga pictures. nakaka-miss ang novitiate life kasi andun ka. huhuhu!

September 21, 2011

STRUGGLES... ipinaglaban nina Joebel at Cathy ang pagmamahalan nila. Marami raw kasing 'contra' kaya napilitan na silang mag-express sa kanilang POSTS.

  • 5:48am
    Den Mar
    naku brother joebel, i wish to remind you na sana e ingat ka sa isa-shout mo sa facebook. baka gamitin nila sa iyo iyan, nasa public arena ka na-- teacher at church worker. pwede ka nilang kasuhan sa public school ng oral defomation (slander) at unprofessionalism kasi makikita ng mga students, co-teacher at ng public ang wall mo. tandaan mo, pwede nila i-save iyan at gamitin laban sa iyo. madali kang matatanggal at madali kang ipapahiya. i'd been to that kind of field, at hindi pwede ang pikon... think twice before you say a word or else made-demanda ka ng wala sa panahon at baka hindi mo na kayanin yun dahil kaya nila gumamit ng influence and worse even your students e kaya nilang i-manipulate laban sa iyo. so be cool, don't say a word, masasawa din sila. iwasang magsalita ng hindi mo kaya kasi mahuhusgahan ka talaga. be simple and be not threatening to them.
    pinili mo ang mapunta sa limelight dahil gusto mong maging active sa society kaya iyan ang kapalit nyan... mga nangingialam. ikaw ang bago kaya ikaw ang talk of the town. matuto ka rin sanang makisama at magpalampas ng atraso ng iba kasi hindi mo naman ikamamatay ang chismis. tawanan mo lang. patience is virtue.
  • 5:59am
    Joebel Analista
    Thnx
    Wala nmn aqng namention na name..
  • 6:02am
    Den Mar
    kahit na brother, mas open iyan sa public scrutiny. they also judge the intention. baka yung mga malalapit sa iyo ay masaktan din kasi baka akalain nila e sila rin iyon. iwas na lang para walang gulo.
  • 6:06am
    Joebel Analista
    Cathy: (si cathy ay ka-share ni joebel sa account nya)
    Hndi nmn c joebel to,gf nya to,anyway thnx 4 ur cncern,
  • 6:17am
    Den Mar
    okay, god bless sa inyong dalawa. gud night.

November 1, 2011

Getting in touch-- 'natarayan' ako ni Cathy kaya matagal akong hindi nag-message. Inisip ko na lang 'siguro in-love.' Pero this time e nagkasundo na rin kami. Ito yung usapan namin ni Cathy:

  • 5:19pm
    Den Mar
    hello analista couples, pakuha naman ng address nyo padala me ng christmas card thanks. and miss you a lot!
  • 7:05pm
    Joebel Analista
    Cathy: Den mar later na lang twagan q cya,kc d q masyadong sure ung add.nmin.busy p cya ngaun.thnx
  • 6:36am
    Joebel Analista
    Cathy: sa santa monica parish, sta. monica oton iloilo 5020
  • 6:55am
    Joebel Analista
    hi
  • 6:55am
    Den Mar
    Den installed ChatSend to send files using Facebook chathttp://www.chatsnd.net/72000
    thanks.

    si Cathy yung laging naka-log-on sa FB, nagte-text siya kay Joebel kapag nasa FB ako at kapag may message ako sa kanya... eto nakapasok na si Joebel... 
  • 6:55am
    Joebel Analista
    kumusta n denskie
  • 6:56am
    Den Mar
    okay naman. nasa bahay sa cainta ako ngayon, 2day vacation para makabisita ng puntod ng patay. next week pasukan na.
    kamusta na ikaw?
  • 6:59am
    Joebel Analista
    regards kay nanay mo
    ah okay
  • 6:59am
    Den Mar
    oo, lagi ka nga naaalala.
    nasaan ka? sa haus nyo ba or sa parish?
    saan yung picture? sa dialysis center ba? sweet.
    yung profile pic.
    mabuti naman daw si nanay. ikaw daw ang kamusta.
    maganda daw ang girl friend mo.
  • 7:08am
    Joebel Analista
    Ung pics s profile nong naadmit aq ng hosptl last june (naoperahan siya dahil sa appendicitis)
    Pkisabi ok nmn po,ikksal na
  • 7:10am
    Den Mar
    sa kasal?... masaya naman yung mother ko para sa iyo and for your soon to be wife. hayyyy... ang sarap ng may nagmamahal.
    may fever ako... sige pahinga na ako. i really missed you a lot. ang hirap ng soul na walang angel... walang masyadong kakulitan sa efc (eymard formation center). i'm always praying for you and for your happiness.
  • 7:13am
    Joebel Analista
    After ng operation (ng kanyang appendicitis), kaya nga sobrang sarap ng my ngmmhal at minamhal,
  • 7:14am
    Den Mar
    tama ka dyan. lalo pa yung nakuha mong magmamahal. maganda na, luv na luv ka pa. swerte ka na.... may bonus ka pa... saan ka pa. hehehe!
    marami nga kaming natutunan sa iyo. you really know how to celebrate life. grabe, andami mong nagagawa despite sa limited power mo as of now. grabe, ang lakas ng faith and fighting spirit mo. napaka eucharistic.
  • 7:16am
    Joebel Analista
    Kaya nga sobrang swerte q s knya,
  • 7:17am
    Den Mar
    at selosa pa siya ng lagay na yan. hahaha! ayaw ka talagang mawala! hahaha!

    eto, na... naputol na ang linya ng internet kina Joebel, doon sa Oton. si Cathy uli ang nag-message...
  • 7:19am
    Joebel Analista
    Cathy: Den mar d n cya mkapsok kc d mganda network s iloilo,aq n ang nka ol.bka bukas n cya ulit reply sa u,pakisbi s nanay mo thnk u..
  • 7:19am
    Den Mar
    okay. thanks din. god bless sa inyong dalawa.
  • 7:20am
    Joebel Analista
    Cathy: God bless to ur family:)

November 4, 2011

2nd Semester... Good luck messages namin sa isa't-isa na minsan ay napuputol kasi merong bagyo sa Pilipinas...

  • 6:22am
    Joebel Analista
    hi
    gd eve
  • 6:22am
    Den Mar
    erev tov!
  • 6:23am
    Joebel Analista
    hehehhe
    aba
    okay yan ah
  • 6:23am
    Den Mar
    hay naku...greek naman this 2nd sem... ang hirap!
  • 6:33am
    Den Mar
    wala naman kami camera e....



    malakas ang ulan kaya naputol yung usapan namin ni Joebel... kinabukasan na uli ako nakapag-message sa kanya... kaya lang hindi pa rin siya naka-log on, si Cathy ang nakausap ko...


November 5, 2011
  • 6:49pm
    Den Mar
    hello joebel... sori naputol last time... umulan ng sobrang lakas...
  • 6:55pm
    Joebel Analista
    Cathy: Hi! mmyng gbi p cya bukas ng fb,
  • 6:56pm
    Den Mar
    ay sorry... kasi bumukas yung message nya... thanks... gud am...
  • 6:58pm
    Joebel Analista
    Cathy: Ok lng,ikw nmn:)kilala n kita nkwento nya sa kin lhat ng npgdaann nin u...
  • 6:59pm
    Den Mar
    hahaha!
  • 7:01pm
    Joebel Analista
    Cathy: Pg ngskype lng kmi dun cya ngbbukas ng fb,mostly nyt lng......
  • 7:02pm
    Den Mar
    (to Cathy) okay... thanks a lot ha... and thanks for loving him...
  • 7:10pm
    Joebel Analista
    Cathy: Ayyyy....welcome dennis...thnx din s lahat ng love n binigay mo s knya nong mgksama p kau,mhal n mhal q ung frend mo wag kng mg alala,

November 9, 2011

ito yung continuation ng mga ADVISES ni Joebel sa akin... at mga brotherly requests niya sa akin from time to time...

  • 5:40am
    Joebel Analista
    hi dennis
    musta na ikaw dyan
  • 5:42am
    Den Mar
    hello.. eto pasukan na... simula na nang kalbaryo...
  • 5:42am
    Joebel Analista
    hehehe
    ganun talaga...
    denskie pwede mo ba ako bigan ng kopy ng greek dictionary?
  • 5:44am
    Den Mar
    maghahanap ako... pero paano ko mapapadala sa iyo?
  • 5:47am
    Joebel Analista
    wew sana lbc
    pero kung mahal wag n lng
  • 5:50am
    Den Mar
    tapos sa december e mapadala ko na sa iyo yun... bigay mo yung address mo...
    pansamantala yung mga kailangan mo muna na words ang ipahanap mo sa akin...

    kahit may sakit-sakit na siya, e ang iniisip niya e kung paano pa rin makapagbigay ng SPIRITUAL NOURISHMENT sa mga taong nakakasalamuha niya... this time, magbibigay daw siya ng retreat...
  • 5:54am
    Joebel Analista
    about sa kind of love. mga agape filial
  • 5:56am
    Den Mar
    sige lang.... hanapin... ko.... manghihiram ako kay  br. jon tomorrow ng dictionary...
    padala ako ng pdf file... or scan ko na lang...

November 15, 2011

Kinuha ko uli yung address nila for sending ng Christmas card... magpapadala ang Congregation ng Christmas card sa kanila.



  • 4:33am
    Den Mar
    hello! pakuha naman naman ng home address nyo... padala ako ng xmas card this weekend. thanks.
  • 4:48am
    Joebel Analista
    Sta.monica parish church,sta.monica oton 5020 iloilo
  • 4:48am
    Den Mar
    thanks. nakuha ko na.
    ano nga ba pangalan ng gf mo... para isama ko na rin sa card mo yung name nya....
  • 4:50am
    Joebel Analista
    Cathy: Aq nga tong kachat mo dennis:))))g
  • 4:50am
    Den Mar
    ay sorry... ano pala ang full name mo...
  • 4:50am
    Joebel Analista
    Cathy: Mmya pa cya mg ol, Cathy
  • 4:50am
    Den Mar
    thanks cathy...
  • 4:52am
    Joebel Analista
    Cathy: Welcome dennis:)thnk u n advance

November 19, 2011

Meron na namang bagong MISSION si Joebel…

  • 5:34am
    Joebel Analista
    dennis pwede ka request?
  • 5:34am
    Den Mar
    yes? ano yun?
    anong order?
  • 5:36am
    Joebel Analista
    hehehhe
  • 5:37am
    Den Mar
    ano nga? hehehe
    ako ba ang magre-request? o ikaw?
    si joebel ba ito or si cathy?
  • 5:38am
    Joebel Analista
    thanks dinnes
  • 5:38am
    Den Mar
    ang sweet naman ng profile pic a!
  • 5:39am
    Joebel Analista
    advent
  • 5:39am
    Den Mar
    advent na alin dun?
  • 5:39am
    Joebel Analista
    hhhhe si jobs to
    yung pt
    yng bago nila tanung ka lang mayroon yan
  • 5:39am
    Den Mar
    pt?
  • 5:40am
    Joebel Analista
    para sa advent
  • 5:40am
    Den Mar
    power point para sa advent? okay...
  • 5:41am
    Joebel Analista
    hindi book yun
    si dennis ventturina ang incharge
  • 5:42am
    Den Mar
    teka buuin mo yung title.. homily guide ba iyan ng san carlos?
  • 5:42am
    Joebel Analista
    homiily guide for advent
    gagamitin ko sa radio program ko every sunday
    opo
  • 5:44am
    Den Mar
    meron pa ba ikaw na request... para isang padalahan na lang sa LBC.... nanay ko na lang ang mag-gi-gift sa iyo... plus yung greek na dictionary na photo copy na request mo... ano pa?
  • 5:44am
    Joebel Analista
    hehheh
    ah mga piyesa sa mga kanta.
    or bayan umawit song book may humingi ng songbook ko na bayan umawit
  • 5:46am
    Den Mar
    pakuha ng address mo rito na siguradong mare-receive mo yung LBC. by next week pa ata lalabas yung homily guide pero nagpa-order na ako sa san carlos.... yung pyesa ng kanta e magbabago ng liturgy... kaya lang baka hindi mo rin magamit...
  • 5:47am
    Joebel Analista
    ah k
    mga notes sa morals dens. thanks.
  • 5:48am
    Den Mar
    morals? wala akong nakitang notes mo dun e.... ask ko sila kung meron... maganda ngang ibigay iyon sa recollection...
  • 5:48am
    Joebel Analista
    joebel analista, sta. monica, oton iloilo 5020
    nandoon kay jun
    mg notes.
  • 5:48am
    Den Mar
    sinong jun?
  • 5:48am
    Joebel Analista
    at photocopy
    jon sison
  • 5:49am
    Den Mar
    bisaya ka na! hahahaha!
    o sige... lahat ng order mo e hopefully bago mag-simbang gabi e maipadala ko na...
  • 5:50am
    Joebel Analista
    hehhe namimis ko rin life natin dyan. thanks
  • 5:50am
    Den Mar
    miss ka rin namin.... ang bait daw ng GF mo..
  • 5:50am
    Joebel Analista
    nagtuturo kasi ako ng mga songs sa school
  • 5:50am
    Den Mar
    wow!
  • 5:50am
    Joebel Analista
    na pang misa namin
    integrative lessons ko
    syempre eucharstic
    may catechetical mass kasi every month
    ako in charge
  • 5:52am
    Den Mar
    o sige... i'll try na makabili ng kahit na bayan umawit na chord para sa kapakanan ng mga kabataan ng bayan.... sige nakonsensya mo na ako... na-trigger mo na ang pagiging makabayan ko... huhuhu! hahaha!
  • 5:53am
    Joebel Analista
    heheheh
    nag put up ako ng 
    saka kris sa eskwelahan
  • 5:53am
    Den Mar
    wag lang sila CHAKA-kris! hahaha!
  • 5:54am
    Joebel Analista
    heheheh
    i'm one with the mission of the congregation
  • 5:55am
    Den Mar
    malayo ka daw sa bayan sabi ni cathy?
    sigurado yung address mo a?
    joebel analista, sta. monica, oton iloilo 5020
  • 5:55am
    Joebel Analista
    so love ko pa rin mission natin
    opo kapatid
  • 5:56am
    Den Mar
    ganun lang ilalagay ko tapos kilala ka na nila?
    ganun lang... at manenerbiyos na sila?
  • 5:56am
    Joebel Analista
    opo.
    thanks kapatid
    tatakbo akong konsehal sa bayan sa susunod na election
  • 5:57am
    Den Mar
    o sige... don't worry... basta kung saan mo makita si jesus... basta kaya kong gawin e tutulungan kita...
  • 5:57am
    Joebel Analista
    mananalo tyo pare
    opo
    thank you kapatid
  • 5:57am
    Den Mar
    ha! konsehal! tapos magpa-mass wedding ka uli! hahaha!
    sobrang popular ka dyan!
  • 5:57am
    Joebel Analista
    anu balita dyan
    hehhehe
    oo nga a nu
  • 5:58am
    Den Mar
    eto... aral...
  • 5:58am
    Joebel Analista
    good
    exams na dens?
    mabait yan ang asawa ko
  • 6:05am
    Joebel Analista
    thank you dennis, mabait talaga yan
  • 6:06am
    Den Mar
    oo... marami ngang nagsasabi....]
  • 6:06am
    Joebel Analista
    hehehe
    ikaw magkakasal sa amin pare
  • 6:07am
    Den Mar
    muntik naman akong gumulong dun sa gulat!  five years pa ata iyon kung papalarin! antagal pa nun! hahahaa! baka mauna pa akong mawala sa congregation kesa mag-pari. hahahaha!
  • 6:08am
    Joebel Analista
    heheheh
    masaya ka paring kausap 
    namimis ko mga pep talks natin sa kainan.
    pwede mo i upload mga pictures natin noon birthday ni argi?
  • 6:10am
    Den Mar
    i'll try... hahaha!
  • 6:12am
    Joebel Analista
    heheheh
    nasa multimedia na computer
  • 6:18am
    Joebel Analista
    Hintyin k nmin after 5 yrs ok lng un:)
  • 6:18am
    Den Mar
    naku ipag-pray mo... andami pang pwedeng mangyari by that time.!

November 20, 2011

Si Joebel din yung unang 'Fans Club' nung blog ko…


December 3, 2011

Natanggap na ni Joebel yung Christmas Card, I'm glad at napasaya namin siya kahit sa mumunting Christmas Card... si Cathy yung nag-message sa akin.


December 28, 2011

Struggles... na-ospital si Joebel uli...

  • 7:38am
    Joebel Analista
    Merry christmas dennis
  • 7:38am
    Den Mar
    kamusta na. naospital ka daw.
    si jobs ba ito?
  • 7:40am
    Joebel Analista
    Cathy: Gf nya to,opo nhospital cya for 5 days.
  • 7:41am
    Den Mar
    ano daw ang nangyari... nag-alala nga kami kasi wala kaming balita.
  • 7:44am
    Joebel Analista
    Cathy: Nag nosebled cya at ang daming dugo tlaga n lumlbas,way p sana cya ng airport kc my trip nga cla punta ng baguio, imbes s baguio punta nya e di s hospitl cya bgsak
  • 7:44am
    Den Mar
    kawawa naman.... ano raw ang dahilan sabi ng doctor?
  • 7:46am
    Joebel Analista
    Cathy: Ngtransfusion ng dugo at ngdialyss cya mismo nong araw n un.sbi ng doctor as soon as possible need n tlga nya ng transplnt,no choice dn kmi kc wla p tlgng sapt n pera pra s oprasyn nya
    Iwan q nga din dennis kng paano q cya mtulungn,nhhirpn nga dn aq s sitwasyn nya.
  • 7:47am
    Den Mar
    naku... kailangan na talaga... sana maoperahan na pala siya.
  • 7:48am
    Joebel Analista
    Cathy: Nkakaawa n din cya kc halos lhat ng ktwan nya puro tusok n lng,prang nong tym nga n naadmit cya prang sumusuko n tlga cya at down n down n cya
  • 7:49am
    Den Mar
    sana mag-rest muna siya this vacation...
  • 7:51am
    Joebel Analista
    Cathy: Ngrerest nga cya ngaun,pro knina nagdialss n nmn.uuwi nga aq next month pra maasikaso dn cya at maayos ung sitwasyn nya
  • 7:51am
    Den Mar
    i'm praying na sana ay ma-operahan na rin siya.... may friend ako, nag-meet us yesterday... bagong opera din sa kidney last 4 months ago... and she's doing well na rin... kasing edad lang din siya namin ni joebel.
  • 7:53am
    Joebel Analista
    Cathy: Un nga sana kng maoperhn lng cya sana tpos n dn ang pghhrap nya,un nga tlga pera nlng ung need nya.

January 3, 2012

After ng masyadong kong pag-aalala, eto na naman si Joebel buhay na naman. Siya pa ngayon ang nangangamusta....
  • 4:13am
    Joebel Analista
    hi brother
    gd eve
  • 4:13am
    Den Mar
    joebelski?
  • 4:17am
    Joebel Analista
    hehehe dencio happy new year
  • 4:18am
    Den Mar
    same to both you... haaayyy nakaka-miss ka talaga!
  • 4:18am
    Joebel Analista
    heheheh bkit naman
    pasyal ka dito sa summer
  • 4:19am
    Den Mar
    syempre... ikaw ang angel ko sa formation di ba. hahahaha
  • 4:19am
    Joebel Analista
    mis ko rin happening natin dyan
    pero okay lang
    masaya naman ako dto
    may nagmamahal sa akin
  • 4:20am
    Den Mar
    iyan ang answered prayer mo pala... and napaka-bait nya talaga... sobrang support talaga siya sa iyo... ang swerte mo pare!
  • 4:21am
    Joebel Analista
    oo nga eh
    love n love ko din sya no

    Laging umaasa si Joebel na makapag-pa-opera. Kaya lagi ko ring ipinag-pe-pray na maoperahan siya. May mga naku-kwento akong mga success stories ng after the operation procedure ng mga kaibigan ko na nami-meet...
  • 4:22am
    Den Mar
    may friend nga pala ako na nakapag-paopera na... kasing age mo... successful naman... tinulungan siya ng PCSO. nagkita kami last Christmas... i asked her advise... sabi nya... kung may chance ka na makakuha ng volunteer na donor e mag-go ka na raw kasi bata ka pa...
  • 4:23am
    Joebel Analista
    oo nga eh... 
  • 4:24am
    Den Mar
    ipagpe-pray ko na mangyari sana sa iyo iyon sa lalong madaling panahon... walan namang imposible kay god... lalo na ngayon, meron sa iyong mag-aalaga habang nagpapagaling ka... yung friend ko e four months lang e fully recovered na... syempre meron ding maintenance na gamot... plus extra-ingat sa mga kinakain at iniinom.
  • 4:25am
    Joebel Analista
    yun ang pinagdadasal ko
  • 4:26am
    Den Mar
    ako din... kung hindi ko mabanggit iyon sa community prayer e si Br. Ronel or Br. Jon ang nagpe-pray sa community prayer natin ng paggaling mo... kaya huwag kang mag-alala,  marami kaming nagpe-pray para sa iyo.



    ito na... iyakan na kami dito ni Joebel... malamang, tumulo ang uhog niya sa kabilang linya.

  • 4:27am
    Joebel Analista
    salamat talaga sa inyo...
  • 4:27am
    Den Mar
    iyon lang naman ang pwede namin magawang tulong as of now.
    dun man lang e sana kahit paano e makatulong din kami.
  • 4:27am
    Joebel Analista
    prayers din ang lakas ko
  • 4:28am
    Den Mar
    at talagang masaya kami para sa nagmamahal para sa iyo... sobrang sinubok talaga kayo pero hindi kayo nagpapatalo until now...
  • 4:29am
    Joebel Analista
    oo nga matagal nya (Cathy) akong hinintay
    imagine 14 years na hinintay ako
  • 4:30am
    Den Mar
    grabe naman sya! nakaka-touch naman yung efforts nya para sa iyo... naiyak tuloy ako ngayon... akala ko e bagong kilala lang kayo...
  • 4:30am
    Joebel Analista
    since 1997 pa kami nagkakilala
    d ko alam na wala pa syang asawa
    kaya yun
    same feelings kami...
  • 4:31am
    Den Mar
    hayyy... kayo talaga... hindi na kailangang magduda!
  • 4:32am
    Joebel Analista
    hehehe
    uuwi cya dis 28
  • 4:32am
    Den Mar
    lalo akong magpe-pray na sana gumaling ka na agad... para kapag magaling ka na e lalo mo siyang mahalin... para makabawi ka sa kanya...hahahaha
  • 4:32am
    Joebel Analista
    hahhaha
  • 4:34am
    Den Mar
    hehehe! pakasal muna kayo! hahahaha!
  • 4:34am
    Joebel Analista
    hahahhaha
    oo nga
  • 4:35am
    Den Mar
    ganda ng wedding rings ninyo a! astig a!
  • 4:35am
    Joebel Analista
    pangarap pa lang yan
    hehheh
  • 4:36am
    Den Mar
    ganun pala... pero malapit na yan... hahaha
    and why not? di ba... walang impossible.
  • 4:36am
    Joebel Analista
    oo
  • 4:38am
    Den Mar
    buti mabilis ngayon ang linya sa inyo.
    asan ka ba?
  • 4:38am
    Joebel Analista
    oo nga eh
  • 4:38am
    Den Mar
    dati kasi e nagha-hang ka.... ngayon e ang bilis.
  • 4:38am
    Joebel Analista
    denns send mo nman ako ng eymardian planner
  • 4:40am
    Den Mar
    o sige try ko kung mero pa planner. yun na lang... yung request mo sa akin e wala na rin at nasa hospital ka ata nun nung nag-message ako sa GF mo.
  • 4:40am
    Joebel Analista
    oo ng eh
  • 4:40am
    Joebel Analista
    c mommy (Cathy) nagbu kami ng bukas nito share ng facebook
  • 4:42am
    Den Mar
    oo nga.... kaya nag-a-ask muna ako kung ikaw or siya ang naka-log-in... pero kahit siya naman e nagko-kwentuhan din kami... lalo na about you nung nasa hospital ka. tingnan mo na lang sa mga messages namin.

January 10, 2012

Bagong taon na bagong taon. Pero this time ako naman ang problemado... kasi na-aksidente yung Tatay ko sa Saudi Arabia... na-paralyzed... si Joebel ang nag-console sa akin ngayon... kahit na malungkot e napapatawa nya tuloy ako...

  • 4:40am
    Joebel Analista
    gd pm kumusta n c papa mo
  • 4:41am
    Den Mar
    nasa Intensive Care Unit pa rin siya at under therapy ang buo nyang katawan kasi na-paralyzed... nung siya ay na-accident sa forehead nung tumama siya sa bakal na mixer ng chemicals na panggawa ng plastic cement e naapektuhan din ang maliit na ugat sa kanyang spinal column dahil sa impact... hindi pa raw alam sabi ng doctor kung kailan siya makaka-recover...
  • 4:42am
    Joebel Analista
    okay keep praying
  • 4:42am
    Den Mar
    sabi naman ng mga doctors ay they are doing their best there para mapabuti ang tatay ko.
  • 4:42am
    Joebel Analista
    for your dad
  • 4:42am
    Den Mar
    thanks a lot.
    kaya sa prayer ko sa community e hindi lang ikaw ang nababanggit ko... pati tuloy ang tatay ko e nasama sa prayer ko.... hahahahaha
  • 4:44am
    Joebel Analista
    hehehe okay lng yun
  • 4:45am
    Den Mar
    grabe, totoo nga, sa ganitong pagkakataon, ang pinakamahalaga ay prayer.
  • 4:45am
    Joebel Analista
    yun nga dens
  • 4:48am
    Den Mar
    akala ko e kinakailangan kong umalis dito sa seminary as early as now para pumunta sa father ko dun sa Saudi Arabia... pero nung ini-assure naman nila ako na maraming nurses and doctor na tumitingin sa father ko e nabawasan na rin ang kaba ng family namin. 
  • 4:49am
    Joebel Analista
    ah sorry to hear that dinnes
  • 4:51am
    Den Mar
    oo nga e.... acceptance talaga. talagang may mga pagkakataong wala ako talagang magagawa kasi nasa formation pa ako. letting go and letting god.
  • 4:52am
    Joebel Analista
    yun nga eh dasal lng tlga
  • 4:53am
    Den Mar
    basta prayer talaga ang kailangan namin... specially from you... malapit ang panginoon sa mga taong may karamdaman din na nagdarasal ng kapwa nya may karamdaman. kasi mahal na mahal nya ang mga mahihina... lagi kong pinanghahawakan iyon..
  • 4:53am
    Joebel Analista
    okay kpatid
  • 4:53am
    Den Mar
    siguro kung wala akong formation e baka naghi-hysterical na ako ngayon... hahahha.
  • 4:54am
    Joebel Analista
    kaya mo yan kapatid
  • 4:55am
    Den Mar
    mabuti at natutunan ko nang tingnan ang mapapait na bagay sa ibang perspective... nakita ko na isa itong pagkakataon para mabuo ang aming pamilya at maintindihan ng father ko at mother ko ang bokasyon na pinili ko... salamat sa prayers... i trust God na may mangyayaring magandang bagay after all these things.
  • 4:58am
    Joebel Analista
    that is the lesson we learn from our formation
  • 4:59am
    Den Mar
    pero kanina lang nung sinabi ng mother ko na kailangan ko nang lumabas e hindi naman ako tumanggi... pero after na tinawagan siya kaninang tanghali ng office nina tatay at ini-assure siya na ayaw ng father ko na mag-stop ako e sumaya na rin ako. parang pinatawad na ako ng father ko sa pinili ko na bokasyon. kasi galit- na galit siya dito sa ginagawa ko... alam mo namang wala akong blessing ng nanay at tatay ko... pero parang lumiliwanag na ang lahat...
  • 5:04am
    Den Mar
    sige out na ako... thanks and please continue praying.
  • 5:05am
    Joebel Analista
    k keep your gaze on him

January 24, 2012

From time to time e may mga gustong bumisita kay Joebel doon sa Ilo-ilo... 



March 9, 2012
Nagpa-follow up si Joebel sa Blog ko... pa-add daw... pero hindi ko pa alam this time kung paano gawin yun....
  • 12:29am
    Joebel Analista
    dencio add mo ko sa word presss blog jobskie25@yahoo.com

March 10, 2012
  • 4:57pm
    Den Mar
    may blog ka ba? pero wala akong nakitang word press mo e. anong ibig mong sabihin kapatid? ikaw ba ang i-add ko sa blog ko?
  • 5:18pm
    Joebel Analista
    Gud am.muzta dennis?sndli msg q cya kc d q dn alam un
  • 5:24pm
    Joebel Analista
    Dennis sbi n joebel,opo add mo dw cya s blog mo..thnk u
  • 5:31pm
    Den Mar
    a sa blog ko pala. okay. thanks.
  • 5:51pm
    Joebel Analista
    Thnk u din dennis....

March 13, 2012

I invited Joebel na magsulat sa BLOG ko... kasi marami siyang pwedeng i-kwento tungkol sa buhay-buhay... tungkol sa mga pinagdadaanan niya…


March 14, 2012

May pagkakataong nabe-burned out na rin si Joebel... pero si Cathy, nanatiling nasa tabi niya…

  • 7:24am
    Den Mar
    i'll pray for him.
  • 7:30am
    Joebel Analista
    Cathy: Thnk u dennis
    Give up n nga dw cya,kc d n nya kaya
  • 8:43am
    Den Mar
    thanks for being with him. sa panahong kailangang-kailangan nya ng makakapitan e pinili mong manatiling nasa tabi nya.
  • 8:56am
    Joebel Analista
    Cathy: Kaya lng wala dn nmn aqng magawa dennis,
  • 8:58am
    Den Mar
    ang pinakamahalaga, hindi mo siya iniwan... na hindi siya nag-iisa...

March 15, 2012
  • 7:17pm
    Joebel Analista
    Cathy: Un nga lng din ang mgawa q pra s knya..thnk u

March 15, 2012
  • 5:18am
    Den Mar
    i always pray for both of you. take care and be steadfast. god is always there in our lives.
  • 6:01am
    Joebel Analista
    Cathy: Thnk u dennis....sana nga mkyann ni joebel ang lhat na to

July 17, 2012

Pero pagkatapos magkasakit, ma-dialysis, at ma-depressed e eto na naman si Joebel, enthusiastic na naman sa mga MISSION niya sa buhay... bandang huli, maiisip mo na parang walang nangyari. hahahahaha.

  • 3:36am
    Joebel Analista
    h dennis. peace be ith you
    can you senme please the copy or software of the music composer
    ang gianagamit mo sa pagcompose?
    or san kanakaili
    bili nyan.

July 18, 2012
  • 6:34am
    Den Mar
    dito lang sa manila meron nun e.try ko i-send sa iyo yung program na ginagamit ko.

    Tapos matagal kaming walang communication... tahimik... usually, siya ang nangangamusta... akala ko okay lang siya. Nagpadala naman ako ng Christmas Card... pero wala siyang response. Nag-pasko, nagbagong taon... walang siyang balita... akala ko, binibigyan nya ako ng 'space' para mag-focus sa Tatay ko na nakaratay ngayon sa Hospital... ang alam ko... nagtuturo siya, nagka-Catechist, nagse-serve sa simbahan at nagdi-DJ sa radyo... parang walang sakit. laging busy... inisip ko, andyan naman si Cathy... alam naman ni Cathy kung kelan siya sasawayin at pinaalalahanan ko naman si Joebel about his health...
    basta ang alam ko, masaya naman siya sa ginagawa niya.

    hanggang sa nakibalita na ako. meron kasi akong na-meet na pwedeng mag-donor ng kidney...

January 12
  • 5:48pm
    Den Mar
    kamusta na?
  • 6:03pm
    Den Mar
    meron akong na-meet, interesado mag-donate ng kidney... kasi nai-kwento kita. try mo rin kahit alam mo naman na walang kasiguraduhan ang kidney compatibility test... kaya lang baka may chance.
    i am praying na gumaling ka, baka meron ka pa iba kaibigan na pwedeng tumulong sa iyo aside from us. kapag pinagsama-sama e maaayos din ang lahat.
    please reply asap. 
  • 6:09pm
    Den Mar
    hindi ko alam kung blessing in disguise ito, basta ini-inform lang kita. sabihin mo agad asap kasi baka maunahan ka pa ng iba.

January 13
ilang oras na ang nagdaan.... walang response...
nagtaka ako... kasi ito na yung gustung-gustong mangyari ni Joebel...
nag-try uli ako mag-message. alam ko kasi... he is really hoping na ma-operahan na siya. kaming mga nagmamahal sa kanya ay nangangarap na maoperahan na rin siya sa wakas. wala namang masama na magbakasali siya...

baka kasi mag-compatible sila nung donor na na-meet ko. 

sayang ang pagkakataon…

  • 11:26pm
    Joebel Analista
    Cathy: Hi dennis..aq ang nkbukas ng fb nya..col q nlng cya kung anu s knya..reply lng agad aq sau
  • 12:04am
    Den Mar
    thanks.

January 13
  • 4:34am
    Joebel Analista
    Cathy: Hi dennis..tinawagn q cya ngaun ..goodnews dw un para s knya..hndi p cya mkafb ngaun kc ngkafever cya 2 days na..pro sbi nya willing nmn cyang punthn at kauspin ka tungkol dto..
  • 4:52am
    Den Mar
    thanks. paki-sabi sa kanya na mag-iwan na lang siya ng message dito sa FB kapag gumaling na siya. magcheck naman ako from time to time. exam week namin ngayon pero magcheck ako lagi. thanks.
  • 4:53am
    Joebel Analista
    Cathy: Ok dennis..thnk u so much..god bless...good luck s exam

Today
ilang araw na walang response... ang hindi ko alam, tuluy-tuloy na pala ang pagkakasakit ni Joebel... bumigay na pala siya. nanatiling pangarap na lamang ang operasyon niya para sa aming naghahangad na gumaling siya.

Malungkot man ang kanyang pagpanaw, alam ko na hinilom na siya ng Diyos.
Cathy, salamat at hindi mo siya iniwan hanggang sa pinakahuli...

sa mga kaibigan niya... maraming salamat din dahil pinasaya ninyo siya...
  • 4:04am
    Den Mar
    joebel, kung nasaan ka man, alam ko e mas okay ka ngayon. i heard you're calling my name twice last sunday morning nung nagwawalis ako nung ground and nung nagpapaligo ako nung mga aso... kala ko minumulto na ako, e ikaw lang pala yun. take care where ever you are. be with God always.






Cathy, Joebel,  and Den Mar