Monday, May 23, 2011

Panimula

  

   Engkwentro... ito ang freedom board ng aking buhay makata habang dinadaluyong ko ang mabato, matinik at makipot na landas ng buhay pagka-relihiyoso. Dito ko isinasatitik ang mga pinagtagpi-tagping mga biyayang inampon ko buhat sa Panginoon.
     Sapagkat ito ang pisara ng aking buhay... nais kong ibahagi ang mga pinagtagni-tagning karanasan ko sa pakikipag-ulayaw ko sa Banal na Sakramento... kung paanong ang grasya ng Panginoon ay gumagalaw sa isang ordinaryong panahon, pagkakataon at sitwasyon... kung saan man ako padparin ng hangin sa tinatawag kong kahiwagaang ito ng buhay na bumibigkis sa akin upang manatili ng buong kagalakan sa pakikipagniig sa Panginoong Lumikha...
   Mula sa dating makasalanang ako patungo sa nagbabagong  ako...
   Engkwentro... ito ang heart to heart talk namin ng Panginoon...
   ... na humantong sa isang malalim na ibigan...

=====
English Translation:

Prelude

Encounter... as a poet and as a religious brother, this blog serves as my 'freedom-board' where I can express my reflections inspired by the day-to-day graces coming from God.
Here, I generously share to all of you all the insights I've  learned through my personal encounters with the Lord in the Blessed Sacrament.
This is my heart-to-heart encounter with the Lord which eventually has gone deeply and has become a burning love that ablaze my heart...

No comments: