Tuesday, March 5, 2013

On Life

kapag nag-suicide ang isang tao
pinanghihinayangan ko ang buhay
etong nanghihingi naman sa akin ng pagkain para mabuhay
e ni hindi ko nga binibigyan kahit kaunti
inaantay ko pang mamatay muna bago ko tapunan ng tingin.

minsan ang inisip ko
bakit kaya hindi ako ginawa ng Diyos na pulubi?
siguro... wala kasi akong pasensya sa buhay
at pagpapakumbaba na meron sila...
patawarin nawa ako ng Diyos
dahil hindi ko siya naibabahagi sa aking kapwa. Den Mar

No comments: