Matagal na panahon din
Nang mahimlay ang aking pagkamakata
Na halos ibaon ko na sa libingan
Nang kawalang pag-asa
Pagkat dugo ang luhang isinusuka ng aking pluma
Habang nanginginig kong ipinipinta ang bawat kataga at letra
Nang mga larawang binubuhay ng aking ligaya at kalungkutan
Na sa pawang katahimikan lamang umaalingawngaw ang kanilang bawat paghinga. denmar
No comments:
Post a Comment