It could be a flood gate to our society's many 'immaturities' :
1.lowering the voting age to nine (9) years old.
2.allowing a nine year old to seek job instead of going to school.
3.marrying at the tender age of nine year old.
4.legally represent himself without the consent of his parents at the age of nine.
(Could they buy guns at the age of nine?)
The root of the problem is their lack of parental care, good role modeling, and guidance.
Kung nagmura ang isang bata, ang tanong... sino ang nagturong magmura sa bata? Kung may nagnakaw, ang tanong ay saan natutunan ng bata ang magnakaw? Kung may nang-rape, ang tanong... saan ng bata natutunan mang-rape?
Sa movies, video games, sa unlimited internet, sa absentee parents, sa kahirapan, sa problema ng lipunan, sa mga ini-idolo ng mga bata na dapat sana ay nagiging good role model nila... offender ba talaga sila o biktima? Ni hindi pa nga fully developed ang brain nila to decide on their own. If we give-up on them, we will take away their opportunity to become children who are in need of understanding, patience, and second chances. We will condemn their childhood with imprisonment, a severe punishment designed for grown-ups.
Why can't we understand that the grown-ups were the reason why they became who they are now. They were manipulated and asked to do things na hindi pa nila naiintindihan... "Kaya mo bang magbenta ng drugs... kung hindi mo kaya ay sisiw ka pala." It is not about the crime but their curiosity that is being abused and corrupted by their evil mentors.
For a child, imitation is the first stage of learning. Their involvement with crimes is not about doing something good nor evil but to please those people whom they consider significant to their life.
It is better to teach them how to control themselves; than, making a bill that will control them thru imprisonment. Behind bars, they will lose their tender years of exploration, learning, and growth in the real world where they could interact with other people. Their stay inside a jail full of criminals will just provoke hatred, and the cycle of revenge. It is possible that from another fellow-gangster they will perfect the art of doing crime that will ignite their curiosity and rebellion against the society that convicted them. Sooner or later, they will become masters of pain. They will no longer fear being jailed anymore and with this severe stubborness we, as a society, will push again for death penalty. Death penalty means, "We are surrendering our hope for them... for we no longer have faith to the capacity of any hard-hearted criminals to change for the better... because we are too angry to love."
Forgiveness is often learned in giving second chances. It seems that, our society is in need of more patience so as to understand these juvenile delinquents.
Through counseling, mentoring, and guidance we could penetrate the deepest core of their hardened hearts. We need to listen to them so that we could respond to them with love and compassion.
.
Worse Comes to Worst--
Sabihin na nating na-meet mo na ang pinakamasamang batang hamog... binato yung windshield ng kotse mo at nabasag, tinawanan ka pa at pinagmumura pa, na-dirty finger ka pa... o yung kabataan na nang-rape ng kapwa niya kabataan or yung grupo ng kabataan na nakapatay ng na-bully nila... sapat na ba ang mga ito para tanggalan sila ng kanilang kabataan at hindi na bigyan sila ng pagkakataong makapagbago sa hinaharap? Sa murang edad, ang itatawag na sa kanila sakaling mapalaya man sila ay EX-CONVICT. Ito na ang magiging identity nila.
E kung anak mo sila... or kung kapatid mo sila... or kung kaibigan mo sila... siguro naman, hindi naman at all times ay puro kasamaan ang nagawa nila. For sure, alam natin na may kakayanan din silang magmahal. Maaaring napunta lang sila sa isang posisyon na naging masyadong adventurous sila kung kaya naging mapangahas sila at naging out of control sila.
Sana ay maisip natin na iba ang gravity ng kasalanan ng isang menor de edad na hindi alam ang consequences ng kanyang ginagawa kumpara sa isang taong nasa tamang edad na may capacity na mag-isip ng tama pero nagdecide na gawin pa rin ang isang bagay na mali.
.
Rights of a Child and the Child's Responsibilities--
Sino ba sa ating mga matatanda ngayon ang hindi nagkamali nung tayo ay bata pa? Nakakatawa, hindi nga natin makanti ang mga bata dahil sa BANTAY BATA 163 tapos ngayon e ipapakukulong naman ang isang 9 years old para makatikim ng pambubugbog sa loob ng bilangguan.... napaka-extreme at nakakalungkot.
I think, one of the sound solutions is to educate and to empower the parents, teachers, and those who take care of these children. Turuan sila kung paano magbigay ng tamang disiplina sa mga batang nagkakasala. With this present situation, masasabi nating hindi applicable sa atin na totally ay i-ban ang corporal punishment sa pagdisiplina ng mga magulang sa mga bata. Bantay Bata 163, on the extreme side, almost took away the rights of the parents, guardians, and teachers to discipline their children. For almost a decade now, naalala ko, kapag pinagalitan ang bata e magda-dial na agad ng Bantay Bata 163 to the point na gawing panakot nga ng mga bata sa mga magulang ang hotline na ito. At ngayon eto na ang problema... mga law offenders at matitigas na ulo na mga kabataan.
Ika nga, Prudence is the mother of all virtues... hindi pwedeng maluwag sa pagdidisiplina kasi aabuso ang mga bata at hindi rin pwedeng masyadong mahigpit kasi masasakal naman ang mga bata. Yes, these children have their natural rights but beyond these rights are responsibilities that they need to shoulder for them to become mature citizens.
.
'Strike While the Iron is Hot'--
Ang mga bata ngayon, ayaw makinig at ni hindi makanti ng mga magulang na bumubuhay sa kanila pero kapag nagpa-member sa fraternity or gang na gusto nilang masalihan e handang magpa-bugbog at magpaghambalos ng dos por dos para lang mapabilang sa grupo na halos patayin sila at ikapahamak nila. Dito pa lang sa disposisyong ito, e maliwanag na hindi nila ganap na alam ang kanilang ginagawa. Na dapat naman talaga nating i-guide sila sa pag-gawa ng mga desisyon sa buhay habang bata pa sila para na rin sa ikabubuti nila sa pagharap nila sa kanilang future.
Siguro, sa aking pananaw, mas mainam na mapagsabihan o mapalo sa pwet ang isang bata na talaga namang may katigasan ang ulo para madisiplina basta huwag lang sosobra. Yung mga nakalabag talaga sa batas ay mas katanggap-tanggap kung maipa-rehabilitate sila at mapaliwanagan sa Bahay Pag-asa ng DSWD... pero ang ipakulong sila, i think, sobrang parusa naman ata iyon para sa murang edad na siyam na taong gulang. Sa ganitong murang edad, mas narararapat na panagutin sa batas ang mga magulang na nagpabayang arugain ang mga sarili nilang mga anak. Masakit man pero madalas ay totoo na kapag ang bata ay pasaway ay malamang pasaway din ang mga magulang nito. Pero, sana sa halip na ipakulong ang mga iresponsableng magulang, mas makakainam ng bigyan sila ng Parenting 101 na magiging tool nila sa pagpapalaki ng maayos sa kanilang mga anak. Kung ang mga bata ay bibigyan ng pangalawang pagkakataon, siguro ay marapat na gawin din ito sa kanilang mga magulang para maitama nila ang kanilang mga naging pagkukulang. Everyone deserves a second chance.
Yup, mahabang proseso ito. Mahirap kung tutuusin. Pero magandang simula para magkaroon ng matiwasay na pagbabago sa bawat pamilya ng bawat kabataang Pilipino.
.
Just saying. Opinyon lang po.