Saturday, March 30, 2019

Suspek

Lagi na lang nakikita
Kahit konting problema
Lagi na lang nasisisi
At mukhang ang pinakamatinding kasalanan ko na lamang
Ay ako ay ipinanganak.

Bakit ganito kayo sa akin?
Hindi ba man lamang ba iniisip ang aking nararamdaman
Sa bawat panlilibak ninyo
Sa bawat pagbilang sa aking bawat pagkakamali
Sa bawat paghusga ninyo sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan
Na matagal ko na namang pinagdusahan

Hanggang ngayon,
Sa lahat ng pagkakataon
Ako pa rin ang inyong sinisisi
Hanggang ngayon, sa bawat pagkakamali
Ay ako pa rin ang inyong pinagbibintangan

Matagal na ninyong pinatay ang nalalabing pag-asa sa aking puso
Matagal na ninyong inilibing ang mga magaganda kong ala-ala
Wala na akong puwedeng makapitan
Kundi ang masasakit at mapapait na ala-ala
Nang bawat paglibak ninyo sa akin sa araw-araw

Lahat na ng mga salita ay sinabi mo sa akin
"Ako na ang masama, ako na angmalas,
Ako na tarantado, ako na ang tanga
Ako na ang gago, ako na ang tarntado
Ako na ang demonyo..."
Lahat ng ito ay ako...
Wala na akong dignidad
Upang pabulaanan pa ang mga ito
Dahil hinubaran na ninyo ako
Ng buong pagkatao ko.

No comments: