Wednesday, February 13, 2013

Mag-isa


maraming pagkakataon
kapag wala na akong magawa
yun bang sumusuko na ako
napapatigagal na lang ako

humihinto ang oras
wala akong masabi
kasi... wala rin akong alam na pwedeng gawin
tila sabay-sabay na bumubugso
yung biglang pakiramdam ba na...
napapagod ka na

kulang ang oras kasi
kapag gagawin mo ang isa
mawawalan naman ng oras ang isa
tuhog-tuhog kasi ang mga schedules
pare-pareho
sa magkabilang aspeto
ang presensya ko ang kailangan

hindi ko malaman kung ano ang uunahin
dahil lahat ay gumagambala sa akin
mas nakakapagod isipin ang wala kang magawa
dahil mas nanakaubos ng lakas
ang manghinayang sa mga nawawalang pagkakataon

kahit saan ako tumingin
laging naroon ang dagliang pangangailangan
laging may nag-aagaw buhay
hindi ko naman pwedeng hatiin ang aking sarili
pero ramdam ko lagi ang gumuguhit na sugat
na nililikha nito
sa aking puro latay nang kaluluwa

mahirap ang hindi iyaking katulad ko
walang pwedeng labasan ng kalungkutan
humahagulgol na ang aking kaluluwa
heto... tila hindi naaapektuhan dahil nagmamatigas lang
ang nakikita lang nila
sarili ko lang ang iniintindi ko
kung alam lang nila
ang sakit na nandoon sa aking puso
kung makikita lamang nila ang tinik
na dumadahagi (caused of bitterness) sa aking lupaypay nang pagkatao
kung mabibilang lamang nila ang lamat na iniwan nito sa aking kalooban
doon nila marahil mauunawaan
kung paano lumagay
sa kinasasadlakan ko:
hindi ako nakatulala lang ng walang dahilan
kasi... naaapektuhan ako...

yung mabigat na kalooban
yung pakiramdam na gusto mong sumabog
pero wala namang balikat na pwedeng iyakan
o makapagkwento man lang
at maglabas ng iyong nararamdaman
ng walang biases... ng walang spiritualization
yung makikinig lang
pero wala iyon...

nakakatawa...
naghahanap ako lagi ng wala
wala nga e
e di wala

sa bandang huli
ang lagi kong nari-realized...
ako lang din ang...
nagpapatahan sa aking sarili....

pero hanggang kailan ito...
kailan ba ninyo ako mauunawaan?





Den Mar