Sunday, February 10, 2013

Mula sa Aking Ama



bumangon ka aking anak
mula sa iyong mapait na nakaraan
hawakan mo ang aking kamay
iaahon kita sa kadiliman

manalig ka at huwag mangamba
kukumutan kita ng pag-asa
hindi kita iiwan kaylan man
tumahan ka na aking anak

kukupkupin kita sa iyong pag-iisa
aaluin kita sa iyong pagluha
kukubkubin (embrace) kita ng pagmamahal
isisilong kita sa aking piling kaylanman.




Den Mar











No comments: