malimit... ang pinakapangit nating ala-ala
ang lagi nating binabalikan
malamang...
iyon ay sa dahilang
hindi natin matanggap
na natalo ang ating sarili...
mas nanghihinayang tayo
hindi natin matanggap
na natalo ang ating sarili...
mas nanghihinayang tayo
sa sandaling pagkakataong nawala
kaysa sa ngayon at bukas
na ating pinakakawalan
mas iniiyakan natin
ang saglit na sandali
na matagal nang lumipas
at matagal nang naglaho
at matagal nang naglaho
dahil patuloy tayong naaawa
sa ating nabigong pagka-sarili
kung kaya
hindi tayo makapagpatawad
at hindi natin mabura ang bakas
ng ating madilim na nakaraan
huwag mong hayaang
huwag mong hayaang
maging biktima ka ng kahapon
isang bahagi mo lang ang inagaw
buong pagkatao mo na ang nagluluksa?
huwag mong hangaring mamatay
huwag mong hangaring mamatay
kung ayaw mo nang mabuhay
manatili ka man lamang sana
manatili ka man lamang sana
para sa taong sa iyo ay nagmamahal.
Den Mar
1 comment:
tama :)
Post a Comment