Thursday, February 14, 2013

Eyeball


mabigat na kalooban...
malimit dinadala ako nito sa simbahan
sa sobrang busy na kasi ng ating mundo
kahit pa sabihin natin na over-populated na ito
nakapagtataka
wala ka man lang kahit isa na maka-usap
lahat ay busy
lahat ay may ginagawa

doon sa katahimikan ng simbahan
uupo lang ako
makikipagtitigan kay Jesus dun sa Blessed Sacrament
wala lang
presence to presence
parang nagkakaunawaan na kami

tapos...
magsisimula na akong magkwento
andami kasing mabigat akong saloobin
wala lang talaga akong mapagsabihan
si Jesus lang ang matiyagang nakikinig
nakatingin sa akin
mata sa mata

andun din si Mama Mary
kinakausap ko din
sabi ko
paki-bantayan naman yung mga mahal ko sa buhay
may delubyo na naman sa aming pamilya kasi
wala ako doon
at wala din akong magawa
wala akong matakbuhan
kaya dito ako sa simbahan napadpad

sabi ko kay Jesus
'peram' [contraction ng saling 'pahiram'] muna ng nanay mo
pasasamahan ko muna sa kanya
yung mga mahal ko sa buhay
kasi
hindi ako makauwi
hindi ko sila magawang makitang personal isa-isa
hindi ko magawang aluin sila sa kanilang pangungulila
hindi ko magawang bantayan sila kapag sumapit ang dilim
hindi ko magawang yakapin sila kapag gusto na nilang sumuko
kasi...
wala akong magawa
basag-basag din kasi ako
ako rin kasi ay nangangailangan ng tulong
sa sobrang dami ng problema
parang ako mismo... bibigay na din
"suko na po talaga ako..."

maya-maya lang
matapos ang usapang iyon
na malimit ay humahantong sa iyakan
pakiramdam ko
gumaan ang aking niloloob
siguro may himala
kanina lang
gusto ko nang mamatay
ngayon
parang may dahilan na naman ako upang mabuhay
kanila lang
gusto ko nang sumuko
pero ngayon
may nakikita na naman akong silahis ng pag-asa
parang biglang-bigla
tumibok muli ang puso ko upang magmahal
marahil
nasaling ako ng Banal na Mag-ina na ito
na lubhang nagmamahal.




Den Mar




No comments: