Friday, September 28, 2012
The Unknown Scout
Ayon kay Henry Van Dyke, from the Boy Scout Handbook which circulated around 1927--nung pumunta sa London si William Dickson Boyce sa London e masyadong mahamog ang panahon. hindi niya makita kung saan ang daan hanggang sa batang lalaki na nagmagandang loob sa kanya. Binitbit ng bata ang kanyang briefcase at masaya siyang inihatid sa kanyang patutunguhan. Nung bibigyan na ni William ng 'tip' yung bata, tumanggi ito. Ipinaliwanag ng bata ng ang ginawa niyang pagtulong ay bahagi ng kanyang pang-araw-araw na gawain na tumulong sa kapwa bilang isang Scout.
Mula sa London, na-ispired si William na dalhin ang Scouting sa America. At mula sa mga Amerikano, lumaganap ang Scouting dito sa Pilipinas na nagsimula sa Zamboanga ayon sa pagkaka-kwento ni Scouter Ramon Bonifacio, World Scouter at kasalukuyang Scouter sa Rizal Council. Sa Zamboanga kasi ang naka-register ang Troop No.1.