God has made us unique to one another so that we could appreciate the giftedness of one another.
Kasi sa buhay na ito, para tayong nasa isang sasakyan. Isa lang ang manibela at isa lang ang pwedeng mag-drive. To participate into one another’s giftedness pwede naman tayong makibiyahe sa buhay ng bawat isa bilang mga pasahero na may kanya-kanyang kwento sa ating mga personal na buhay. Ang driver e hindi naman laging alam kung saan pupunta kung kaya may mga panahon na magtatanong siya ng direksyon. Minsan, gugustuhin niyang umupo tayo sa kanyang tabi para makipagkwentuhan tungkol sa buhay-buhay, maaaring nais niyang saluhan natin siya sa pakikinig ng radyo nang sa gayon ay hindi siya antukin at pare-parehong makarating tayo sa landas na ating patutunguhan. Maaaring maraming daan na pwedeng baybayin, subalit isa lang ang patutunguhan. At dahil tayo ay nasa isang sasakyan, sama-sama at sabay-sabay tayong patutungo doon.
Sa basketball hindi naman lahat e pwedeng mag-coach. Ang alam lang natin ay ang maaksyong pakikipagbabakbakan ng mga players sa hardcourt dahil maaaring ito lamang ang anggulo (angle) na ating nakikita. Ang hindi natin masyadong nabibigyan ng atensyon ay ang tagpong mayroong teamwork na nangyayari. Sila ang naglalaro, nagtatakbuhan, nakikipagbalyahan at nagsu-shoot ng bola. Pero bilang manonood, napapasigaw tayo. Napapatalon. Nagagagalit kapag mali ang tawag ng referee. Naaapektuhan ng cheering ng opponent team. Apektado tayo. Ito ay dahil hinayaan natin sila na i-drive ang ating emosyon. Sinaluhan natin sila sa intensity at pressure ng paglalaro para gawin ang buo nilang makakaya para manalo. Kapag nanalo sila, inaaari natin sila bilang ka-team. "Yes! Ang galing naman ng aming ka-TEAM!" "Ang galing NAMIN!" Na parang tayo ang naglaro, nag-dribble, at nag-shoot ng bola. Maaaring nakita natin sa kanila ang ating gustong mangyari sa buhay. Sila ang naging buhay na pagsasalarawan ng ating mga hinahangad sa buhay. Maaaring, sila ang nagiging modelo ng ating gustong 'maging' sa ating buhay. Apektado tayo dahil tayo ay nakinig. Apektado tayo dahil tayo ang nakakita. Apektado tayo dahil tayo ay nakibahagi at kulang na lang e isuot natin ang kanilang sapatos upang tayo ang pumasok sa court upang makipaghagaran para i-shoot ang bola. Apektado tayo dahil tayo ay nakikisimpatiya (sympathy). Sympathy yung kaya nating ramdamin yung pinagdadaanan ng isang tao sa kanyang buhay. Kung saan, naa-appreciate natin yung kanyang mga pinanghahawakan sa buhay maging malaki o simple man ito. At kung saan kapag siya ay umiyak, kaya natin silang yakapin at sabihing: "Andito lang ako, iintayin kita hanggang mailuha mo ang lahat ng iyong nasasa-loob." Kasi, hindi naman sa lahat ng laro e lagi tayo ang nananalo... mas madalas pa nga... tayo ay natatalo. Pero sa sitwasyong ganito, kaya pa rin ba nating manatili sa isang tao upang i-appreciate siya kahit sa maliit na effort na kanyang ginagawa? Kung ako ay isang coach, kaya ko bang magtaya (to bet) sa isang tao na maliit lamang ang chance upang maging isang winner?
Kahit saang aspeto ng buhay, kapag nagiging appreciative tayo sa ating kapwa, naroon yung elemento ng pagiging malaya. Ang isang taong na-appreciate ay nagiging malayang gumalaw ng naaayon sa kinakailangan. Malaya siyang nagiging buhay na sining ng kanyang pagpupunyagi. Nagiging malaya siyang magpahayag ng kanyang pagsasabuhay ng salita ng Diyos sa kanyang ordinaryong buhay-buhay.
Tayo, bilang mga kapatid ay lumalaya rin sa pamamagitan ng pagtanggap natin sa ating kapwa na ang kanyang ginagawa ay para sa ikararangal ng ating Panginoon. Alam naman natin na ang pagmamalaki ay pawang pagmamayabang lamang na walang patutunguhan dahil hindi nais ng Diyos na abusuhin natin ang ating likas na kakayahan. Subalit, alam din sana natin na may mga pagkakataon na may mga tao na ang kilos at galaw sa ilang mga bagay na kanilang napupusuan ay sadyang espesyal. Espesyal (special) dahil kahit hindi na sila mag-exert ng effort ay nag-uumapaw pa ring lagi ang kanilang natural na galing.
Para bang maaaring maikumpara ito sa isang magkaibigan na ang isa ay lumpo at isa naman ay bulag. Alam ng lumpo na kahit ano ang gawin niyang practice ay hindi siya makakalakad. Gayon din naman ang bulag, tanggap niya na hindi niya makikita ang kanyang matalik na kaibigan. Pareho man silang may kapansanan subalit hindi natin maiaalis sa kanila ang umasa. Umaasa ang pilay na balang araw ay makakakita ang kanyang matalik na kaibigang bulag. Patuloy namang nagdarasal ang bulag na isang araw sana ay makalakad ng maayos ang kaibigan niyang lumpo. Hindi naiingit ang pilay sa kanyang kaibigan bulag na nakapaglalakad dahil ang kaibigan niyang naglalakad, bagamat bulag, ay siya pang umaakay sa pilay na kaibigan. Pinapasan siya nito sa kanyang likod. At ang pilay na kaibigan ang nagiging mata ng bulag sa daan na hindi niya makita. Pareho silang may kakulangan at pareho rin silang may pangangailangan. Ang magandang nangyari sa kanila, pareho nilang nakita ito sa isa’t-isa: They are both wounded pero sila rin ang naging healer ng bawat isa. Iyon ay dahil sa appreciation. Pareho nilang nadama ang giftedness ng bawat isa sa sandaling iyon. Parehong umaasa sila ng kagalingan (cure) sa hinaharap subalit nanatili silang buhay sa katotohanan. Hindi nila pinalagpas ang masasayang sandali ng kanilang pagkakaibigan sa hinagpis na maaari nilang pagsaluhan. Sa halip pinili nilang tumawa, maglakbay at magkwentuhan ng mga kaligayahang naghuhumiyaw sa kanilang puso at kaluluwa.
Nakikisaman tayo sa ating kapwa hindi lang dahil kailangan lamang natin sila. Kundi dahil nakikita natin ang Diyos sa kanila. Naa-appreciate natin ang ating kapwa hindi lamang dahil sa humahanga tayo sa kanila kundi dahil nakikita at nararamdaman natin ang biyaya ng Diyos sa kanila.
Ito marahil ang totoo sa ating buhay. Hindi lahat ay nasa atin. Mayron at mayroon pa ring elemento ng ating kaligayahan na hahanap-hanapin natin sa ating kapwa. Kung bakit? Dahil ginawa tayo ng Diyos na mga tao upang makipag-relasyon. Ang Diyos na nasa tatlong persona ay isang magandang relasyon. Tayo bilang kanyang mga nilikha ay isang magandang relasyon. Kapag tayo ay nananalangin at tumatawag sa Diyos, tayo ay ay nakikipag-relasyon sa Diyos. Kapag tayo ay nakikipag-ugnayan sa ating kapwa, tayo ay nakikipag-relasyon pa rin. Ang pinakamaganda rito, hindi lamang ito isang basta-bastang pakikipag-relasyon, dahil ang relasyon na ito ay relasyon na mayroong masidhi at nag-uumapaw na pag-ibig.
Mahal tayo ng Diyos dahil tayo ay mula sa kanya. Ang lahat ng atin ay mula sa kanya. Kung kaya ang nakikita natin sa ating sarili at ang mga nakikita natin sa ating kapwa ay mula sa Diyos na umiibig at nagmamahal. Tayo bilang mga stewards (tagalog: tagapangalaga) ng mga biyayang ating inampon (received), nasa ating mga kamay kung paano ang mga ito ay ating maibabahagi sa ating kapwa.
May panahon na nagso-solve tayo ng picture puzzle. Ang puzzle ay may hugis na maaaring ipang-connect sa bawat isa. Para mai-connect ito, kinakailangang ma-identify natin yung eksaktong bahagi na may tamang itsura para mabuo natin ang isang malaking larawan. Ang picture puzzle ay pagko-connect ng mga maliliit na pira-pirasong larawan upang makabuo ng malaking larawan.
Ganoon ang buhay minsan. Ang ating mga sarili ay mga maliliit na piraso ng picture puzzle. May kulay, may kwento, may himig, may musika. Kapag pinakinggan mo ang tibok ang puso, merong kwento na nakakapagpatawa at nakakapag-paiyak. Ang ating buhay ay kino-connect sa kapwa buhay na mayroon ding kanyang dala-dalahin sa buhay. Tayo, bilang maliliit na pira-piraso ng picture puzzle ay nakikipag connect sa ibang buhay (living) na larawan upang makita natin ang mas malaking larawan, ang larawan ng Diyos na binubuo ng bawat iba't-ibang kwento ng ating iba-ibang buhay. Doon natin mari-realize, na hinayaan ng Diyos na tayo ay maging malaya upang magmahal at mahalin ng ating kapwa.
Kapag hinahayaan natin na ang ating kapatid ay gumaganap ng naaayon sa kagustuhan ng Panginoon, napapalaya natin ang ating sarili sa pag-aalinlangan. Nararamdaman naman natin ito dahil puso sa puso ang nag-uusap. Kung may mga bagay na higit pa doon, Diyos na ang nakakaalam. Siya ang higit na nakakatalos ng ating sinseridad (sincerity). Batid niya ang nilulunggati (hope, aspiration, dream) ng ating puso. Batid niya ang bawat reklamo ng ating pagkatao.
Tayo-tayo rin naman ang magtutulungan sa bawat oras. Tayo-tayo rin naman ang mag-aasahan kapag dumating ang panahon. Maraming maaaring baguhin ang pagiging appreciative. Napapalalim nito ang pakikipag-kaibigan. Napapalawak nito ang ating pag-unawa sa ating kapwa. Natatanggap nating ng buong-buo ang ating kapwa dahil natuto tayong magmahal sa ating kapwa.
May mga pagkakataon na matututo tayong magparaya dahil hindi naman lahat ng tungkol sa ating kapwa ay matutunan nating gustuhin. Laging naroon ang pagkaka-iba. Subalit sa kabila nito, kaya pa rin nating i-respeto ang kanyang uniqueness. Kaya pa rin nating sakyan ang kanyang mga trip sa buhay. Alam natin kung kelan (tagalog: contraction of the word-- kailan; english: when) siya pag-sasabihan kapag sobra na o kung kailan siya pupurihin kapag may nagawa siyang kapaki-pakinabang para kabutihan ng kanyang kapwa.
At ganun din naman naman tayo. Alam natin kung kelan tayo magpupumilit at kung kelan tayo magpaparaya. Lagi naman, may mga mga bagong ideya na mas maganda sa ating unang naisip. May mga mga bagay na sadyang alam tayo at mayroon din naman na hindi natin alam. Ang challenge ng panahon ay kung paano tayo magiging bukas sa mga pagbabagong ito. Hindi natin kaaway ang pag-babago dahil natural sa lahat ng bagay ang pagbabago. Hindi nangangahulugan na kapag mayroon mas magaling sa atin ay wala na tayong maaaring gawin. Hindi nangangahulugan na kapag mayroong mas bagong ideya ay wala na tayong maaaring i-contribute.
Malimit kasi, kapag humantong tayo sa sitwasyong ito, nate-threaten ang ating ego (pride). Lagi tayong bumabalik sa trauma ng ating nakaraan kung saan may malagim tayong karanasan. Walang namang gustong masaktan, wala namang gustong mag-isa, walang gustong mapahamak at wala ring gustong maging biktima. Walang taong perpekto, lahat naman tayo ay mayroong dinadalang takot at sakit sa ating mga puso. Ang hindi lamang maganda, kung lubhang naaapektuhan ang ating buhay at pakikipag-relasyon sa ating kapwa dahil mga pangambang ito. Kinakailangan nating patawarin natin ang mga nagkasala sa atin upang malampasan natin ang traumatic moment na ito. Hindi naman nangangahulugan na kailangang kalimutan ang lahat ng mga masalimuot na ala-ala ng nakaraan dahil natuto rin naman tayo rito kundi matuto tayong isantabi ang mga bagay-bagay na nagiging hadlang upang tayo ay maging mabuti at mapagmahal na tao. Sa bandang huli, kinakailangan nating patawarin (forgive) ang ating sarili, dahil sa pagpapatawad ng ating sarili ay mauunawaan natin na tayo ay may kahinaan din at kailangan natin ang pagsuko sa Diyos upang hayaan ang Kanyang kamay na gumawa sa pinakailalim-ilaliman ng ating sugatang budhi (Christian conscience) at upang manahan ang kanyang Espiritu na maging hininga ng ating buhay.
Malimit kasi, kapag humantong tayo sa sitwasyong ito, nate-threaten ang ating ego (pride). Lagi tayong bumabalik sa trauma ng ating nakaraan kung saan may malagim tayong karanasan. Walang namang gustong masaktan, wala namang gustong mag-isa, walang gustong mapahamak at wala ring gustong maging biktima. Walang taong perpekto, lahat naman tayo ay mayroong dinadalang takot at sakit sa ating mga puso. Ang hindi lamang maganda, kung lubhang naaapektuhan ang ating buhay at pakikipag-relasyon sa ating kapwa dahil mga pangambang ito. Kinakailangan nating patawarin natin ang mga nagkasala sa atin upang malampasan natin ang traumatic moment na ito. Hindi naman nangangahulugan na kailangang kalimutan ang lahat ng mga masalimuot na ala-ala ng nakaraan dahil natuto rin naman tayo rito kundi matuto tayong isantabi ang mga bagay-bagay na nagiging hadlang upang tayo ay maging mabuti at mapagmahal na tao. Sa bandang huli, kinakailangan nating patawarin (forgive) ang ating sarili, dahil sa pagpapatawad ng ating sarili ay mauunawaan natin na tayo ay may kahinaan din at kailangan natin ang pagsuko sa Diyos upang hayaan ang Kanyang kamay na gumawa sa pinakailalim-ilaliman ng ating sugatang budhi (Christian conscience) at upang manahan ang kanyang Espiritu na maging hininga ng ating buhay.
Ang pag-appreciate sa mga bagay na bago sa ating panlasa at pagtingin ay isang malaking bagay upang magkaroon ng pagbabago. Ang pag-critique (positibong pagpuna) upang mababuti ang mga makabagong ideya ay isang magandang paraan upang madalisay ang isang magandang iniisip para sa ikabubuti ng ating kapwa. Magandang pamamaraan ng pagdadalisay (process of purifying) ang malayang pagpapalitan ng mga kuro-kuro kung saan nagkakaroon ng tulay sa pagitan ng old-generation at younger generation kung saan walang tagisang nagaganap kundi pawang appreciation lamang.
Sa huli, kapag natuto tayong mag-appreciate sa ating kapwa, naa-appreciate din natin si Hesus na ating minamahal na nagmamahal din sa kanila. Si Hesus ang susi upang matutunan nating mahalin ang ating kapwa. Dahil bago tayo nagmahal, tayo muna ang minahal ng Dyos na buhay (living God) na sa pamamagitan ng Espiritu Santo (Holy Spirit) ay ganap na nananahan sa ating lahat.
Kapag tayo ay nag-adore sa Blessed Sacrament, ibinabalik natin ang lahat ng mga biyayang ating natamo dahil ang ating inihahandog ay ang kabuuan ng ating sarili. Ang nanaghoy at nagpapatirapa sa harapan ng Panginoon ay ang ating sarili na nagmamahal at nasasaktan. Itinataas natin sa Panginoon sa Banal na Eukaristiya (Blessed Sacrament) ang ating mga isinusuko sa buhay. Sa kabila ng ating mga pagkukulang, sa kabila ng ating pagiging hindi kaibig-ibig...heto may isang Diyos pa rin na nasa anyo ng tinapay ang tumatanggap sa atin. Siya si Kristo na unang nagbigay ng buhay para sa ating kaligtasan. Siya si Kristo na tinatanggap natin sa bawat Misa (Mass) na ating pinagsasaluhan. Siya na isang Diyos na yumakap sa ating kababaan sa pamamagitan ng kanyang pagpapakatao ay ang Dyos na nag-appreciate sa ating mahina at marupok na pagpapakatao. Mula sa kanyang pagkakatao, doon sa krus, nagdusa at namatay alang-alang sa ating kaligtasan. Mula sa ating pagiging makasalanan, hinango Niya tayo patungo sa kaliwanagan.
Ito marahil ang karukrukan ng appreciation. Yung kahit ano ang mangyari e mayroon pa ring magmamahal sa atin sa kabila ng lahat. Sana, hindi man natin mapantayan ang pag-ibig ng Diyos, katulad ng mga pasahero sa isang sasakyan ay makinig tayo sa kwento ng bawat isa. Katulad ng mga player sa isang team, makisalo naman tayo sa pakikibaka sa tagumpay ng bawat isa. At katulad ng magkaibigang bulag at pilay... akayin natin ang bawat isa at maging liwanag tayo ng bawat isa. Kapag pinagtagni-tagni (connect) natin ang ating mga buhay-buhay na may kanya-kanyang kwento ng kaligayahan at kalungkutan, doon lamang natin higit na mauunawaan ang napakagandang larawan ng Diyos na sa ating lahat ay nananahan.
Ang pinakamagandang mga lupon ng mga salita na nari-realize ko ngayon ay, "Mahal ako ng Diyos, Mahal ka rin ng Diyos, Mahal tayong lahat ng Diyos... Dahil mahal ko ang Diyos... mamahalin ko rin ang mga taong minamahal niya... at dahil doon... Mahal na mahal din kita..."
===
go to a recollection:
http://denmar1978.blogspot.com/2013/04/one-week-on-line-recollection.html
Br. Dennis DC. Marquez, sSSS