Thursday, June 13, 2013

Kabalintunaan

hindi ako hinahanap
hindi ako sinasaway
hindi ako pinagbabawalan
dahil ako pala ay hindi minamahal.”

Oo, ako ay ganap na malaya
dahil wala sa aking nagmamahal
kung kaya walang nag-aalala

at wala ring naghahanap...

No comments: