ang pinakamatinding kasalanan ng tao sa sangkatauhan ay ang pagiging gahaman. iniluluklok niya ang kanyang sarili sa kapangyarihan upang gumawa at magpatupad ng batas na maglilingkod sa makasarili lamang niyang pangangailangan. kahit patay na siya, marami pa ring buhay na kaluluwa ang nananatiling nagdurusa... at kapag naaalala ang kanyang pangalan, laging nasasambit ang mga mapait at karima-rimarim na salita: "siya ang tao na nagdala ng impiyerno dito sa lupa..." na animo'y isang malagim na sumpa na nakaukit sa puso ng bawat biktima at lapida ng kasaysayan. ang pinapatay niya ay hindi lamang ang ngayon... kundi maging ang kinabukasan.
>>>ganito ba ang gusto nating kamatayan... walang kapayapaan? denmar
No comments:
Post a Comment