Pumayapa ka na aking Ama
Ipikit mo na ang iyong mga mata
Upang matulog kang ganap
Sa sinapupunan ng iyong himlayan
Baunin mo ang aming mga pangungulila
Hindi bilang malungkot na pamamaalam
Kundi bilang isang matamis na ala-ala
Na lagi naming babalik-babalikan
Hindi tayo magkakalayo kaylan man
Dahil ang buhay man o maging kamatayan
Ay hindi kailan man mapaghihiwalay
Nang isang tapat at wagas na ibigan
Darating din ang takdang araw
Na titila rin ang mga luha sa aming mga mata
Kung saan wala nang kirot ang mararamdaman
O pait na mararanasan dahil sa pangungulila
Humayo ka na aking Ama
Patungo sa Diyos na Lumikha
Na tanging daluyan ng bawat buhay
Kung saan lahat tayo maglalakbay
At mamamahinga sa kanyang tahanan.
"Sa dibdib ng iyong himlayan
Kakanlungin ka ng kalupaan..."
Wednesday, May 28, 2014
Kaligayahan
Nang matambad ako sa kaligayahan
Tila ayaw ko na itong pakawalan
Dahil nais kong magkunyapit sa kanyang piling
At naghahangad na hindi mawaglit sa kanya bawat saglit
Pakiramdam ko
Ito na ang langit--
Ni ayaw na kitang pakawalan
Pilit ko mang ilihis ang aking landas
Patuloy tayong pinagtatagpo ng kapalaran
Parang kailan lang
Ako nga etong umaayaw
Pedro ngayon
Ako ngayon ang humahabol
Sa iyong bawat yapak
Na aking sinusundan
Hindi na ako nag-iisip ngayon
Hinayaan ko na lamang ang aking puso
Kung sakali man ako ay mabigo
Masasabi ko pa ring ako ay umibig ng totoo.
Den Mar, May 26, 2014
Galit
Heto
para akong nabuhusan ng malamig na tubig
bigla akong nahinto
natulala
bigla-bigla na lamang nag-blangko ang utak ko
matapos ang nakakagimbal na katotohanan...
hindi pwedeng mangyari ang gusto ko
na sa pagkakataong ito
gaano ko man ipilit ito
hindi maaari
hindi talaga pwedeng mangyari
gusto kong magalit
pero wala akong magawa
sumikdo man sa sakit ng paulit-ulit ang aking dibdib
walang magagawa ang puso ko kundi ang magtiis
magwala man ako ay walang mangyayari
dahil ako lang pala ang may gusto nito
ako lang pala at wala nang iba
marahil ang tawag ng pagkakataon
ay ang magpakumbaba at tumanggap ng pagkatalo
dahil ito ang katotohanang pilit kong tinatakasan
sa mundong nilikha ko na ang masusunod ay ako lamang
hindi ko hawak ang galaw ng iba
dahil sa buhay na ito
sarili ko lamang pala ang maaari kong baguhin
marahil kung ayaw kong magbago
gagalaw pa rin ang mundo
kahit magalit man ako
ng naaayon sa kalayaan nya
kalayaang hindi ko kaylan man
maaaring saklawin o bihagin...
Pagluluksa
Natahimik ang aking buong mundo
Noon ako ay nilisan mo
Pakiramdam ko
Gumuho ang pagkatao ko
At nawalan ng sigla ang buhay ko
Kanino ko pa iaalay ang bawat himig ko?
Wala na ang taong tanging nakikinig sa mga pangarap ko
Kanino ko pa ilalaan ang bawat letra ng panulaan ko?
Kung wala na ang taong dahilan ng komposisyon ko...
Ikaw lamang ang matiyagang nakinig sa mga sinasambit ko
Ikaw lamang ang nagturing sa akin na makata ako
Ngayong wala ka na ay paano na ako?
Maaaring limutin ko na ito dahil sa pagkawala mo
Sa simoy ng hangin ay isusugo ko ang aking himig
Upang kung saan ka man ay maabot ka ng aking pag-ibig
Mula umaga ang hanggang sa paggabi lagi akong mananabik
Na dumating ang sandali na muli tayong makapagniig.
Noon ako ay nilisan mo
Pakiramdam ko
Gumuho ang pagkatao ko
At nawalan ng sigla ang buhay ko
Kanino ko pa iaalay ang bawat himig ko?
Wala na ang taong tanging nakikinig sa mga pangarap ko
Kanino ko pa ilalaan ang bawat letra ng panulaan ko?
Kung wala na ang taong dahilan ng komposisyon ko...
Ikaw lamang ang matiyagang nakinig sa mga sinasambit ko
Ikaw lamang ang nagturing sa akin na makata ako
Ngayong wala ka na ay paano na ako?
Maaaring limutin ko na ito dahil sa pagkawala mo
Sa simoy ng hangin ay isusugo ko ang aking himig
Upang kung saan ka man ay maabot ka ng aking pag-ibig
Mula umaga ang hanggang sa paggabi lagi akong mananabik
Na dumating ang sandali na muli tayong makapagniig.
Subscribe to:
Posts (Atom)