Pumayapa ka na aking Ama
Ipikit mo na ang iyong mga mata
Upang matulog kang ganap
Sa sinapupunan ng iyong himlayan
Baunin mo ang aming mga pangungulila
Hindi bilang malungkot na pamamaalam
Kundi bilang isang matamis na ala-ala
Na lagi naming babalik-babalikan
Hindi tayo magkakalayo kaylan man
Dahil ang buhay man o maging kamatayan
Ay hindi kailan man mapaghihiwalay
Nang isang tapat at wagas na ibigan
Darating din ang takdang araw
Na titila rin ang mga luha sa aming mga mata
Kung saan wala nang kirot ang mararamdaman
O pait na mararanasan dahil sa pangungulila
Humayo ka na aking Ama
Patungo sa Diyos na Lumikha
Na tanging daluyan ng bawat buhay
Kung saan lahat tayo maglalakbay
At mamamahinga sa kanyang tahanan.
"Sa dibdib ng iyong himlayan
Kakanlungin ka ng kalupaan..."
No comments:
Post a Comment