Natahimik ang aking buong mundo
Noon ako ay nilisan mo
Pakiramdam ko
Gumuho ang pagkatao ko
At nawalan ng sigla ang buhay ko
Kanino ko pa iaalay ang bawat himig ko?
Wala na ang taong tanging nakikinig sa mga pangarap ko
Kanino ko pa ilalaan ang bawat letra ng panulaan ko?
Kung wala na ang taong dahilan ng komposisyon ko...
Ikaw lamang ang matiyagang nakinig sa mga sinasambit ko
Ikaw lamang ang nagturing sa akin na makata ako
Ngayong wala ka na ay paano na ako?
Maaaring limutin ko na ito dahil sa pagkawala mo
Sa simoy ng hangin ay isusugo ko ang aking himig
Upang kung saan ka man ay maabot ka ng aking pag-ibig
Mula umaga ang hanggang sa paggabi lagi akong mananabik
Na dumating ang sandali na muli tayong makapagniig.
No comments:
Post a Comment