Sunday, November 16, 2014

Bokasyon (Bukas Iyon)


Dati gusto ko nang sumuko...
Sa tuwing binabalikan ko ang lahat
Naririnig ko ang dati kong sarili
Na laging gustong-gustong lumabas
At tumakas sa buhay na pinili para sa akin ng Diyos.

Kahit na ako, hindi ko akalaing dito ako mapapadpad
Pero, dito ako inilagayy ng Diyos
Nananalig ako na kasama ko siya
Kung kaya nagpapaubaya na lamang ako ng buong ganap
At sumusuko sa kagustuhan Niya para sa akin

Hilaw man ang aking pagnanasa noong una
Dahil pikit-matang tumugon ako sa tawag ng Diyos
Pero sa katagalan ng panahon
Natutunan kong ma-appreciate ang kabutihan ng Diyos
Hanggang sa natutunan kong nang lumaon na ibigin din ang Diyos

Mula noon, pinalad na akong makita ko na Siya
Nakita ko siya sa mga taong kapwa ko kasing-bigo
Nakita ko siya sa mga taong dukha at mahina
Nahawakan ko siya at buhay na buhay na nakausap
Dahil naka-daupang palad ko Siya sa lahat ng kanyang iniibig na nilikha!

den mar

No comments: