“BABAE,
NARITO ANG IYONG ANAK… ANAK, NARITO ANG IYONG INA.”
Dito sa
yugtong ito, ipinadama ni Hesus sa huling sandali ang kanyang pagmamahal sa
kanyang ina at pagtitiwala sa pinakamamahal niyang Disipulo. Ayaw niyang
mahirapan ang kanyang Ina kung kaya inihabilin niya ito sa pinakamamahal niyang
disipulo na si John.
1.Si Jesus- Ang nagwika at nagsugo. Ang Wika ng Diyos (Verbo) na
nagkatawang tao.
Mababasa sa Lukas 4:18 ang misyon
ni Hesu-Kristo:
18Sumasa akin ang Espiritu ng
Panginoon, Sapagka't ako'y pinahiran niya ng langis (anointing) upang ipangaral
ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga
bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan
ang naaapi…
Malinaw ang misyon na ginampanan ni Hesus. Siya ay isinugo ng Diyos Ama
at buong buhay siyang sumunod sa kalooban ng Diyos Ama na kanyang pinakaiibig. Sa
dasal na “Ama Namin,” ipinakilala ni Hesus na ang Diyos na nagsugo sa kanya ay
isang Diyos na Ama nating lahat. Ipinakakilala ni Hesus sa atin na ang Diyos
Ama bilang Diyos ay isang Diyos ng Pag-ibig. Dahil sa sinasalamin ni Hesus ang
Diyos Ama na Diyos ng pag-ibig, si Hesus din ay naging pag-ibig para sa atin.
Pag-ibig na hindi lamang sa salita kundi sa gawa! Pag-ibig na nakakaunawa sa kalagayan
ng sangkatauhan sapagkat siya mismo na isang Diyos ay nagpakatao para
makapiling niya tayo.
Sa piling nina Jose at Maria, naramdaman niya ang mamuhay ng isang
dukkha subalit may pagpapahalaga sa pagta-trabaho (work ethics). Subalit sa kanyang
misyon, tinuruan niya ang mga mayayaman na naging kaibigan niya na magbago at
magbahagi ng kanilang mga sarili sa mga kapuspalad.
Sa misyon ni Hesus, hindi niya nakalimutan ang mga mahihirap at ang mga
maysakit na tinalikdan (abandoned) na ng lipunan. Si Hesus ang siyang naglapit
sa atin ng mga mahihina at may mga karamdaman. Hinawakan niya at pinagaling kahit
ang isang ketongin na para sa mga Hudyo ay ang pinaka-nakakadiri, kasumpa-sumpa
at pinakanakahawang karamdaman.
Ang ginawa ni Hesus sa kanyang misyon ay sinimulan niyang buuin ang
watak-watak na lipunan. Watak-watak sapagkat ang bawat naghaharing panig ay may
kanya-kanyang pansariling interes.Na gsimula siya sa pamamagitan ng pagtuturo,
pagbibigay ng pag-asa, pagpapakain at pagpapagaling. Walang pagtatangi—mahirap o mayaman, banal
man o makasalanan. Nagkaroon ang puwang ang mga dukha sa kanilang ng lipunan. Tinuruan
niya tayong magmahal ng lubusan sa Diyos Ama at sa ating kapwa.
At ang pinakahuling yugto ng misyon nya bilang taon ay ngayon nga’y narito
sa Krus—ang paghahabilin sa atin ng kanyang pinakamamahal na Ina ng sinabi
niyang: “BABAE, NARITO
ANG IYONG ANAK… ANAK, NARITO ANG IYONG INA.”
Sa yugtong
ito, bahagya nating hihimayin ang dalawang mensahe na napapaloob sa ikalawang wika:
Una: “BABAE,
NARITO ANG IYONG ANAK…”
At
pangalawa: “ANAK, NARITO ANG IYONG INA.”
2.Kultura:
Upang maunawaan natin ang mga ito, kinakailangan muna tayong pumasok sa kultura ng mga Hudyo. Kinakailangan muna nating pumasok sa konteksto ng kanilang pag-iisip at saloobin upang magkaroon tayo ng idea kung ano ba talaga ang ibig sabihin ni Hesu-Kristo para sa atin.

A.“Anawim”-Kalagayan
ng mga ulilang lubos
(mga ulilang
lubos na palaboy at nanlilimos; outcast and persecuted)
Sa yugtong ito ng crucifixion, si Maria ay balo na kasi patay na ang kanyang asawa na si St. Joseph. Kaya naman si Jesus na kanyang anak ang tumatayong guardian at tagapagtaguyod niya. Dito, makikita natin na ang kanilang kultura ay Patriarchal or naka-depende sa mga kalalakihan, ibig sabihin, wala kang sinabi or status sa lipunan kung wala kang asawa or anak na tigapagtaguyod. Kasi ang mga lalaki ang nagtatrabaho sa palayan, sa pagawaan, sila ang mga nagpapastol ng mga tupa at ang mga nangingisda. Ang mga lalaki ang may posisyon sa gobyerno, ang mga lalaki ang may posisyon sa kanilang simbahan. Kahit sa usaping pang-pamilya, ang mga lalaki lamang ang kinikilala ng mga kamag-anak dahil ang lalaki lamang ang pwedeng magdesisyon at ang lalaki lamang ang pwedeng mapakinggan.

Samantala,
ang mga babae ay tumutulong lamang sa kanilang asawa at anak; at sa gawaing
bahay. Mahirap ang magtrabaho noong panahong iyon. Malaki ang buwis na
ipinapataw ng Roman Empire sa kanila. Kung may mana man ang isang balo na
lupain, maaaring mawala rin ito kung hindi siya makabayad ng malaking buwis. At
kung wala silang asawa o anak na tagapagtaguyod mauuwi na lamang sila sa
panlilimos sa lansangan para mabuhay kung saan maaari silang mabiktima ng
exploitation ng mga foreigners na nasa lupain nila dahil sa sobra nilang
kahirapan.
(Kung pwede
pa silang manganak ay maaari pa silang mag-asawa. Pero syempre, kinakailangang
isa-alang-alang ni Jesus ang perpetual virginity ng kanyang Ina kung kaya
inihabilin niya ito kay St. John, the beloved, upang mangyari maisakatuparan
ang plano ng Diyos).
B.The Power
of Words-
Mahalaga sa
mga Hebrew ang word of honor dahil naniniwala sila sa kapangyarihan ng mga
salita. Kasi para sa kanila, kapag sinabi mo ang gusto mong sabihin ay talaga
namang mangyayari. Katulad ng sa pagbibigay ng blessing (ni Isaac sa
kanyang anak na si Jacob sa halip na si
Esau) o katulad ng sa pagtistigo laban sa nakagawa ng kasamaan. Ang salita para
sa kanila ay pwedeng magbigay ng blessing at magbigay ng kapahamakan
(esacration).
Alam natin
na si Hesus ay ang Salita ng Diyos o ang Verbo na nagkatawang tao kung kaya ang
kanyang mga sinabi ay nagkakaroon ng kaganapan. Hindi lingid sa kanya ang
masalimuot na kinabukasan ng kanyang Ina sa kanyang pagpanaw kaya naman, si
Hesus, kahit na hirap na hirap na siya sa pagkakapako niya ay inihabilin pa rin
niya ang kanyang Ina na si Maria kay John, the beloved disciple.
3. ANG MGA SALITA KAY MARIA: “BABAE, NARITO ANG IYONG
ANAK”
Sa Griyego, ito ay “Gunay, ide ho huios suo.”
Sa Griyego, ito ay “Gunay, ide ho huios suo.”
Bakit babae
ang itinawag ni Hesus sa kanyang Nanay? Kalapastanganan ba ito?
Hindi ito kalapastanganan dahil alam ni Hesus ang ikaapat na utos na: “Igalang mo ang Iyong Ama at Ina.” Kasama ng pagsunod ng utos na ito ay ang pag-aalaga sa mga magulang kapag sila ay tumanda na.
Hindi ito kalapastanganan dahil alam ni Hesus ang ikaapat na utos na: “Igalang mo ang Iyong Ama at Ina.” Kasama ng pagsunod ng utos na ito ay ang pag-aalaga sa mga magulang kapag sila ay tumanda na.
Si Maria,
nung tinawag siyang 'Babae' ng ating Panginoong Hesu-Kristo na nakabayubay sa
Krus ay naging perpektong mukha ng mga kababaihan ng sangkatauhan.
At nang sinabi ni Jesus kay John, the beloved, na "Narito ang iyong ina"... nagkaroon ng dagliang pagbabago-- lahat tayo: mga kalalakihan at mga babaihan ng iba-ibang lipi at kultura, ay nagkaroon ng dagliang malaking kinalaman sa pinagpalang 'Babaeng' ito dahil siya na ngayon ang ating pinakamamahal na Ina. Dahil sa kanya ay naging kapatid natin si Kristo. At dahil kay Kristo na anak ng Diyos Ama na nagsugo sa kanya, tayo ngayon ay naging anak (adopted children) din ng Diyos Ama.
Hindi natin maaaring itanggi ang lahat ng ito sapagkat nasusulat na si Maria ay tatawaging "mapalad ng lahat ng saling lahi" (Lk 1:46). Mapalad siya sapagkat siya ang dakilang Ina ni Hesus na isang Diyos na nagkatawang tao. Para sa mga sinaunang tao, mapalad ang isang babae kapag nabiyayaan siya ng anak. Subalit nung mamatay sa Krus ang kanyang anak na si Kristo, siya ay nawalan ng tigapagtaguyod. Mapalad siya sapagkat inihabilin siya at tinanggap ni St. John. Tayo, bilang isang sangkatauhan, ay kinakatawan ni St John. Lalo pang umiigting ang pagiging mapalad ni Maria na nagpapa-ubaya ng kanyang pagiging Ina para sa atin sa tuwing tinatanggap natin siya. Sapagkat ito ang kagustuhan ng Diyos, ang maging anak tayo ng pinagpalang babaeng ito. Dito makikita natin ang pagdaloy ng pagpapala ng Diyos, mula sa Diyos Ama na nagbigay ng Dyos anak na si Hesu-Kristo, at mula sa Diyos Anak na nagbigay ng kanyang Ina para sa atin at siya rin ang nagbigay sa atin sa kanyang mahal na Ina na si Maria. Tunay nga na ito ang itinatag ni Hesu-Kristong sambahayan na nananalig sa pagmamahal… isang simbahan ng mga mananampalataya na si Birheng Maria ang tanging Ina.
Kilalanin natin si Maria: Siya ang
ating Ina
Sa dasal na
Aba Ginoong Maria, may part doon na nagsasabing… “Bukod kang pinagpala sa
‘Babaeng’ lahat. Mula kay Eba hanggang sa ating kasalukuyang panahon, si Maria
lamang ang namumukod tangi. Siya ay pinagpala, una sapagkat siya ang naging Ina
ng Diyos na si Hesus; pangalawa, siya ang naatasan ng ating Panginoong Hesu-Kristo
na maging Ina nating lahat. Dahil dito, masasabi nating si Maria ang makabagong
Eba kasi si Maria na ang bagong Ina ng sangkatauhan. Kung si Eba ay nauwi sa
pagiging makasalanan, si Maria naman ay nanatiling banal at matapat na lingkod
ng Panginoon.
Ano nga ba katangian
ni Maria kung kaya siya ay naging mapalad? Iyon ay ang patuloy niyang pagsunod
sa kagustuhan ng Diyos. Ang pagsunod sa kagustuhan ng Diyos ay ang pagsuko
natin ng ating personal na kagustuhan ng may pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos
sa tuwing sinasabi nating “Mangyari nawa sa akin ng kagustuhan ng Diyos”.
Sa kabila ng hinagpis dahil nakikita niya ang sakit na pinagdadaanan ng kanyang anak na si Kristo ay para na rin siyang nagsilang ng sanggol nung tinanggap niyang maging anak si John, the beloved. Ang pagtanggap niya sa kanyang bagong anak na si John, the beloved ay daglian. Ito ay bilang pagsunod kay Hesu-Kristo. Tandaan natin na si John, the beloved ay kumakatawan sa ating lahat. Ang relasyong ito ay spiritual motherhood.

Bilang mga
Kristiyano, sana maging katulad tayo ni Maria. Matuto sana tayong sumunod,
manahimik, makinig at mag-nilay (to ponder) sa wika ng Diyos. Tayo nawa ay
maging Christ-bearer or tagapagdala ng ating Panginoong Hesu-Kristo kahit saan man tayo mapunta.
4.ANG WIKA
PARA SA ATING LAHAT (THROUGH JOHN, THE BELOVED): “… NARITO ANG IYONG INA”
Sa Griyego,
“Ide ho meter sou.”
Ipinagkatiwala
ni Hesus ang kanyang Ina sa pinakamamahal niyang tigasunod. Ayon sa tradisyon ng simbahan,
ipinagkatiwala ni Hesus ang kanyang Ina kay John, the beloved disciple.
Sino nga ba
si John, the beloved disciple?
Maaaring teen-ager pa lamang siya nung tinanggap niya upang alagaan ang Mahal na Ina.
Ayon sa
Prayer to St. John the Beloved Disciple, siya ay unang naging tigasunod ni
John, the Baptist. Upang makilala niya ng lubos si Hesus, siya ay tumira sa
kanyang tahanan kung saan naroon din si Maria. Nung tinawag siya ni Hesus na
maging tagapamalakaya ng mga tao, daglian niyang iniwan ang kanyang ama at ang
kanyang hanap-buhay na pangingisda upang sumunod agad kay Kristo. Mula sa
pagiging mainitin ang ulo, naging tulay ng kapayapaan at pagpapatawad sa kapwa.
Nakita niya ang Panginoong HesuKristo na nag-transfigured sa Mt. Tabor at nasaksihan niya rin ang pagdurusa ng
Panginoon habang nagdarasal ng taimtim sa hardin ng Gethsemane. Dun sa last supper, siya yung nakadantay sa
dibdib ng Panginoon na sumisimbolo ng malalim na relasyon kay Kristo. At doon
sa paanan ng Krus, kasama ni Maria, hindi niya iniwan si Kristo sa Kanyang
pagdurusa.
Sa kabila ng
kanyang pagiging teen-ager, daglian niyang tinanggap ng buong puso ang Mahal na
Ina. Sa mga kaibigan, ang katulad ni St. John, the beloved disciple, ang
pinaka-ideal kasi pwede mong iwan at ipagkatiwala sa kanya ang pinakamamahal mo
sa buhay kung sakaling ikaw man ay mawala na.
Katulad ni John, the Beloved, tayo rin ay nais ni Hesus na maging super-close sa kanya. Para sa Diyos, hindi hadlang ang ating mga kahinaan sapagkat tutulungan niya tayong magbago. Katulad ni John, the beloved, nais ni Kristo na tanggapin din natin si Maria sa ating buhay bilang ating Ina.

Si John, the beloved, ay kumakatawan
sa atin--
Kumakatawan
si St. John, the beloved sa atin. Katulad niya, nakahanda rin ba tayo na
tanggapin ang dagliang pagbabago sa buhay natin? Dagliang pagbabago na kung
saan ay kaya nating makita ang ating kapwa bilang ating pinakamamahal na kapatid.
Kapag na-realized natin ito, dadaloy ang pagkakapatawaran... ang pag-ibig at
ang kapayapaan. Ito ang Kaharian ng Diyos na nais ni Kristo—isang malaking pamilya ng Diyos na may
pagpapatawad sa isa’-isa, pagmamahalan at
may kapayapaan.
5.Reflection:
Ngayon ay i-try nating i-connect. Si Maria ang ating Ina. Dahil kay Maria ay naging kapatid natin si Kristo. At dahil sa naging kapatid natin si Kristo ay naging adopted children tayo ng kanyang Diyos Ama. Kung pakaka-isipin natin, nais ni Kristo na bumuo ng isang bagong ideal na pamilya. Ideal kasi ito ay pamilyang banal kung saan lahat tayo ay naging anak ng isang Amang Diyos ng Pag-ibig na ipinakilala sa atin ng kanyang bugtong na Anak na si Kristo.
Ideal ito
kasi ito ang pupuno sa kakulangan ng ating lipunan. Ito ang magiging bagong
kultura na ating yayakapin dahil hangad ng ating Panginoon na walang
maisasantabi at mapapabayaan—walang mahirap, walang mayaman; walang
pinandidirihang maysakit; walang nagugutom kasi lahat ay nagbibigayan at walang
patayan sapagkat lahat ay nagkakasundo.
Tayong lahat
ay may pananagutan sa isa’t-isa dahil tayo ay isang malaking pamilya ng Diyos
na bumubuo ng kanyang simbahan kung saan si Kristo ang ulo at tayo naman ang
kanyang katawan. Ideal kasi tayo ang bubuo ng kaharian o Kingdom of God kung
saan ang maghahari ay pawang ang pagmamahal lamang ng Diyos sa ating lahat.
Upang
mangyari ang mga ito, kinakailangan natin ng pagbabagong ng kalooban at
kaisipan (metanoia). Nararapat
lamang na ang pagbabagong ito ay batid natin hindi iyong ningas kugon lamang na
sa simula lamang mabuti. Magsisimula ang pagbabagong ito sa ating mga sarili,
sa ating pamilya, sa ating kapitbahay hanggang sa ating simbahan at sa ating
lipunan.
Katulad nina
Maria at John, the beloved, kinakailangan nating maging hininga ng buhay ang ating
Panginoong Hesu-Kristo. Hininga dahil
hindi tayo mabubuhay kung wala si Kristo sa ating buhay. Ang lahat ng ating
gagawin ay ialay natin kay Kristo. Ang lahat ng bunga ng ating gawain ay
ipagpasalamat natin kay Kristo. Kung si Kristo ang lahat-lahat sa buhay natin,
kaylan man ay hindi tayo mag-iisa.
Kung si
Kristo ang lahat-lahat sa buhay natin, wala nang magsu-suicide kasi alam niyang
may tatanggap sa kanya sa kabila ng lahat. Gayundin, wala nang magpapa-abort
kasi hindi na siya matatakot na harapin ang bukas. Kung si Kristo ang lahat-lahat
sa buhay natin ay makakamit natin ang totoong kaligayahan—hindi na kailangang
tumakas pa sa katotohanan. Hindi na kailangang malulong pa sa masamang bisyo.
Ang lahat ng masamang bisyo ay naglalayo sa atin sa ating kapwa, sumisira ng
ating buhay at umuubos ng ating oras. Ang masamang bisyo ang nagiging bagong
diyos-diyosan na umaalipin sa atin kung saan inaalay natin ang ating lakas,
pera at oras kapalit ng ating panandaliang kaligayahan.
Kung si Kristo ang lahat-lahat sa
buhay natin, makakayanan nating maging kapatid sa ating kapwa. Sa halip na
magalit, magpasensya. Sa halip humusga, tumulong. Sa halip na gumanti,
magpatawad. Bago tayo sumang-ayon sa mga bagong idea tulad ng death penalty na
ating naririnig ay mag-isip muna tayo. Huwag tayong maging berdugo ng sarili
nating kapatid. Kaylan man ay hindi solusyon ang karahasan sa mga problema ng
lipunan. Kung nais natin ng totoong kapayapaan, nararapat lamang na gumamit
tayo ng mapayapang paraan. Paano? Sa pamamagitan ng pagtanggap natin sa
pinakaibuturan ng ating ‘konsensya’ na ang ating kapwa ay ating kapatid. Na ang
ating kapwa ay ating pananagutan. Na ang ating kapwa ay ang daan natin patungo
sa Diyos Ama. Hindi tayo pwedeng pumunta sa Diyos Ama na mag-isa, kailangang
kasama natin ang ating kapwa.
Isipin natin itong logic na ito, ang
langit ay para sa ating lahat… pero kung naroon ang iyong kaaway, gusto mo pa
bang mag-stay sa langit? Paano kung andun yung may-utang sa iyo, kung andun
yung nang-chismis sa iyo, kung andun yung nang-rape at pumatay sa iyo… gusto mo
pa bang mag-stay sa langit? Katulad na lang ni St. Stephen na namatay dahil sa
kagagawan ni St. Paul na naging berdugo ng mga sinaunang Kristiyano na nasusulat
mula sa Acts of the Apostles (Acts 7:51-8:1). Si St. Paul na ang dating
pangalan ay Saul ang nagpahamak kay St. Stephen na isang deacon kung kaya ito
ay napatay. Subalit bago namatay si St. Stephen ay sinabi niya sa Panginoon
nung nagbukas ang pintuan ng langit para sa kanya, “Panginoon, huwag mong
parusahan ang mga tao na pumatay sa akin dahil pinapatawad ko na sila.” Lahat
tayo ay nabubulagan, lahat tayo ay nagkakamali. Katulad ni Saul, siya rin ay
nabulagan at nagkamali. Sa kasagsagan ng kanyang krusada laban sa mga unang
Kristiyano, tinawag siya ng Panginoon, “Saul, Saul… bakit mo ako pinapasakitan
(persecute) (Acts 9:4). Si Saul ay nakakita ng matinding liwanag na ikinabulag
niya… at mula sa pisikal na pagkakabulag ay gumaling siya at ng nakakita siyang
muli, tinanggap niya at itinuwid ang kanyang pagkakamali. Nagtatag siya ng mga
komunidad ng mga mananampalataya at
nangaral sa kanyang mga pagsulat upang ipakilala si Hesu-Kristo. Sa wakas ng
kanyang buhay, namatay siya katulad ni St. Stephen na kanyang ipinapatay sa
ngalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Sa pagpapatawad… laging naroon ang
conversion, laging naroong ang pagbabago. Tandaan natin, ang pagpapatawad ng
Diyos ay walang hanggan… pero ang pagpapatawad natin, nasa sa atin kung hanggang
saan aabutin ito. Kaya dito pa lang
sa lupa, mag-practice na tayong magpakumbaba. Magpractice na tayong magmahal, magpractice
magbigay. Lalo na kailangan nating mag-practice humingi ng sorry at magpractice
tayo magpatawad sa ating kapwa. Kasi iyon ang gagawin natin sa langit—ang
magmahal at wala nang iba.
Sa palagay
ko, sa ating panahon ngayon ang kulang ay PASENSYA kung kaya madali para sa
ibang tao ang mag-suicide at madali din sa kanila ang pumatay. Kulang tayo ng
pasensya kaya madali tayong sumuko. Kulang tayo ng pasensya kung kaya madali
tayong humusga at sabihing “ipapatay na iyan.” Pero kakayanin ba nating
tanggapin ang sentensya na tayo rin ang nagbigay kung tayo na ang mismong nasa
kinatatayuan ng mga hinuhusgahan natin. Sa palagay ko, kung tayo ang nasa
katayuan ng mga bibitayin, manghihingi rin tayo ng awa at habag hindi para sa
ating sarili kundi para na lang sa ating mga anak at asawa na mauulila. Kulang tayo ng pasensya kaya madalas tayo rin
ang napapahamak.
Siguro sa
kabuuan ng aking pastoral ministry sa FEU Hospital, ang nagawa ko lang sa mga
pasyenteng nabisita ko ay ang turuan silang magdasal ng taimtim kapag nasa
bingit sila ng kamatayan: “Panginoon, bahala na po kayo sa akin. Sana po, maawa
po kayo sa akin, bigyan nyo pa po ako ng mas mahabang buhay… hindi para sa
akin, kundi para sa aking mga anak.”
Kapag may mga pasyenteng sobrang natatakot na magpaopera, ang lagi kong sinasabi sa kanila: “Kapag naramdaman na ninyo ang pampamanhid at inaantok na kayo, kapag ipikit na ninyo ang inyong mga mata, isipin ninyo ang family picture ng iyong pamilya. Sabihin mo kay God, ‘God, gusto ko pa pong mabuhay para sa kanila.” At sa awa naman ng Diyos, lahat sila ay nakaligtas sa bingit ng kamatayan.
Mga kapatid, napaka-pasensyoso sa atin ng ating Panginoon. Dasal lang mula sa atin ang kanyang hinihintay. Magdasal tayo na humaba pa ang ating pasensya at ang pasensya na meron tayo ngayon ay ipagdasal nating maging ganap na pag-ibig… na maging pagmamahal. Sabi ng Diyos, Love Your Neighbor at sinabi din niya na “Love your enemies.” Kapag may kaaway ka, ipagdasal mo. Huwag kang gumanti, huwag mong hayaan ang kanyang kamalian ang magpasama sa iyo. Kapag sinampal ka sa kaliwa ay ibigay mo pa ang iyong kanang pisngi. Kapag nagkaroon ka ng kaalitan, magpatawad ka ng 77 x 7 na ang ibig sabihin ay magpatawad ng walang hangganan. Sa mga hindi pagkakasunduan, pinayuhan tayo ng ating Panginoong Hesu-Kristo na makipagkasundo muna tayo sa ating mga nakaalitan bago tayo maghandog sa dambana ng Diyos. Kung hindi magkasundo ay dumulog sa isang tao na maaaring mamagitan sa atin at sa ating kaaway upang maibalik ang kapayapaan sa bawat isa. Sana, marealized natin na kinakailangang maging mapayapa muna ang lahat upang matanggap natin ng buong-buo ang kapayapaang nagmumula kay Hesu-Kristo: iyon ay ang makita at ang ibigin si Kristo na nasa puso nating lahat.
Sa buhay na
ito, lagi tayong umasa sa Diyos dahil mauubos ang lahat sa ating buhay pero
hindi ang grasya at ang pagmamahal ng ating Diyos para sa ating lahat. Kung tayo
man ang pasaway sa ating mga magulang, pasaway sa kapitbahay, pasawaya sa ating
eskwelahan at pasaway sa ating lipunan… kapatid
hindi iyan ang plano ng Diyos para sa iyo. Ang plano sa iyo ng Diyos ay ang
maging mabuti kang tao na may pakinabang sa iyong lipunan. Sana magbago na
tayo. Kasi mas mas magiging masaya tayong lahat kung mas magiging mabuting tao
tayo. Tandaan natin, mas nagiging masaya tayo kapag naibabahagi natin ang ating
kasiyahan sa ating kapwa.
Story:
Si Ate Dory ang panganay kong kapatid. Isa siyang special child. Katulad ng ibang magulang, ang mga magulang ko ay maraming pangarap “sana” para sa kanya. Kaya lang, ng siya ay ipanganak ay doon na-discover ng mga magulang ko na mabilis na tumigas ang kanyang bungo na dahilan upang hindi maging fully developed ang kanyang brain. Dahil sa kalagayan ng ate ko, madalas ay absent sa work ang mother ko para maalagaan ang ate ko na naging sobrang sakitin nuong kanyang kabataan. Mas lalong naging mahirap ang sitwasyon nuong ipinanganak ako at yung bunso namin. Kaya by that time ay nagresign na sa work niya ang mother ko. Nung pinapalaki ako at ang bunso kong kapatid ng nanay at tatay namin, ang lagi nilang sinasabi sa amin, “Kapag wala na kami ay kayo na ang mag-aalaga sa ate mo.” Pinilit ng parents ko na pag-aralin si Ate kaya lang hindi niya kaya kasi wala siyang natatandaan sa mga pinag-aaralan. Naabutan ko pa sa grade one si ate, halos grade three na ako ay grade one pa rin siya. Kapag nagche-check ng mga activities namin ang aming nanay ay natutuwa siya sa akin kasi konti lang ang mali ko. Lalo na dun sa bunso kong kapatid na laging perfect at laging honor. Pero pagdating sa ate ko, lagi siyang zero at laging napapatawag ang nanay ko sa school kasi laging ikino-complain ang Ate Dory ko na “nagbubutas lang daw ng bangko” ng kanyang teacher. Minsan umuwi ang nanay ko galing sa school, umiiyak ng tinanong ko kung bakit, sabi ng nanay ko, “Ayaw kasi ng teacher ni Ate Dory mo na isali siya sa Girl Scout kasi ‘abnormal’ daw siya.” Nakita ko yung awa sa nanay ko, kasi bilang ina ang gusto lang naman niya ay mabigyan ng normal na buhay ang ate ko. Araw-araw ay tinuturuan niya si ate na makapagsulat kahit pangalan man lamang niya. Minsan ay nagkakaiyak-iyak na siya kasi hindi talaga matuto si ate. Minsan, ang tatay ko naman ang sumugod sa school, kasi dahil nagdadalaga na ang ate ko at nire-regla na, binubully siya ng mga kaklase niyang Grade one… hinihipuan, pinapakitaan ng ari ng mga lalaki niyang classmates at ipinapahiya. Pero hindi lumalaban si ate at umiiyak na lang. Minsan, na-guidance ako kasi may nasapak akong ka-school mate namin na binabastos si ate. Hanggang isang umaga bago ang enrolment ay narinig ko na kinakausap ni nanay si ate. Si ate ay naka-uniform na at nagpupumilit na ipa-enrol siya ng nanay ko sa school… “Anak dito ka na lang sa bahay. Apat na taon ka nang pabalik-balik sa grade one. Sabi ng teacher mo ay dito ka na lang sa bahay mag-aral. Ako na lang ang magiging teacher mo.” Sa unang pagkakataon narinig kong nangatwiran si ate, “pero Nay, gusto ko pong mag-aral... gusto kong maging katulad nina Dennis at Ginalyn. Gusto ko ring makatapos… gusto ko ring makatulong sa inyo.” Tapos doon na umiyak ang nanay ko… kasi hindi niya akalain na ang ate ako ay nakakapag-isip din ng matino. Ang gusto lang ni ate ay makatapos ng grade one, kahit grade one lang sana ay maipasa niya kaya hindi siya umaabsent. Kaya lang hindi naman naging mapagpasensya ang kanyang mga teachers at ang kanyang mga kaklase—pinapagalitan siya lagi, ipinapahiya, pinipingot, tinatawag na bobo at pinaparusahan at pinatatayo lagi sa gilid ng silid aralan.

Pero para sa amin, mahal na mahal
namin si Ate Dory. Sobrang mahal na mahal siya ng mga magulang ko. Never namin
siyang ikinahiya. Kahit malimit ay nagta-tantrums si Ate, ang sabi ng nanay ko,
bigay siya ng Panginoon. Actually, ang kahulugan ng pangalan ni ate Dory ay
gift. Sabi ng nanay ko, “Mahirap magpalaki ng special child kasi kailangan mo
ng dobleng pasensya. Para magawa mo ito, kailangan mo ng sobrang
pagmamahal.” Malimit, ako ay
nahuhusgahan ng mga tao dahil kay Ate, sabi nila ay abnormal din daw ako pero
hindi ko na lang pinapansin dahil nagpapasensya na lang ako. Malimit naiinggit
ako sa mga normal na pamilya kasi ang hirap kapag ang isang kapamilya ay
mayroong sakit, kulang lagi ang pera kasi kailangan laging magpagamot at bumili
ng gamot. Nakakasawa na rin kasi ang
ma-stress. Pero ang sinasabi ko na lang sa aking sarili, ito ang ibinigay sa akin
ng Diyos kaya kailangan kong tanggapin ito at magpasensya na lang.
Hanggang sa tumagal ang panahon, ang pagpapasensyang ito ang naging daan upang lalong mahalin ko ang ate ko at ang aking pamilya. Kung uulitin kong muli ang buhay ko, gusto ko pa ring maging ate ang ate Dory ko kasi siya ang ate na ibinigay sa akin ng Diyos.
6.Pagbubuod:
Sabi ng
kantang Pananagutan, “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang,
Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang… Tayong lahat ay pinili ng
Diyos na kapiling Nya.” Ibig sabihin, nais tayo ng Diyos na kanyang maging
ka-pamilya.
Katulad nina Maria at John, the beloved, kinakailangan nating sumunod sa tagubilin ating Panginoon na “magmahalan tayo”.
Sa krus, ang
pinakahuling misyon ni Hesu-Kristo bilang tao ay ang ibigay sa atin ang kanyang
mahal na Ina. At tayo, an gating misyon ay ang tanggapin ang kanyang Mahal na
Ina. Kaya sa Krus ng pagpapakasakit, bilang Kristiyano, lahat tayo ay doon
ipinanganak. Doon tayo bininyagan ng dugo, ng pawis, ng pagpapakasakit at ng
pag-aalay ng buhay ng ating mapagmahal na Diyos. Ang kamatayan ni Kristo ay ang
ating kaligtasan na tumubos sa ating kasalanan. Kung si Maria ang ating Ina, si
Kristo ang ating kapatid at ang Diyos Ama ni Kristo ay ang ating Dyos Ama rin.
Sabi ni
Kristo, mahalin natin ang ating kapwa, sapagkat ang ating kapwa ay ang ating
kapatid.
#denmar1978
#denmar1978
No comments:
Post a Comment