1.HOW (Paano) at
2.WHY (Bakit).
May pagkakataon na mas madaling ipaliwanag kung "Paano ka ipinanganak" kasi pwede mong itanong iyon sa iyong mga magulang or pwede kang mag-research sa mga libro at internet; pero ang tanong na "Bakit ka ipinanganak," ang ultimate na makakasagot lamang noon ay ang lumikha sa atin na walang iba kundi si God.
Upang maunawaan natin kung "Bakit tayo nandito" ay kinakailangan nating magkaroon ng magandang relasyon sa ating Diyos. Siya ang mabuti at mapagmahal na Diyos na laging nagsasabi sa atin na "Narito ako para sa Iyo."
Kapag naunawaan natin kung paano tayo nilikha at bakit tayo nilikha bilang tao, mas magiging malalim at makahulugan ang pagtingin natin sa mga bagay-bagay. Malalim sapagkat naiuugnay natin ang ating sarili sa lahat ng bagay at lalong-lalo na sa ating kapwa-tao; makahulugan sapagkat nakikita natin lagi ang grasya ng Diyos na gumagalaw sa lahat-lahat ng mga nilikha Niya sa lahat ng panahon at pagkakataon.

#engkwentro #denmar1978
No comments:
Post a Comment