Tuesday, May 24, 2011

Lahat



Lahat ng Aking dahilan upang umibig
Nais Kong ibulong sa puso mong mailap
Nais kong ikaw ay manatili sa aking piling
Kahit na ilang saglit, pag-ibig Ko'y muling dam'hin.

Sa 'yong hakbang na paalis
Damdamin Ko'y natitigatig
Lumuluhang susundan
Lahat ng iyong bakas...

Hinahangad ng puso Kong
Masilayan kang muli
Upang muling suyuin
Ang puso mo at manatili....

Lahat ng Aking dahilan upang umibig
Nais Kong ibulong sa puso mong mailap
Nais kong ikaw ay manatili sa aking piling
Kahit na ilang saglit, pag-ibig Ko'y muling dam'hin.

Mga pangakong sinambit 
Nang labi mo'y bibigkasin
Ala-alang nagdaan
Sabay nating babalikan...

Sigwa ng 'yong puso'y
Papayapang muli
Kung ika'y mananatili
Sa bisig ko gaya ng dati....

Lahat ng Aking dahilan upang umibig
Nais Kong ibulong sa puso mong mailap
Nais kong ikaw ay manatili sa aking piling
Kahit na ilang saglit, pag-ibig Ko'y muling dam'hin.

No comments: