Tuesday, May 31, 2011

Sana Maisip Mo...




Sana maisip mo na ang lahat ng akin ay ipinaubaya ko sa iyo
Dangang mawala ang aking sarili nang inialay ko ang aking buhay para sa iyo
Alam ko na aabot sa ganito ang lahat na aking pagpapakasakit
Subalit isa lang ang maliwanag sa akin...

Ginawa ko ito dahil alay ko sa iyo ang wagas na pag-ibig...

Wala kang dapat gawin upang magpahayag ng pasasalamat
Wala kang dapat sabihing anupaman upang ako'y sumbatan
Dahil kahit sa huli... kahit hindi mo man ako mahalin
Sa puso kong binulag ng wagas na pag-ibig...

Ikaw pa rin ang ipipintig ng aking puso ng paulit-ulit...

No comments: