Tuesday, May 24, 2011

Mula sa Akin...


Mula sa akin...
Maraming himig ang hindi narinig
Maraming awit ang hindi nagawang kantahin
Sapagkat Ako'y salat upang umawit.

Nasaan ka nang nais kong ibahagi sa iyo ang aking sarili?
Naroon ka't hinihintay mo ako sa lugar na hindi mo ako masisilayan.
Nasaan ka ng nais kitang abutin
Nilampasan mo ako at hindi pinansin....

Kung kaya't ang mga ibon ang tinuruan Kong umawit
Nang himig ng aking puso na sa iyo'y nananabik
Ang ulap ng kalangitan ay buong pananabik Kong hinawi
Nang marinig Ko ang tinig mong sa mga likha Ko'y sumasaliw...

No comments: