Friday, May 27, 2011

Langit

Ibubulong sa himig ng hangin 
Ang pag-ibig kong nadarama sa iyo
At sa ihip ko, aking halik sa pisngi mo ay darampi 
Kayakap ng pangarap kong ikaw ay makapiling. 

Sa bawat pagsikat ng umaga 
Laging dasal sa Maykapal t'wina 
Ang mahagkan, ang mayakap ka 
Ang kam'tin ang pag-ibig mo kahit ilang saglit. 

Langit sa akin ang ikaw ay mahagkan 
Ang ikulong ka sa aking bisig hanggang sa kay'lan man 
Kung hindi man ngayon, ako pa rI'y maghihintay sa 'yo 
Hanggang dumating tamang panahong ang puso mo ay mayakap ko. 

Br. Dennis DC. Marquez, sSSS

No comments: