Tuesday, May 24, 2011

Pagkatigagal


Sa isang iglap naubusan ng salita
Ang aking puso na nagsaling diwa
Matapos bumaybay sa kaparangan ng lumbay
At pagtagni-tagniin ang mga nakaraang nagkabasag-basag...

Naumid ang aking mga mapagkunwaring dahilan
Nang ako'y mapatigagal sa Dakilang Lumikha
Doon, ang daloy ng oras ay tila tubig na iginapos sa kawalan
Kung saan sugatan kong puso'y hinilom sa kanyang kanlungan...

No comments: